Nagising siya sa sariling kwarto kinabuksan ng umaga. Una niyang napansin ang p*******t ng buong katawan, pati na ang tiyan, lalo na ang kaliwang paa na natapilok kagabi. Kumilos siya at hinanap ang mga tao sa bahay na iyon, narinig niya ang mga itong nag-uusap sa labas. Dagli niyang inalala ang nangyari sa kanya kagabi. Ang muntik na niyang ikapahamak sa kamay ng m******s na lalaking iyon. Mabuti nalang at may dumating na saklolo na nakilala niya pa bago pa siya nawalan ng malay sa mga bisig nito. Si Kody Cervantes. Lubos siyang nagpapasalamat na dumating ito, pero pumasok din sa isip niya na hindi naman mangyayari iyon sa kanya kung hindi dahil din sa lalaki. Hindi siya mapapadpad sa madilim na lugar na iyon kung hindi dahil sa ginawa ng lalaki. Mariing nagtalo ang isip niya, wala

