Tilaok ng manok ang gumising sa kanya kinabukasan. Pupungas pungas na kumilos at tiningnan ang katabi. Nandoon pa rin ang unan na inilagay niya sa pagitan nila. Sinilip niya pa si Kody at nakita niya itong nasa labas na ng kulambo, nakahubad ang tshirt at ang shorts lang ang suot suot. May awa siyang naramdaman dito lalo na nang makita ang mga pantal nito sa katawan likha ng pagkagat dito ng mga lamok kagabi. Alam niyang hindi sanay ang lalake sa mga ganitong bagay pero dahil sa kanya lahat ng ito ay tinitiis ng lalaki. Bumangon siya at hinilot ang kanyang paa na nagkaroon ng injury, medyo ok na iyon, mas nagagalaw na niya ito. Sinubukan niyang itapak iyon at hindi na rin masakit. Ilang araw nalang siguro at tuluyan na siyang makakalakad ulit ng walang gamit na saklay. Ilang minuto lang

