Naghuhumagalpak sa pagtawa si Jonas nang malaman ang nangyari kina Samantha at Kody sa party na pinuntahan ng dalawa noong nakaraan. Lahat ay ikinuwento ng dalaga dito habang nag-lilinis sila ng isang suite sa 32nd floor. Hindi pa rin ito makapaniwala na ilang minuto lang nakapangligaw ang binata sa kaibigan. Lalong hindi ito makapaniwala na ngayon ay boyfriend na nito ang lalake na siyang kaisa-isang tagapagmana ng The Crown Hotel. Hila hila na nila ang cleaning cart pabalik na sa elevator nang kapwa sila mapatigil. Isang may kaedarang babae ang lumabas mula sa elevator. Mukhang sosyalin ito na nakasuot ng pencil cut green dress na hanggang tuhod nito ang tabas na medyo may pagkahapit sa katawan. Bitbit nito sa kanang kamay ang isang kumikintab na silver na pouch. Taas ang noo nitong ti

