Hindi naman sa ikinahihiya niya ang trabaho pero knowing na isa lang siyang empleyado sa hotel ng mga ito baka hindi ito magustuhan ng mga magulang ni Kody kapag nalaman iyon ng mga ito. “Room attendant po ako sa Crown Hotel,” siya na ang sumagot. “I’m sorry? Did you just said that you work as a room attendant in our hotel?” medyo namilog ang mga mata ng may kaedarang matanda habang inuulit ang sinabi ng dalaga. Hindi ata nito akalain na iyon ang trabaho ng girlfriend ng anak sa sariling hotel. “O-opo,” may kahinaang sagot na ni Sam. Saglit na nagkatinginan ang mag-asawa. “Wait! Are you the one who I talked to last time?” tanong ng babaeng matanda na inalala ang babaeng nakausap nito sa hotel nang hindi nito makontak ang anak. “Yes po tita, ako po iyon,” tipid na ngiti niya. B

