“Oh, anong ginagawa mo?” tanong niya. “I’m taking off my clothes, it's hot in here! Ito ba yung sinasabi nilang pinakamahal na room? Bakit parang walang aircon?” angal nito habang nakahiga at inaalis ang suot na damit kabilang na ang pang-ibabang suot na slacks. Inis na napatalikod lang naman ang dalaga. Naghintay si Sam ng ilang minuto bago humarap ulit sa lalake. Pagkaharap ay nakita niyang himbing na naman ito sa pagtulog habang nakataob. Una niyang napansin ang ganda ng pagkaumbok ng pwetan nito sa suot na light gray underwear na nahihiya pa siyang pakatitigan. Gumapang ang mga mata niya sa ma-muscle na katawan nito. At hindi na niya naiwasan na humanga dito. Naalala niya tuloy ang sinabi nito noong nasa resort sila, na hindi ba daw siya proud na ito ang boyfriend niya, naikibot n

