Maaga silang nagising kinabukasan para magluto ng breakfast sa labas ng bahay. Samantalang si Kody at ang tatay ng mga pinsan ay nag-igib ng tubig para sa gagamitin sa buong araw. Si Raymond naman ay pumunta sa bayan para bumili ng gas na magagamit sa pagluluto. Siya, ang pinsan na si Reyshel at ang tiyahin ang nag-asikaso ng kanilang daldalhin para sa ilang oras na pananatili sa tabing dagat. Ilang minuto lang pagkabalik ni Raymond, pagkatapos mag-agahan, dala ang mga rekadong kailangan sa pagluluto, kailangan sa pamimingwit at ilang tuwalya at malinis na damit ay sabay sabay na silang gumayak papunta sa tabing dagat. Lahat ay excited, lalo na si Sam na nailalakad na nang medyo matagal ang paa na nainjured. Kailangan lang siya alalayan ni Kody sa tuwing may mabato o pataas o pababa na l

