Pagkatapos na pagkatapos ng kanilang trabaho ay sabay na silang lumabas ng hotel para sabay na rin pumunta sa isang s*x toy store ilang minuto lang ang byahe galing doon. Papatawid na sila ng kalsada ng may isang mamahaling sasakyan na pumarada sa tapat nila. “And where are you guys going?” tanong iyon ni Kody pagkababa ng tinted na window ng itim na sasakyan nito. Nagkatinginan muna ang dalawa bago nagsalita. “May dadaanan lang po sir!” halos sabay nilang sagot iyon sa lalake na magmula nang makabonding nila ito sa resort ay medyo naging madalas na ang pag-uusap nila at naging close na nila ito kahit papaano. “Sakay na, ihatid ko na kayo,” aya nito sa mga ito. “Ay wag na po sir! Dyan lang naman po kami,” agad na tanggi ni Jonas. Sa isip nito, ano kaya ang magiging reaksyon ng lalake

