Ilang araw na ang nakalipas magmula nang makabalik sila sa Maynila at sa mga araw na iyon although madalas sila nag-uusap sa phone or nagvi-video call ng lalaki na kung minsan nga ay nakakatulugan na nito ang kanilang pag-uusap ay hindi pa sila ulit nakapagkita or hindi pa siya nadadalaw ulit ng lalaki sa kanilang bahay. Masyadong hectic ang schedule ng lalaki dahil isang linggo rin itong umabsent sa work. Sigurado siyang tambak ang mga gawain nito kaya naiintindihan niya kung hindi muna ito nakaka-bisita sa kanya. Alas kwatro ng hapon, at karaniwan nakabalik na ang lalake sa suite nito sa mga oras na iyon. Bitbit sa isang kamay ang isang box ng paborito nilang donut ay malaki ang pagkakangiti niya habang sakay sa elevator ng The Crown Hotel. Balak niya itong sorpresahin. May mga dala

