“Oi, bayaw, nandito ka pala!” tinapik ng kadarating palang na bunsong kapatid na lalake ni Samantha si Kody nang makita itong nakaupo sa maliit na sala ng bahay ng pamilyang Reyes. Medyo nagulat din naman ang lalake sa inakto nito na ngumiti rin at nakipagkamay sa lalake pagkatapos silang ipakilala sa isa’t-isa ng tatay ng mga ito na kasalukuyang nandoon din at inientertain ang binata. Napatingin din naman dito ng masama si Sam sa narinig na sinabi nito. “Oh! Anong nangyari sa iyo? Bakit nagkaganyan ang labi mo?” sambit din nito ng mapansin ang labi ng nakakatandang kapatid. Inirapan ito ng babae at inilapat ulit sa mga labi ang yelo na hawak hawak. “Allergy!” maikli nitong sagot. “Ah, akala ko kasi nilaplap yan ng boyfriend mo,” natatawa nitong pakli na ang tinutukoy ay si Kody.

