CHINITO: Chapter 8 (Ang Pagkaka-ayos)

2536 Words
Walang senyales ng tao sa loob ng bahay nang pumasok si Jeff na kakarating lang galing paaralan. Hinanap niya ang kanyang nanay sa kanilang kwarto at sa kusina pero wala ito. Nakita niya lang ito sa likuran ng bahay na naglalaba at agad niyang pinuntahan. “Nay, andito na po ako” bati ni Jeff at nagmano sa nanay “Oh…kumain ka na ba? baka gutom ka ha…” sabi ni Joyce “may pagkain sa lamesa, kumain ka na lang diyan” “Sige po…mamaya na lang ako kakain, busog pa po ako” pahayag ni Jeff na walang sigla ang pananalita. “Anak?” “Po?” “Kamusta na kayo ni Riley?” “Ewan ko po. Tatlong araw na kami hindi nag-uusap nay eh. Simula nung Biyernes ng gabi” “Ah..ganun ba? sige.. Bigyan mo muna ng panahon si Riley. Magkakabati din kayo” paniniguro ng ina “Mahal ka niya eh” “Sana nga po…” sambit naman ni Jeff na parang wala siyang lakas. “Hay anak. Ano ka ba. Nagdududa ka ba sa pagmamahal niya sa’yo?” “Hindi naman po. Pero kasi—” “—huwag ka nang sumabat. Ang importante ay mahal niyo ang isa’t-isa” ngumiti na lamang si Jeff bilang sagot sa sinabi ng kanyang ina “Sige na, nak. Magbihis ka na sa kuwarto at magpahinga na” “Opo” Pumasok uli si Jeff sa bahay at pina-andar ang TV, umupo sa sofa para manood doon ng programa at mag-relax ng kaunti habang wala si Jean. Maganda ang programa na kanyang pinapanood at tila naka-relate siya sa nangyayari, dahil ito ay tungkol sa mag-asawa na nag-aaway dahil may kabet ang lalake. Naiinis si Jeff sa kabet dahil mas matapang pa siya sa legal na asawa. *** Nakaupo si Riley sa labas ng kanilang bahay na may kasama at parang malalim ang kanilang pinaguusapan. “Bakit hindi mo siya tawagan?” payo ni Fred sa kanya “Humingi ka kaya ng sorry sa kanya. Masakit yun ha” “E siya kasi eh. Walang pinipili kung sino ang nilalandi” “Huuy… itigil mo na nga yan. Sumusobra ka na ha” “Totoo naman eh” “Paano ka naman nakakasiguro na totoo yun?” “Nararamdaman ko lang. Nakikita ko sa mga mata ng Alvin na yon na may pagnanasa siya kay Jeff” paniniguro ni Riley “…at siya naman, enjoy na enjoy din sa mga pagyakap sa kanya ni Alvin” “Diba sabi niya na magkaibigan lang sila?? Hindi ka ba naniniwala dun?” “Hindi” “Hindi?” ulit ni Fred “So, wala kang tiwala sa kanya.” “Ha? Bakit mo naman nasabi yon?” “Diba ikaw na ang nagsabi na hindi ka naniniwala sa mga paliwanag ni Jeff sa’yo? Edi wala kang tiwala sa kanya” salaysay ni Fred “Mahal ko siya, okay?” “Alam mo, Riley. Para mag-work ang isang relasyon. Hindi puro pagmamahal lang, dapat may tiwala, pag-uunawa at respeto sa isa’t-isa. Pero wala ka kahit na isa sa tatlong yun” “Ang sakit naman” “Yan ang totoo. Be more sensitive, Riley. Nasasaktan ako para sa kanya. Huwag mo itulad siya sa ginawa mo sa akin” payo ni Fred sabay yuko at punas sa mga mata “Sorry, naalala ko lang kasi kung paano mo ako pinaasa nun eh” “Fred……” “Yeah. I know. I know. Kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Sorry ulit” tumayo si Fred sa kanyang inuupuan at parang aalis na. “Saan ka pupunta?” “Uuwi na ako. Matutulog. Baka sakali mawala ang sakit sa puso ko” “Fred naman. Maganda pa kanina ang usapan natin eh. Huwag mo naman akong iwan ngayon” “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Riley” sambit ni Fred habang lumalakad palapit sa gate “Talk to him. Pag-usapan ninyo ng mahinahon ang problema ninyo. Walang patutunguhan ito kung pareho kayong mataas ang pride” tumalikod kaagad si Fred. Lumabas ng gate at tuluyan na nga umalis. *** Samantala, nawili si Jeff sa pinanood niyang programa sa TV at hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Sa kahimbingan ng pagkatulog sa sofa ay may biglang sumipa ng malakas sa kanyang paa “Gumising ka!! Ano ang ginaawa mo dito sa sofa namin at bakit naka-on ang TV?” si Jean pala ang taong iyon “sarap ng buhay ‘noh? Buhay prinsipe lang?..ALIS!” hindi makasagot si Jeff dahil nagulat talaga at naalimpungatan sa pagsipa ni Jean sa kanya “Oh..bakit ka hindi makasagot?” “Bakit? Kailangan ko bang sumagot?” sabay alis sa sala at pumasok sa kanilang silid. “Hindi mo ako ininform” “Bastos ka ah! Umalis ka nga dito sa sala namin!” Nagbihis at humiga si Jeff sa kanilang kama ng nanay niya at biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at tinignan nang mabuti kung sino ang tumatawag. Si Riley. Gusto niya sana itong sagutin pero naalala niya uli ang ginawa ni Riley sa kanya at pinatay agad ang cellphone at inilagay sa ilalim ng kanyang unan, natulog at hindi na lang kumain ng hapunan. Kinabukasan ng umaga sa hapag-kainan. “Manang?” tawag niya kay Joyce at sumulyap siya sa direksyon ni Jeff na naghahanda ng kanilang kakainin. Tinulangan niya kasi ang nanay na maghanda ng agahan para malimutan man lang ng kaunti ang naging alitan nila ni Riley. “Bakit po?” “Hmmm..may ideya ka ba sa tunay na kasarian ng anak mo…? At kung ano talaga sila ni Kuya Riley?” napahinto si Jeff sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Jean na ngumingisi na parang demonyo. “Opo…alam ko ang lahat…ang kanyang kasarian at ang relasyon nila ni Riley” sagot ni Joyce “As I expected… pero alam na ba ito ni Daddy ?” “Hindi pa..hindi ko pa nasasabi sa Daddy mo ang tungkol kay Jeff” “Talaga..? hindi niya pa pala alam na BAKLA ang anak niyang lalake?” walang imik si Jeff sa mga sinasabi ni Jean tungkol sa kanya at pinapatuloy pa din ang kanyang ginagawa. Iniisip niya pa rin kasi ang nangyari sa kanila nung Biyernes. “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Daddy kung malaman niya na diyosa pala ito? Malalaman natin yan kapag isinumbong ko na” pagbabanta sa kanya ni Jean “Exciting” “Do whatever you want…I really don’t care, Jean” sagot ni Jeff “Talaga. Sisiguraduhin ko na mapapagalitan ka ni Daddy at itatakwil ka niyang bilang anak. Masisiguro ko din sa’yo na wala kang makukuha…should I say… ‘MANANAKAW’ na mana mula kay Daddy” Ngumiti lang si Jeff sa kanyang banta. “Gawin mo ang gusto mo. Gusto mo, samahan pa kita eh” Pagsapit ng tanghali ay nakatambay muli ang mga magkakaibigan sa Internet Shop para gumawa ng kanilang takdang-aralin. Napansin naman ni Jacqui na hindi sinasagot ni Jeff ang tawag sa kanyang telepono. “Bes, tumatawag si Riley oh” kibo ni Jacqui kay Jeff “sagutin mo kaya” “Hayaan mo na ‘yan..titigil din yan” “Hindi pa ba kayo bati?” “Hindi pa eh” “E ano pa hinihintay mo?? Diba sabi mo, mahal mo siya?” “Oo..” “Oh! Yun naman pala eh. Sagutin mo na. Hindi kayo magiging okay kung hindi kayo mag-uusap” “Hindi pa rin kasi ako handa na kausapin siya eh” sagot ni Jeff “at wala naman akong sinabi na pinatawad ko na siya… ang sabi ko, mahal ko pa din” “Precisely, my point…kung mahal mo siya…kaya mo siyang patawarin kung ano man ang ginawa niya sa’yo diba?” pahayag ni Alvin “like for example, sa nanay at sa tatay mo. Pinatawad pa din ni Tita Joyce ang tatay mo sa kabila ng ginawa nito sa kanya…yan ang totoong pagmamahal” “Teka. Bakit napasok sa usapan natin ang lalakeng yan? Hindi naman siya ang topic natin diba?” sabi ni Jeff na parang naiinis. Nagtinginan na lang sina Jacqui at Alvin sa isa’t-isa. “Haay..oo nga. pero binigyan lang kita ng example” paliwanag ni Jacqui “No big deal.. Okay?” hindi pa rin tumitigil ang pagtawag ni Riley sa kanya. Nakita naman ulit ito ng kaibigan “Hindi pa rin tumitigil si Riley oh…sagutin mo na, bes” utos ni Jacqui at sinagot niya nga ang tawag. Riley: Hello babe?... Babe?!...Naririnig mo ba ako?.. sorry kung nasabihan kita ng hindi mabuti ha…sorry na please. Nagsisisi talaga ako sa nasabi ko sa’yo. Jeff: ok R: Sorry ha…nabigla lang kasi ako…galit ka pa ba? J: Ikaw…pag sinabihan kita ng malandi at b***h…okay lang sa’yo? R: Siyempre hindi babe…sorry na, please? J: Ok R: Gusto kita makausap ng personal…pwede ka ba ngayon? J: Sige…Saan? R: Diyan na lang sa bahay ninyo…papunta na nga ako ngayon…Okay lang? J: Hindi okay. R: Bakit na naman babe? J: Wala ako sa bahay ngayon,. Nandito ako sa school. R: Sino kasama mo? Si Alvin? J: Oo… at si Jacqui. Bakit? Nagseselos ka na naman? R: Hindi po babe…hmmm…hihintayin na lang kita sa bahay ninyo…Okay? J: Sige Dako alas-sais na nang gabi na dumating si Jeff sa bahay ng kanyang tatay. Nadatnan niya si Riley na mahimbing na natutulog sa kanilang kwarto. “Hi anak” bati ng nanay kay Jeff na pumasok din sa kwarto. “Bakit dito natulog si Riley ‘nay?” tanong ni Jeff “Inaantok kasi kanina habang hinihintay ka. Hindi ko naman mabayaan sa sala kasi baka anong gawin ni Jean sa kanya” paliwanag ni Joyce “kanina pa siya mga alas-tres ng hapon naghihintay sa’yo eh” “Ha? Talaga? Sabi niya sa akin kanina na papunta pa lang siya dito…mga alas-singko na ata iyon” “Ewan ko sa kanya anak. Basta kanina pa siya naghihintay sa’yo” “Sige po…hmmm..pwede po ba kaming iwan ni Riley… kahit sandali lang?” pakiusap niya sa nanay “Don’t worry ‘nay, hindi kami gagawa ng masama.hehe” “Sure ka?hehe” “Sure nga nay…mag-uusap lang kami” “hehe..sige anak, alis na ako” Ngumiti lang si Jeff na hindi lumalabas ang kanyang mga ngipin. Ginising niya agad ang natutulog na si Riley at bumangon naman ito. “Oh babe…andito ka na pala..” sabi ni Riley habang pinupunasan ang kanyang mga mata. “Oo…kanina pa ako, at kanina ka pa pala naghihintay sa akin” sagot ni Jeff “Bakit hindi mo sinabi sa akin nung nag-uusap tayo sa telepono?” “Ayaw ko kasi na nag-aalala ka sa akin babe eh” “Ano ba sa tingin mo ngayon? Hindi ako nag-aalala sa’yo?” tanong niya na parang naaawa kay Riley “yan ang hirap sa’yo eh, pinangungunahan mo parati ang mga galaw ko eh…” “Sorry na oh. Huwag ka nang magalit” ngiti ni Riley sa kanya Napahinga na lamang si Jeff ng malalim “Oo na. Pinapatawad na kita. Alam mo naman na isang ngiti mo lang, nawawala na ang galit ko” “Hehe. Yey. Thanks babe. I love you” “I love you din babe” “Basta sorry kung pinagsabihan kita ng hindi maganda ha?” “Oo na nga. Kulet eh” sambit ni Jeff “Basta huwag mo nang uulitin” “Promise. Hindi na” at niyakap niya ng mahigpit si Jeff “Miss na miss kita eh” “Miss din kaya kita” “Talaga?? mwah! Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?” tanong ni Riley habang nagyayakapan pa din sila. “Sinagot ko kaya” “Oo. Sinagot mo naman. Pero pinahintay mo pa ako” sambit ni Riley na nakangiti ang mukha. “Mag-aaway naman ba tayo? Sige, kung yan ang gusto mo” “Ayan na naman siya oh…galit na naman ang babe ko oh…halika nga dito” at niyakap niya muli ng mahigpit pa si Jeff “wag kang masyado mag-sosoplado babe, hindi mabuti yan.. okay?” “Sige” “Ayan na naman…tipid naman kung kinakausap..” “Ikaw kasi eh…binabalik mo kahit tapos na…” “Binibiro lang kaya kita.hehe. tama na yan, nawawala na ang mata mo oh” “hmmmp…” “Hehe..mwah..mwah..mwaah..mwaaah!...sarap mo halikan.. Ang bango. Parang baby” “Babe, tama na…may kumakatok sa pintuan oh..” sambit ni Jeff “Pasook!” bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto at si Joyce lang pala ang pumasok. “Nak, kain na kayo…” paanyaya ni Joyce sa kanila “tama na ang lambingan ninyo” “Nay naman…haaisst… Opo, andiyan na kami..” Nanatili si Riley sa bahay nila para maghapunan at kasama nila sa dining table si Jean at si Joyce, ang nanay ni Jeff. Masama ang tingin ng malditang batang babae sa mag-lover dahil sweet sila sa isa’t-isa. “How’s the food……Kuya Riley?” biglang tanong ni Jean habang kumakain “hmmm…yummy. Paborito ko ang adobo eh” sagot niya na tila sarap na sarap sa kanyang kinakain. “Talaga?...masarap talaga ang kain kapag paborito ang ulam diba?” dugtong ni Jean “ginaganahan ka…” “Oo naman…” sagot muli nito “Pero nakakasawa din minsan kung palagi mo ‘yan kinakain…masarap maghanap ng IBA…” sabay tingin kay Jeff. “Excuse me??” sabat ni Riley “Ibang putahe, I mean” habang nakangiti at muling sumubo ng kanyang kutsara na may kanin at ulam. Pero tahimik lang si Jeff at patuloy ang pagkain. “By the way Jeff, tumawag sina Mommy kanina, next Thursday na sila daw uuwi” pero wala pa ding imik ang isa at patuloy pa din ang kanyang pagkain. “haaay… I am so excited. Especially sa magiging reaksyon ni Daddy kapag nalaman niya ang tungkol sa’yo. At kung ako sa’yo, magbalot-balot ka na ng mga damit mo dahil uuwi ka na sa lugar kung saan ka talaga galing” “And why should I?” sagot naman ni Jeff. “Kasi isusumbong talaga kita kay Daddy at para itakwil ka niyang bilang anak” “Haay naku! Puro dada” sigaw ni Jeff pero hindi siya tumitingin kay Jean “Ano? Anong sabi mo?” “Bakit? May sinabi ba ako? Wala naman diba?” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD