Sa pinakamalapit na airport sa kanilang baryo sa Mindoro doon nagland ang chopper na lulan sila. Hindi na kasi matandaan ni Sam ang mismong bahay na pupuntahan, 'di sana naibaba sila sa mismong tapat lang ng bahay na tutuluyan. Tutal sabi nito na may patag na lote katabi lang ng bahay ng tiyuhin. Inalalayan ni Kody si Sam pagkababa palang mula doon. Ibinigay nito sa dalaga ang saklay at ito na ang nagbaba ng tatlong duffle bag na pag-aari ng dalaga, kasama ang isang luggage na pag-aari naman nito. Medyo malayo ang nilakad nila mula doon papunta sa harapan ng airport kung saan naghihintay na ang pinsan ni Sam na siyang susundo at kukuha ng taxi para sakyan papunta sa bahay nito. “Okay ka lang?” tanong niya sa lalaki nang makitang hindi ito magkandaugaga sa pagbigbit ng mga bag na iyon

