CHINITO: Chapter 6 (Love at First Sight)

2608 Words
Nagulat si Jeff sa biglang pagsulpot ni Jean. Masaya ang mukha na parang ini-enjoy niya ang mga nangyayari sa mag-ina “Bakit sardinas lang??” dugtong ni Jeff sa kanya. “Oh..? Ayaw mo? Magpasalamat ka pa nga na may kakainin kayo eh” sabay lapit ni Jean kay Jeff “Kaya huwag na kayong magreklamo dahil hindi niyo naman pera ang pinambili sa mga pagkain na ‘to” “Aba teka lang…” lapit din ni Jeff sa kanya “Ayusin mo nga ang mga pananalita mo sa amin. Una sa lahat, hindi ako nagrereklamo dahil sanay kami sa mga ganitong ulam. At pangalawa, at kung ubusin mo pa lahat ng mga pagkain dito. Wala akong pakialam.” “Sanay?? Kaya pala nandito kayo sa amin” dugtong pa ni Jean “Pinipilit niyo ang mga sarili ninyo dito sa amin dahil wala na kayong makain sa inyo” Sasagot na sana si Jeff pero pinigilan siya ng nanay. “Anak, utang na loob. Huwag ka nang sumabat” “Tama ang nanay mo Jeff. Huwag ka nang sumabat dahil kahit anong paliwanag mo. Iyon pa rin ang rason ninyo kung bakit kayo nandito” sabay tingin kay Joyce “Tapos na ba ang pagkain ko…??” “Malapit na po” “Pakitawag mo na lang ako mamaya kung luto na ang pagkain, okay?” utos niya “Babalik muna ako sa kuwarto ko” Tumalikod at kaagad umakyat sa kanyang silid. Samantala naman ay nakatayo pa din si Jeff at nagulat sa nangyari. Ilang sandali lang ay linapitan siya ng ina. “Sige na, anak. Magbihis ka na sa silid natin para makakain na tayo” utos ni Joyce sa anak. Napatingin ng matagal si Jeff sa ina “Nay, bakit mo’ko pinigilan kanina?” “Wag mo nang patulan anak dahil nakikitira lang tayo sa bahay nila.” sagot ng nanay “Nakikitira??.. sila nga ang humihingi ng pabor na tumira tayo diba?” “Tama na anak..tumahimik ka na lang” Gusto niya na sa patulan si Jean pero hindi niya ito magawa kasi humiling ang kanyang nanay na huwag itong patulan. Pumasok na lang si Jeff sa kanilang silid at nagbihis. *** Nang pagpasok niya sa kanilang silid ng ina ay kaagad siyang umupo sa kama. Tinanggal ang sapatos at medyas at humiga ito. Pagod na pagod kasi siya sa buong araw niya sa paaralan, dagdagan pa ng malditang kapatid sa ama. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa kanyang bag at dinial ang numero ni Riley para tawagan ito. Riley: Hello. This is Riley Kristoffer Dechavez speaking. How may I help you, sir? Jeffrey: Babe naman eh. Nagbibiro pa. R: Hehe. Sorry babe. On the way na kasi ako sa work eh. Kumain ka na ba? J: Hindi pa… Babe.? R: Po? J: Miss na kita babe ko R: Miss you din baby ko. Kahit kanina lang tayo huling nagkita. Hehe Biglang natahimik si Jeff dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Riley ang kanyang problema tungkol sa kapatid. R: Babe? Okay ka lang? J: Okay lang naman babe. May maliit na problema lang but I can handle it naman. R: Are you sure? J: Opo. Sure ako. Namiss lang kita. Gusto ko lang marinig ang boses mo babe R: Wow. Ang sweet naman ng babe ko. O babe, so pano? Kita na lang tayo ulit bukas ha? Dito na ako sa office eh. Work muna para sa future natin. J: Sige babe. Ingat ka. R: Okay po. I love you. J: I love you too. Pinatay ni Jeff ang kanyang telepono at nilagay niya ito sa ilalim ng unan. Sakto din na kumatok si Joyce at pumasok sa silid. “Nak, kain na” tawag niya sa anak “Hindi ka pa pala nakabihis?” “Opo. Wait lang po. Mauna ka lang nay, susunod lang ako” “Sige. Bilisan mo ha” Sa pagkalabas niya ay kumakain na si Jean sa kabisera ng dining table. Uupo na sana si Jeff sa bandang kanan ng lamesa para kumain na din pero sinita siya ng isa. “Hoy!! Ano ang ginagawa mo?” tanong ni Jean na matigas ang tono ng boses. “Malamang kakain” pang-iinis na sagot ni Jeff sa kanya “Ano ba sa tingin mo?... Matutulog?” “Pwede ba Jeff, ayusin mo ang pagsagot sa akin?.. wag kang pilosopo” utos niya “Maayos naman ang pagsagot ko sa’yo ah” “What ever…..” sabat ni Jean at muling bumalik siya sa kanyang tanong “Oo nga pala, bakit ka dito nakaupo? Doon ka sa may lamesa ng katulong kumain kasama ng nanay mo. Doon kayo bagay.” Hindi na lang ito pinansin ang pang-iinsulto ni Jean sa kanya at huminga na lang ng malalim at ngumiti paalis ng lamesa. Sa pagdating ni Jeff sa may dirty kitchen na kung saan doon kumakain ang ina na si Joyce. Isang delatang sardinas nga ang kanilang ulam. Hindi niya pinansin ang ulam at kaagad nang umupo para kumain na din. “Sa wakas, dumating ka na anak. Kanina pa kita hinintay” sambit nito “Nauna na akong kumain dahil gutom na gutom na ako eh” napansin ni Joyce na nakakunot ang noo ang anak at parang naiinis ito “Bakit nakakunot ang noo mo? May problema na naman ba?” “Alam mo nay. Naiinis na talaga ako sa Jean na yan eh” sambit ni Jeff habang bumibilis ang paghinga dahil naiinis na ito. “Isa pa na gawin sa atin ‘to. Papatulan ko na talaga siya” “Ano ba ang ginawa niya sa’yo?” “Pinaalis ako dun sa lamesa at sabi niya na dito niya tayo sa labas kakain. Yun ang kinaiinisan ko, nay” sagot niya sa ina “Matapang lang yang babaeng yan dahil wala dito ang mga magulang niya eh” “Jeff. Kumalma ka, okay?” payo ni Joyce “Sa kanila ang bahay na ‘to at nakikitira lang tayo. I-respeto na lang tayo sa mga desisyon nila sa atin. Huwag ka nang magalit” “Respeto? Nay… sila dapat ang marunong rumespeto dahil sila ang humingi ng pabor sa atin na titira dito sa bahay nila. Tapos gaganituhin lang pala tayo ng malditang anak nila? Hindi naman makatarungan yun.” Hinimas ni Joyce ang likuran ni Jeff para mapatahan ito sa kanyang galit “Kumain ka na, anak. Ikaw na lang umitindi sa kapatid mo dahil una sa lahat, ikaw ang mas nakakatanda sa kanya at ikaw ang mas nakakaintindi sa mga nangyayari” buntong-hininga ni Joyce “Maaasahan pa ba kita, Jeffrey?” Tumango na lamang si Jeff bilang sagot sa ina at nagsimula na lamang ito kumain. Wala siyang magagawa dahil iyon ang pakiusap ng ina. Kakainin niya na lamang ang kanyang pride para lamang sa gusto ng ina na mabuo ang kanilang pamilya. *** Kinabukasan, araw ng Biyernes. Nakatambay ang tatlong magkakaibigan sa isang bench ng kanilang paaralan. Nag-uusap sila tungkol pa din sa kapatid ni Jeff na si Jean. “Parang nahihiwagaan ako diyan kay Jean, Jeff eh” sambit ni Alvin. “Bakit naman?” “E ano ang rason niya bakit siya nagkaganyan sa inyo?” “Ewan ko din eh. Ang init ng ulo niya sa amin” “Baka naiinsecure…” sabat ni Jacqui sa usapan “…kasi akala niya na siya lang ang one-and-only-child sa pamilya. Hindi niya pala alam na may mga kapatid pala siya” “Talaga? Sigurado ka?” paniniguro naman ni Alvin “Hindi naman. Theory ko lang naman yon. Baka nga diba?” “Hmmm. Ewan ko sa kanya. Hindi naman ako interesado sa drama ng buhay niya” “Maiba ako, bes. Kamusta pala ang bahay nila? Malaki ba talaga?” “Super… Parang mansyon” “Talaga? Punta naman tayo dun, bes” paanyaya ni Jacqui “Hindi pa ako nakakakita ng mansyon sa personal eh” “Ha? Okay ka lang? Hindi nga kami okay ng babaeng yon, tapos papupuntahin ko pa ang mga bisita ko?” “E ano naman ang masama dun? E anak ka naman ng may-ari ng bahay dun noh” paalala niya sa kaibigan. “Hay naku. Kahit na. Baka gamitin naman yan sa akin yan. Baka isumbong niya ako sa Daddy niya” “’to naman. Ang K.J. mo. Sige na, bes. Please?” “Hindi nga pwede. Ang kulet eh” “Ganun? Kaya mo bang matiis ang super ganda mong friend? Minsan lang naman ako humihingi ng pabor eh, tapos ayaw mo? Sige, kung iyan ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin” sagot ni Jacqui na tila pinapakonsensiya si Jeff “Sige lang. Sa susunod na hihinga ka ng tulong, hindi na kita tutulungan” “Hay..! Ano ba yan… Oo na. Oo na. Tayo na!” “Yehey!! Salamat bestie! Love na love talaga kita!” “Tumahimik ka na nga. Ang ingay mo. Tayo na nga. Pinapahamak mo’ko eh” Sumakay silang tatlo ng taxi para makauwi sa bagong tinutuluyan ni Jeff. Sa kanilang pagpasok ng bahay ay pareho din ang kanilang reaksyon na manghang-mangha sa nakita. “Wooow!! This house is so beg” sabi ni Jacqui na may kaartehan ang boses “Oo nga Jeff..ang laki ng bahay..hindi ko akalain na ganito kayaman ang daddy mo” sabi ni Alvin “Pwede pa ba akong magpa ampon?hehe” “Sus..ang sabihin mo, gusto mo lang siya makasama sa iisang bahay para maging masaya ang bawat umaga sa tuwing gumigising ka” dugtong ni Jacqui pero tinignan ni Alvin si Jeff kung narinig niya ang sinabi ng isa pero wala naman itong reaksyon o senyales na may narinig. Humingi na lang ng sorry si Jacqui kay Alvin sa kanyang kadaldalan. “Uy friend” sabay kalabit ni Jacqui sa tagiliran ni Jeff “Where is your wicked half-sister?” “Ewan ko sa kanya…nasa itaas siguro at nakakulong sa kwarto niya” “Mabuti naman kung wala siya dito sa baba” sambit ni Jacqui “kapag andito lang siya…matitikman niya talaga ang pagiging maldita ko…nakuuuu” nangangalit ang kanyang mga ngipin habang nagsasalita. “Talaga lang ha? Baka manigas ka lang kapag andiyan na siya” dugtong naman ni Alvin. “Hindi kaya. Kung gusto mo, sasabunutan ko pa siya eh” “Shhh…tumahimik nga kayo” suway ni Jeff “Baka marinig kayo. Alam mo naman ang tenga nun, kahit na malayo, naririnig niya. May lahing aswang kasi” “Teka lang Jeff..matanong ko lang..” sabat ni Alvin “Hindi ba siya lumalabas sa kanyang kwarto?” “Lumalabas din naman… kapag kakain na at bumabalik din kaagad sa kanyang lungga kung tapos na siyang kumain” sagot niya “Aba! Buhay prinsesa pala ang hayop!” pasigaw na sabi ni Jacqui “Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” merong pamilyar na boses na narinig si Jeff sa kanilang likuran. Si Jean. Nasa pintuan at kakauwi niya lang galing paaralan. Naging kabado ang mga kaibigan ni Jeff, lalo na si Jacqui nang makita niya ang kapatid sa ama ng kaibigan. “Hindi. Hindi ka namin pinag-uusapan” sagot ni Jeff “Talaga?” sabay tingin sa mga kasama ng kapatid “O bakit namumutla ang isang yan?” turo ni Jean kay Jacqui. “Parang kabado” “E ano naman kung namumutla? Hindi ba pwedeng, masama muna ang pakiramdam?” “Ewan ko…” buntong-hininga ni Jean sabay lakad papuntang hagdanan. Hindi na pinansin ni Jeff ang pagtataray ng kapatid. Ngumiti lang ito para ipakilala niya ang mga kaibigan kay Jean. “Jean, gusto ko na ipakilala ko sa’yo sina Jacqui at Alvin. Ang mga kaibiga—” “—I really don’t care kung sino ang mga yan” sabat ni Jean sa kapatid “Gusto ko lang sabihin sa inyong dalawa na bawal na bawal ang magnakaw ng anumang gamit dito sa bahay namin. At kung may kinuha na kayo, pakibalik na lang” Nabigla ang dalawang kaibigan ni Jeff sa sinabi ni Jean sa kanila. Pero pilit na pinakalma ni Jeff ang kanyang sarili para hindi ito mainis. “Wala naman silang kinuha, Jean. Actually, kakarating din namin” “Hindi kita kinakausap, Jeff. So please, tumahimik ka” tingin niya sa kanyang kapatid na nakataas na ang kanyang kilay “At kung tapos na kayo sa pagtu-tour sa bahay namin, pwede na kayong umalis, okay? Gusto ko nang magpahinga” Nainis si Jeff sa ginawa ni Jean pero pinipigilan niya pa ang kanyang inis dahil sinusunod niya ang kanyang ina na huwag itong patulan. Tumingin na lamang siya sa mga kaibigan “Mabuti pa na umuwi na lang kayo. Sige na, mauna na kayo sa labas, susunod ako” Pumayag naman silang dalawa at kaagad itong nagtungo sa pintuan habang si Jean naman ay nasa hagdanan at nakatingin pa din sa kanila. Nagmamadali silang lumabas ng pintuan pero hinarang sila ng papasok na tao Lumilitaw ang kanyang maputing pisngi sa sikat ng araw at kitang-kita ang kanyang malalim na dimple habang papasok ng bahay na nakangiti. Tila na ‘love-at-first-sight’ at nawala ang galit ni Jean sa taong pumasok at humaharang sa paglabas nina Jacqui at Alvin. Parang bumagal ang paggalaw ng kanyang mundo nang makita niya na pumasok at binati siya ng lalake. “Good Afternoon po” bati ni Riley sa kanya “Andiyan po ba si Jeff?” “Good Afternoon din, andito siya sa likuran ko…” sagot niya na hindi pa rin umaalis ang pagkatitig niya kay Riley “May I know your name?” “Sorry..my manners..hehe.. I’m Riley…Riley Kristoffer Dechavez….” sagot niya habang pinunasan muna ang kanang kamay sa kanyang damit at inabot ito kay Jean para makamay ito at tinanggap din agad ni Jean ang alok ng lalake na makipagkamay. “What’s yours?” “I’m…in…Heaven…” tulalang sagot niya “I’m sorry?” “Siya si Jean, kilala mo siya. Diba?” sulpot ni Jeff sa kanilang usapan na nasa bandang likuran ni Jean at tumabi siya kay Riley. “Ahh. Yes… Ikaw pala si Jean” sabi ni Riley habang nakangiti “So ikaw pala ang half-sister ni Jeff. Am I right?” “Hmmm. Oo eh” sagot ni Jean sabay sa pag-ipit ng kanyang buhok sa tenga “Naikwento niya pala ako sa’yo?..ahhmm.. dahil alam mo ang pangalan ko weh?” tanong niya na may kalandian ang boses. “Yup” “Talaga..? Ganyan na ba ako ka-interesting at kagandang tao para pag-usapan ninyo?” Pinipigilan lang tumawa ni Jeff sa sinabi ni Jean. ‘Feeler talaga’ sabi niya sa kanyang sarili “Oo.. sabi niya kasi sa akin na maganda ka daw, sexy at napakabait na kapatid…” nangungutong pahiwatig ni Riley “at hindi pala nagsisinunggaling si Jeff.. tama lahat ang mga sinabi niya tungkol sa’yo” Siniko ni Jeff si Riley dahil sumusobra na ito sa mga papuri niya sa malditang kapatid. “Tama na yan, baka lalo pang lumaki ang ulo ng bruhang yan” bulong ni Jeff sa kanya at tila hindi gumagalaw ang bibig para hindi halata na nagsasalita siya. “Ayos lang yan, babe. Sumakay ka na lang” bulong din niya kay Jeff. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD