Pagkatapos makapagpalit ng damit ay lumabas ang pinsang si Reyshel na naka maikling shorts at sleeveless ng pang-itaas. Dumiretso ito at nakipagchikahan sa mga tao sa labas ng bahay. Nagdala rin ito ng tubig para painumin kay Kody. Si Sam naman, nagkandahaba ang leeg para sundan ng tingin ang pinsan na babae, nagkandalaki rin ang tenga niya para mapakinggan ang mga usapan ng mga ito. Malapit na siya matapos sa pag gayat ng mga rekado ng uulaming pakbet para sa kanilang hapunan. “Kody, tubig oh baka nauuhaw ka na,” tila may landi ang pagkakaalok noon ng babae na halos kasing edad lang din ni Samantha. Medyo matangkad lang ito dito. Iniabot iyon ng binata at ininom pagkatapos magpasalamat. Pinunasan pa nito ng braso ang butil butil na pawis sa noo. Tamang tama at may dala din itong bimpo a

