Napakislot siya nang magising kinabukasan na nakayakap at nakatanday ang isang binti sa katawan ng binata habang busy na ito sa kakapindot sa cellphone nito. Nakita pa niya na wala siyang kumot at kita ang legs niya mula sa naka hawing bathrobe na suot lang pwera sa panty at bra. “Sir naman, bakit hindi ninyo ako ginising?” pagkaalis ng kamay at ng binti sa katawan ng lalake ay agad na rin inayos ang suot suot. ”Ang sarap ng tulog mo eh, bakit kita gigisingin,” sagot nito pero hindi man lang siya sinulyapan. “Bakit ka nga pala nakabathrobe habang natutulog? Hindi ka ba nainitan? Pwede ka naman mag-underwear lang, tayo lang naman dito.” Mag-uunat na sana siya ng katawan nang marinig ang sinabing iyon ng lalake, napatigil siya at inirapan ito. “Kaya nga sir hindi ko hinubad ang bathrobe

