Dumating ang bisperas ng pasko. Sinundo ni Kody si Samantha sa kanilang bahay para makasama ito sa celebration nila ng kanyang pamilya, at para narin maipakilala sa mga magulang nito. Hindi na sumama pa ang mga magulang ni Samantha dahil sa pakiusap narin ng dalaga. Nag-promise nalang si Kody na pagkatapos nilang mag-celebrate ng pasko sa mismong bahay nila kasama ang mga magulang ay babalik din ito dito para maki-celebrate din at para makabonding din ang dalawa pang lalaking kapatid ni Sam. Naka pustura ang dalawa pero simpleng dress lang ang isinuot ni Sam. Talagang siya ang pumili ng dress na iyon hindi galing sa personal shopper ng lalaki. Actually sumama pa ang binata sa pagbili ng mga kailangan ni Samantha para magkaroon na rin sila ng time sa isa’t isa at hindi na rin ito mahir

