New Year's Eve. Halos mapuno ng tao ang pinakamalaking ballroom ng The Crown Hotel na matatagpuan sa first floor rin ng building na iyon. Bukod sa malawak na bulwagan ay sinakop din ng pagdiriwang na iyon ang bandang pool area nito. Maraming nakalagay na lamesa at upuan sa paligid na sa ibabaw ay pinalamutian ng ilang bulaklak at scented candles. Ang buong paligid, kabilang na ang mga halaman at mga puno ay pinaligiran ng christmas lights na may iisang kulay lamang, iyon ang nagsisilbing tila bituin na nagkikislapan sa paligid lalo na sa may kadilimang parte ng lugar na iyon. Marami na ang mga tao sa loob ng ball room ng makarating sina Jonas at Sam. Pinakiusapan ni Kody na sunduin ni Jonas ang dalaga sa kadahilanang hindi nito masusundo ang dalaga dahil maaga palang ay kailangan nang na

