“Kayong dalawa ha, matatanda na kayo. Alam ninyo naman na siguro ang tama at mali sa pakikipagrelasyon. Kody hijo, ano ba naman yan, wala ka na dapat na itinatago sa kasintahan mo. Kung mahal mo ang isang tao, ipagtatapat mo kung ano ang meron ka sa nakaraan. Ikaw naman Sam, tanggapin kung anong pagkakamali ng kapareha mo, nakaraan naman na pala iyon eh, kung mahal mo handa kang magpatawad,” iyon ang paulit ulit na umaalingawngaw sa kanyang tenga kinagabihan. Galing iyon sa kanyang tatay noong sabay sabay sila kumain sa hapagkainan kaninang tanghalian. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi pa rin siya makatulog. Medyo natrauma siya sa nangyari sa kanya kagabi pero dahil nakakulong na ang taong muntik nang gumahasa sa kanya ay medyo nakahinga na siya ng maluwag. Pero ang totoo, sa

