CHINITO: Chapter 7 (Ang Selos ni Riley)

2484 Words
Namula at napangisi si Jean sa mga nasabi sa kanya ni Riley. Parang kinilig ito dahil namula ang kanyang mukha “Hehehe.. Really? Sus. ‘to naman. Hindi naman masyado..maliit na bagay eh” sabi ni Jean “By the way, why don’t you guys take a seat?” paanyaya niya kay Riley at sa dalawa pang kaibigan ni Jeff na kanina pa nakatayo sa may bandang pintuan. Dinala ni Jeff ang tatlo niyang bisita sa sofa upang umupo habang si Jean naman ay nakatayo pa din at nakatitig kay Riley na kinikilig. “Parang nahulog na ata ang bruha kay Riley mo ah” bulong ni Jacqui “may karibal ka na, bes” “Oo nga eh..” bulong din ni Jeff “meron din palang nakatagong kalandian ang babaeng ‘to” Hindi nila napansin na umakyat na pala si Jean sa kanyang silid dahil nagkwekwentuhan at nagkukulitan silang apat. “Eto din eh…” turo ni Jeff kay Riley “Oh bakit?” “Alam mo na nilalandi ka niya, pero parang wala lang sa’yo” sambit ni Jeff “Siyempre, babe. Para naman makagawa ako ng ‘image’ sa kanya. Ika nga, ‘first impression lasts’.” At tumingin siya kina Jacqui at Alvin “Hindi katulad ng dalawang ‘to, pinagkamalan pang magnanakaw” tawa ni Riley. “Teka. Narinig mo?” dugtong ni Jacqui “Yup..kanina pa ako sa labas..pinakikinggan ko ang bawat usapan ninyo..hehe” “at hindi ka niya nakita?” tanong ni Jeff “at hindi ka man lang pumasok agad..?” “Hindi..nauna siya dumating kesa sa akin..at naghintay lang kasi ako ng tamang timing para pumasok at alam ko na kasi na may mangyayari na hindi mabuti eh” ngiti ni Riley. “Ang sama ng nobyo mo, bes” dugtong ni Jacqui “Pero na-offend talaga kami ni Alvin kanina sa sinabi ni Jean ha. Grabe talaga siya” “Hay naku, sinabi mo pa. Warm-up pa lang niya yon” “Ganun? Ibig sabihin mas malala pa siya dun kung naka-beastmode na siya?” “Yiz” sagot ni Jeff. “Teka babe…” sulyap niya kay Riley. “Bakit babe?” “Paano mo natuntun ‘tong bahay?” “Sinundan ko nga kayo dito” paliwanag niya “Nakita ko kasi kayo na palabas ng school ninyo. Magmemeet sana tayo diba? Tinitext kaya kita, kaso hindi ka nagrereply” “Ay s**t. Sorry babe. Nakalimutan ko” sambit ni Jeff “Sila kasi eh, pinipilit nila na pumunta dito. Nakalimutan ko tuloy” “Okay lang babe. Atleast, nakita ko na ang bahay ng Daddy mo” niyakap ni Riley si Jeff ng mahigpit “Tama na nga ‘yan.. nawawala na naman ang mga mata mo oh..hehe” “Ano ba ‘yan… nilalanggam na tayo dito oh” sabi ni Jacqui Sakto din na tumunog ang doorbell. Binuksan agad ni Jeff ang pintuan at nakita niya ang nanay na kakauwi lang galing grocery. Binuksan niya ang pintuan ng gate at kinuha agad ang dala ng nanay at nagmano ito. Habang papasok ng bahay ay pinakilala ni Jeff ang kanyang mga bisita. “Oo nga pala ‘nay, sina Jacqui at Alvin” pakilala niya sa nanay “mga matalik kong kaibigan” “Ahh…kayo pala ang kwinekwento ng anak ko na mga baliw niyang kaibigan” biro ni Joyce “hehehe.. hindi naman po masyado, tita.hehe” sabi ni Jacqui na tumatawa “islayt lang..hehe” “hehehe.. bueno, diyan muna kayo kasi bibihis pa ako at magluluto ng hapunan ha” paalam ni Joyce sa mga kaibigan ng anak. “Sige po, tita” sabi nina Jacqui at Alvin samantala, hinabol ni Jeff ang kanyang nanay papasok sa kanilang kwarto. “Nay. Ano po na ang lulutuin ninyo?” “Hindi ko alam ang pangalan, nak eh” sagot ni Joyce “Pinabili lang sa akin to ni Jean eh” “Ganun?? So sa kanya lang pala yan??” “Oo anak eh” Nagpabuntong-hininga na lamang si Jeff at tumalikod sa kanyang ina “Sige nay. Sa labas na lang kami kakain” Inabutan ni Jeff ang mga kaibigan niya at si Riley na tila masaya sa kanilang kuwentuhan. “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? Parang masaya ha” sabat ni Jeff at umupo sa tabi ni Riley “Sali ako…” “Naku huwag na bes. Huwag ka nang sumali” “E bakit?” “Basta lang…” “Ganun? Ugali mo talaga” sambit ni Jeff na tila natatampo “Oo nga pala, kumain na lang tayo sa labas, guys” “Bakit babe?” tanong naman ni Riley. “Kasi walang pagkain dito” paliwanag ni Jeff “Inutusan kasi ni Jean ang nanay na ibili at ipagluto siya ng ulam. So it means, sa kanya lang ang ulam na yon” “Ganun?” sambit ni Jacqui. “Huwag ka nang umangal. Kumain na lang tayo sa labas” Lumabas nga silang apat sa pinakamalapit na fastfood chain para doon kumain. Umorder sila ng isang bucket ng fried chicken, anim na tasang kanin at apat na basong softdrinks. Masaya ang kanilang usapan lalung-lalo na sina Jeff at Alvin. Nagkukulitan at parang nasisiyahan sila sa kanilang paksa ng kuwentuhan. “Jeff… naalala mo nung high school pa lang tayo??” paalala ni Alvin sa kanya. “Ang alin dun?” “Yung nadulas ka… sa may kubo ng park ng school” ngisi ni Alvin “Ahh. Oo. Nakadalawa ako nun eh. Nakakahiya.” “Hahaha. Oo nga eh. Buti na lang ako lang ang nakakita sa’yo nun” “Teka.. san ba ako nun?” dugtong naman ni Jacqui. “Nag cr ka nun. Ihing-ihi ka na kasi nun eh” sagot ni Alvin. “Ahh. Okay. Naalala ko na, bes. Kaya pala naluluha ang mga mata mo nun nasa classroom na tayo” “Oo kaya…” sagot naman ni Jeff “pinagtawanan lang ako nun ni Alvin. Hindi lang naman niya ako tinulungan. Ang sama eh” “Hahaha. Siyempre. Sino ba naman ang hindi tatawa na nakadalawa kang madulas” malakas na tawa ni Alvin. “Ayon. Masaya na siya oh” “Nagtampo na ang baby oh..” dugtong ni Alvin sabay palibot ng mraso niya sa leeg ni Jeff. Walang imik si Riley sa ginagawa ng dalawa at tila nanginginig na ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil nagseselos na ito sa kanila. *** Natapos ang kanilang kainan at nagdesisyon na umuwi sina Alvin at Jacqui. Samantala, hinahatid ni Riley si Jeff sa malaking bahay na kung saan pansamantala siyang nakatira. “Salamat naman. Busog na din” sambit ni Jeff. Binuksan niya kaagad ang gate ng bahay at pumasok “Oh babe? Hindi ka ba papasok?” “Hindi na” Napansin naman ito kaagad ni Jeff na parang may iba kay Riley “Babe? Okay ka lang?” “Halata ba?” balik na tanong ni Riley “halata ba na naiinis ako sa taong nilandi mo kanina?” “Nilandi? Sino?” “Si Alvin..Siyempre!” “Bakit siya? Ano ba ang ginawa namin kanina?” tanong niya ulit “Naglalandian siyempre. Ano pa ba” “Ha? Nagkukuwentuhan lang kami kanina. Landian na kaagad?” “Jeffrey naman…wag ka nga mag-maang-maangan” sambit ni Riley “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin” “Sorry…hindi ko talaga alam kung ano ‘yon” tanggol ni Jeff sa sarili “Hindi mo talaga alam? So ipapaalam ko sa’yo…” huminga muna ng malalim si Riley “Ang yakap niya sa’yo. Parang sweet na sweet kayo eh, lalung-lalo na ang malalagkit na mga tingin niya sa’yo” “Yun lang ba yon…??” sagot niya kay Riley “Riley naman. Magkaibigan lang kami ni Alvin noon pa. Wala kang dapat pagselosan, okay?” “Oo..magkaibigan nga kayo… so pano kung may lihim siyang pagtingin sa’yo?” “Wala. I assure you. Wala… Pwede ba? Itigil mo na ang pagka-praning mo” “Haayy!! Hindi mo ba nakikita ang mga mata niyang nakatitig sa’yo na parang may malisya?.. mga galaw niya na nilalandi ka niya? Hindi mo ba nakikita o nararamdaman man lang?... o alam mo na pero hindi mo pa rin iniiwasan dahil gusto mo din!” pasigaw ni Riley sa kanya. Hindi makasagot si Jeff sa mga nasabi niya sa kanya dahil nainsulto talaga ito “Oh ano?! Bakit hindi ka makasagot? Tama ako diba..?!” “Ang sakit mo naman magsalita tungkol sa akin, Riley” “Masakit dahil totoo… dahil malandi kang tao… b***h!” “How dare you na tawagin mo ako ng ganyan… at ito lang ang masasabi ko sa’yo, hindi ako katulad na tao na iniisip mo at higit sa lahat, ‘wag kang magbigay sa amin ng malisya ni Alvin. Magkaibigan lang kami at alam mo ‘yon” isinara na lang ni Jeff ang gate habang nasa labas si Riley at nanlilisik pa din ang mga mata niya sa galit. “Umalis ka na. Late ka na sa trabaho mo. At baka naghihintay na dun si Fred mo” “Ano?! Bakit nasali si Fred sa usapan natin?” sigaw pa ni Riley “Sa tingin mo, may nangyayari sa amin ng taong yon??!” “Bakit? Meron ba…?” sagot ni Jeff “Bahala ka nga sa buhay mo…Sige..Alis na ako!” Tumalikod si Riley na mainit ang ulo at lumakad ng mabilis palayo sa bahay. Sakto din na may lumabas mula sa loob ng bahay. Si Jean. “Narinig ko ‘yon…lahat ng usapan at away ninyo” sabi ni Jean “So, kayo pala ni Riley? Haaaayyy! Kawawa ka naman… mga BAKLANG salot sa lipunan.” Humarap kaagad si Jeff at pumunta sa direksyon ni Jean “Talaga? Narinig mo lahat? Edi CONGRATS… hindi ka bingi” sabi ni Jeff sa kanya at pumasok kaagad ng bahay. *** Dumerecho kaagad si Jeff sa kanyang kama at humiga dito. Sakto din na pumasok ang ina na si Joyce sa silid. “Anak, nandiyan ka na pala” sabay upo niya sa tabi ng anak. Hinimas ni Joyce ang buhok ng anak “Okay ka lang ba, nak?” “Okay lang po ako, nay” “Sigurado ka?” “Oo nay…” “Alam ko hindi ka okay” paniniguro ni Joyce “Narinig ko ang sigawan ninyo sa labas” “Ha? Pati ikaw nay? Narinig mo? Pareho pala kayo ng bruhildang kapatid ko” biro ni Jeff sa ina “Siguro ikaw ang totoo niyang nanay” “Jeff… hindi ako nagbibiro. Ano yun?” Natahimik na lamang siya at bumangon sa kanyang pagkahiga “Si Riley kasi nay. Nagseselos kay Alvin” “Ha? Bakit naman siya nagseselos?” “Ewan ko nga nay eh. Alam niya naman na magkaibigan lang kami simula pa nung highschool pa lang” “Baka naman may dapat na pagselosan…” “What do you mean po nay?” “Alam mo nak. Hindi naman siya magrereact ng ganun kung wala siyang nahahalata sa inyong dalawa eh” “Haay. Wala nga nay. Kaibigan ko lang nga si Alvin” “E tinanong mo ba si Alvin kung ano ka para sa kanya?” “Hmmmm. Hindi” buntong-hininga ni Jeff “Pero alam ko po na kaibigan lang ang tingin ni Alvin sa akin” “Paano ka naman nakakasiguro?” “Ahmmm.. Basta po nay. Alam ko lang” Napangiti na lang si Joyce sa pilit na pagdedeny ng anak. “Sige. Ikaw ang bahala, Jeff.Basta huwag mo lang baliwalain ang mga selos ni Riley ha?” “Okay po nay…” sambit lamang ni Jeff at napaisip sa sinabi ng nanay sa kanya tungkol kay Alvin. “O sige na… matulog ka na” *** Araw ng Lunes. Tumambay ang magkakaibigan sa Internet Shop pagkatapos ng kanilang mga klase. Habang nag-iinternet sila, ikwinento ni Jeff ang nangyari sa kanila ni Riley nung Biyernes nang naka-uwi na sila. “Wow..grabe siya ha. Tinawag ka niyang ‘b***h’ straight on your face” sabi ni Jacqui “sakit naman nun” “Oo nga eh. Nagulat talaga ko nung sinabi niya sa akin nun” “E bakit naman siya magseselos kay Alvin? Wala siyang dapat na pagselosan noh” sabay tingin sa direksyon ni Alvin na busy sa harap ng computer “Diba Vin?” “Ha??” sagot niya “Ahh. Oo. Wala talaga” “Yun nga ang sabi ko sa kanya pero hindi pa rin daw siya naniniwala” “Ganun? Grabe talaga siya” sambit ni Jacqui. “Alam mo, bes. Kapag ako ang nagseselos, wala siyang naririnig na masasakit na salita. Pero iba talaga siya kapag siya. Masakit eh” “Baka nabigla lang siya, bes” “Nagulat? Grabe naman paggulat niya.” dugtong ni Alvin “Hindi ko nga maibanggit sa’yo yon kahit magkaibigan tayo… siya pa na ka relasyon mo?” Matagal ang pagsagot ni Jeff sa pahayag ni Alvin. Ang tao na pinagseselosan ni Riley. “Vin…?” tawag niya sa kaibigan at tumingin agad si Alvin sa kanya “Totoo ba ang paniwala ni Riley tungkol sa’yo na may pagtingin ka sa akin?” Hindi makasagot si Alvin kaagad dahil nabigla siya sa tanong ni Jeff. Hindi niya alam kung paano ito malulusutan dahil hindi pa siya handa na isabi ang katotohanan sa kaibigan. “Hindi… mali ang duda ni Riley sa akin…Bakit?” “Wala..naitanong ko lang sa’yo kung totoo..” sagot ni Jeff “so, mali siya talaga sa kanyang duda sa atin?” “Oo..mali siya…maling-mali” “So, what’s your plan kay Riley?” tanong ni Jacqui para mapalitan lang ang kanilang pinag-uusapan. “Ewan. Maliit lang na away ito. Sigurado ako na magiging okay din kami” “Paano kapag hindi?” “Ang nega mo. Magiging maayos din nga kami dahil mahal ko siya” Napabuntong-hininga na lang si Jacqui sa sagot ni Jeff na parang hindi boto sa desisyon ng kaibigan.“Well…kung ano man ang magiging desisyon mo bes, andito lang kami para sa’yo” paalala ni Jacqui sa kabigan Tumingin si Jacqui kay Alvin na parang nagpapahiwatig na sinabi niya na lang sana ang totoo kay Jeff pero sumagot lang ng ngiti si Alvin sa kanya. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD