Pagpasok sa loob ng strip club ay dagling nakalimutan ni Samantha na kailangan na niyang pumunta ng banyo. Bukod kasi sa medyo madilim ang area na iyon ay agaw pansin ang mga babaeng nasa entablado na nakamaikling short na halos kita na ang mga singit at sa pang-itaas ay nakasuot lang ng bra. Kung hindi pa siya siniko ni Kody ay hindi pa niya ulit maaalala na naghahanap pala siya ng banyo kaya nandoon sila. “Ma’am bawal po ang outsider gumamit ng facility namin dito. Strictly lang po iyon para sa mga customer,” isang waitress na pinagtanungan ni Sam ang may sabi non. Dagling sumingit si Kody nang marinig ang usapan ng dalawa. “We are customers, need niya lang talaga munang gumamit ng cr,” sabat nito sa sexy na babaeng kausap ni Sam. “Ah ganun po ba sir. Sige po, pumunta lang po kayo

