Katakot takot na sermon ang natanggap niya sa mga magulang pagkauwi. Nagkaroon din kasi ng banggaan sa may Rotonda kaya natraffic siya at nakarating na sa bahay ng mag-aalas onse na ng gabi. “Uwi ba yan ng matinong babae?” “Samantha ha! Kumikerengkeng ka na!” “Nasaan na ang magaling na lalake?” “Walang nang susunod ha, hangga’t hindi nagpapakilala ang lalakeng iyan sa amin hindi ka na makikipag date ulit!” Ang huling mga katagang iyon ang lubos na nakapagpabagabag sa kanya. Paano niya ba aaminin sa mga ito na nasagot na niya si Steven sa loob ng unang araw ng pagdi-date nila. Buong yabang pa naman niyang sabi kanina na hindi siya magiging marupok kay Steven pero anong nangyari? Unang date, pinakawalan na niya agad ang pinakaiingatang mga salita dito. Nasapo niya ang ulo. Inlababo t

