May ningning sa kanilang mga mata habang nag-uusap at nagkakatawanan sa loob ng sasakyan ng binata. Ilang minuto narin ang nakakaraan magmula nang lisanin nila ang party ng kaibigan ni Kody na ninakawan nila ng moment pagkatapos nilang maghalikan sa harap ng maraming tao sa ilalim ng fireworks display na sana ay para sa dalawang magkasintahan kanina. Hindi pa rin sila makapaniwala na nagawa nila iyon. Ngayon lang sila nakaramdam ng hiya specially sa bagong engaged na magkapareha. Habang nagmamaneho si Kody ay hawak ng isang kamay nito kamay ng dalaga. Hindi talaga binitawan nito iyon. Samantalang may kinang ang mababanaagan sa kanilang mga mata noong mga oras na iyon. Kapwa hindi nila mapigilan ang nararamdamang saya sa isa’t isa. “Gusto mo nang umuwi, love?” may lambing ang pagkakasa

