Natapos ang kanilang hapunan at pumasok muli sila sa silid para doon magpahinga ng saglit. Naka-upo doon si Riley sa kama habang nakaunan ang ulo ni Jeff sa kanyang paa.
Napansin ni Riley na nakatingin lamang ang kanyang mahal sa kisame na tila malalim ang iniisip.
“Babe?” sambit lang ni Riley.
“Bakit babe?”
“Ano ba ang iniisip mo? Parang malalim ah”
“Naisip ko lang kasi ang sinabi sa akin kanina ni Jean, babe” buntong-hininga ni Jeff. “Paano kung hindi niya ako matanggap?”
“Nino?”
“Ni William. Yung tatay ko” sagot ni Jeff “Paano kung itakwil niya ako?”
“Why are you still worried? Diba wala ka naman pakialam sa tatay mo? Galit ka sa kanya diba?”
“E kasi naman eh. Nag-aalala lang kasi ako. Siyempre, tatay ko pa din siya kahit papaano” sabi ni Jeff sabay hinga ng malalim “Ayaw ko lang kasi na husgahan ako at papagalitan sa mga nagawa kong ‘to. Alam mo naman ang ibang tao babe. Hindi pa sila open sa ganitong lifestyle.”
“E what if kung tinanggap ka niya?”
“Edi mabuti” napansin lang ni Jeff na nakangisi si Riley sa kanya “O bakit? Ano ang nakakatawa? Babe naman eh”
“Hehehe. Wala lang babe. Ang cute mo lang kapag naiistress”
Bumangon si Jeff sa kanyang pagkahiga at tumingin kay Riley “Babe naman. Seryoso ako”
Ngumingisi pa din ito at biglang hinila ang braso ni Jeff at kaagad niyang niyakap ng mahigpit “Sorry babe. Huwag mo nang isipin ang sinabi ni Jean kanina, okay? Sinabi niya lang yun para mag-alala ka”
“Sige babe. I’ll try”
“Anong try?? Gawin mo nga” sabay alis ng kamay ni Riley sa pagkayakap sa kanya. Tumayo agad ito at hinila muli ang kamay ni Jeff para tumayo “Halika. Lumabas muna tayo”
“Bakit? Saan tayo pupunta?”
“Basta. May sorpresa ako sa’yo”
“Anong sorpresa?”
“Basta”
Pinaalam ni Riley sa nanay ni Jeff na lalabas muna sila ng ilang oras. Pumayag naman kaagad si Joyce sa paalam niya.
Sumakay silang dalawa sa taxi at pumunta sa lugar na kung saan doon ang sorpresa ni Riley para sa kanya. Bumaba sila sa may eskinita at lumakad patungo sa isang hindi masyadong kalaking bahay.
“Babe? Kaninong bahay ‘to?”
“Bahay namin babe.”
“Ha? Bakit tayo nandito babe?”
“Bakit?” sabay hawak ni Riley ng dalawang kamay niya “Ipakilala na kita sa Mama ko”
Napahinto lamang si Jeff sa sinabi ni Riley sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa oras na iyon dahil pangarap niya na makilala ang nanay ni Riley “Babe.. hindi ako alam kung ano ang magiging reaksyon ko… Parang kinakabahan ako”
Ngumiti si Riley at tinaas ang kanang kamay niya habang kawak ang kamay ni Jeff. Hinalikan niya ito ng madiin. “Then don’t. Ako ang bahala sa’yo mamaya sa pagpasok natin. Huwag kang kabahan, okay?”
***
Kumatok si Riley ng tatlong beses sa pintuanat kaagad naman ito bumukas. Isang chubby na babae, morena at may katandaan na ang mukha ang kanilang naaninag.
Nakatayo siya sa paanan ng pintuan at umatras kaagad ito para magbigay ng espasyo sa kanilang dalawa upang makapasok sa loob ng bahay.
Hindi pa rin maalis ang pagkatitig ng babae kay Jeff at ningitian niya ito. Gumanti din ng ngiti si Jeff sa babae.
“Oo nga pala, Ma…ito si Jeff” pakilala niya sa kanyang ina “ang pinakamamahal kong tao na kwinekwento ko sa’yo”
“Good Evening po, tita and nice meeting you po” bati ni Jeff
“Good Evening din, Jeff” sagot ng babae “Marami ang kwinento ng anak ko tungkol sa’yo…sabi niya daw, na mabait at mapagmahal kang anak sa mga magulang mo…”
“Hindi naman po masyado. Pero salamat sa papuri, tita”
“Walang anuman, Jeff”
“Oo pala, babe” sabat ni Riley “ito pala ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking Mama Lorena”
“Sus…nambola ka pa sa akin ‘Rai-Rai’” sambit ng nanay
“Ma naman…wag mo naman akong ipahiya sa harap ng mahal ko..haiisst! Naman eh!”
“Anong masama dun Rai-rai? E yan naman talaga ang tawag ko sa’yo diba?”
“Nakakahiya nga sa mahal ko oh”
“‘Rai-Rai’ talaga ang palayaw mo?...ang cute ha” dugtong naman ni Jeff habang nakangisi.
“Oo Jeff… Pasensiya na kung bine-baby ko si Riley ha? Nag-iisang anak ko ‘to eh”
“Okay lang po, tita. Cute naman po eh”
“Teka…. Kumain na ba kayo?”
“Opo, tita. Tapos na po” sagot ni Jeff “Kumain kami kanina sa bahay namin bago pumunta dito”
“Ah..ganun ba?...gusto niyo ba magmeryenda? Ipagtitimpla ko kayo ng juice” paanyaya niya
“Hindi na po. Salamat na lang, pero busog pa po kasi kami” pagtanggi ni Jeff
“Hmmm…sige. Hindi ko kayo pipillitin” ngumiti uli ang babae kay Jeff at gumanti din siya “Umupo ka muna, Jeff. Pasensya ka na kung hindi malambot ang upuan namin ha. Kawayan lang kasi…”
“Okay lang po…salamat. Pero sanay din kami umupo at humiga sa hindi malambot eh” pahiwatig ni Jeff
“Ahh. Mabuti kung ganon” sabi niya “Oh Riley. Pagsilbihan mo naman ang bisita mo dito…nasaan ka na bang bata ka!”
“Opo Ma! Sandali lang!” sigaw ni Riley mula sa banyo. Hindi nila pala namalayan na umalis pala si Riley sa kanilang tabi.
“Hay naku…ikaw na bata ka…” sambit niya sa kanyang anak “Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko ha. Ganyan talaga iyan…” biro niya kay Jeff. Napatingin ng matagal si Lorena sa nobyo ng anak. “Jeff?”
“Po?”
“Salamat ha?”
“Salamat saan, tita?”
“Sa pagmamahal mo sa anak ko” binalikan ng nanay ni Riley ang mga nangyari na hindi maganda sa anak at biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Alam mo…nung hindi pa kayo nagkakakilala, marami siyang dinadala dito sa bahay. Mga iba’t-ibang lalake na hindi niya naman pinapakilala sa akin at derecho agad sila sa kanyang silid”
“Talaga po?..Wow”
“Oo…pero hindi ko lang siya tinatanong kung sino ang mga pinapapasok niya sa kanyang kwarto”
“Bakit hindi mo tinatanong tita?”
“Para mabigyan ko din naman ang anak ko ng privacy…at gets ko na din iyon kapag dumerecho sila sa kwarto, diba?”
“Kung sa bagay…” tipid na sagot ni Jeff
“Pero noon iyon ha…nung hindi pa kayo nagkakilala…” paalala niya
“Alam ko naman po ‘yon” sambit ni Jeff “naikwento din ni Riley sa akin ang mga pinagdaanan niya noon..at naiintindihan ko naman po.”
“Alam mo rin ba, na ikaw pa lang ang taong pinakilala niya sa akin?” ngumiti lang ang babae habang tumutulo pa din ang mga luha at hinawakan ang dalawang kamay ng bata “IKAW lang ang nakapag-bago sa ugali ng anak ko, Jeff. Naging responsable at naging mature na siyang mag-isip ngayon. At diyan ako nagpapasalamat ng malaki sa’yo. Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa’yo ng mga magulang mo kung bakit napakabait mong tao. Pero maswerte talaga sila sa’yo dahil may anak silang katulad mo”
“Salamat po, tita” tanging sagot ni Jeff na hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin.
“Hindi Jeff…SALAMAT sa’yo” balik niya sa bata “pwede ba kitang mayakap?”
“Sige po..pwede po” Nagyakapan ng mahigpit ang nanay ni Riley at si Jeff habang tuloy-tuloy pa din ang pag-agos ng luha ng babae.
“Tigilan na nga natin ang kadramahang ito” sabi ni Lorena habang pinupunasan ang basa niyang pisngi dahil sa luha. “Oo nga pala, Jeff…matanong ko lang…”
“Ano po iyon, tita?”
“Purong pinoy ka ba?”
“Ahhmm…hindi po” sagot ni Jeff “Bakit mo po natanong?”
“ang singkit kasi ng mga mata mo eh…so ano ang halo mo, Jeff? Chinese?”
“Opo…pure Chinese kasi ang tatay ko”
“Ahh..kaya pala”
“Bakit po, tita?”
“hmmm…wala Jeff…may naalala lang ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ito sa’yo na kahit ang anak ko,hindi alam ang tungkol dito”
“Sige na tita…sabihin mo na..” halong biro ni Jeff “I can keep a secret naman eh”
“Sige” sambit ng babae “naalala ko lang kasi ang lalake na minahal ko noon.”
“Ang tatay ni Riley?” hula ni Jeff
“Minahal ko siya pero hindi naging kami…” patuloy ang kanyang pag-kwento pero hindi niya sinagot ang tanong ng bata “at binuntis niya ako at nang nalaman niya iyon…nawala lang siya na parang bula”
“Ang sakit naman po iyon, tita” sambit ng kanyang kinakausap
“Oo…masakit talaga subalit mahal ko pa din siya hanggang ngayon na kahit ginawa niya sa akin iyon”
“E saan na po siya ngayon, tita?”
“Hmmm…ang balita ko, may asawa na daw siya, mga anak at bumalik siya sa kanilang lugar.”
“Saan po?”
“Hindi ko alam kasi hindi ko naman natanong sa kanya kung taga-saan siya…ang importante lang sa akin noon ay ang kanyang pagmamahal”
“Ganun din ang tatay ko, tita eh”
“Bakit naman??”
“Kasi iniwan niya din si nanay at humanap ng mas bata at mas seksing babae para pakasalan.” sagot ni Jeff na tila galit pa din sa kanyang ama “may anak na sila po pala ngayon”
“Talaga?...ganon talaga siguro ang mga lalake, trinatrato kaming babae na parang hayop…ina-anakan at ini-iwan..”
“Hindi naman po siguro, tita” sabi ni Jeff “sigurado ako na may mga lalake din na mababait at loyal sa kanilang asawa…malas lang siguro kayo ni nanay kasi napunta kayo sa mga babaero at walang kwentang mga lalake..”
“hmmm…kung sa bagay. May point ka, Jeff” pagsang-ayon niya sa bata. “matanong ko lang uli sa’yo…galit ka pa ba sa tatay mo?”
“Hindi ko po alam, tita”
“Naiintindihan kita dahil alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon pero mas maganda sana na marunong kang magpatawad dahil tatay mo pa rin siya”
“Oo nga po…ganyan din ang sabi ng nanay ko at ng mga kaibigan ko sa akin” sabi niya sa babae “pero sinusubukan ko naman po tita eh”
“Mabuti na yan kesa sa wala.”
“Oo nga tita. Tama ka”
Inunat ni Lorena ang kanyang kamay at hinimas sa pisngi ni Jeff “Masaya ako dahil nakilala kita, Jeff. Oo nga pala, ano ang buo mong pangalan?”
“Jeffrey Alba-Dy po, tita”
Nanlaki ang mata ng babae sa sagot ni Jeff “E ang pangalan ng tatay mo?”
“William po. William Dy”
Biglang napatayo si Lorena at tila umiba ang timpla ng mukha niya. “Excuse me. Magluluto muna ako ng hapunan”
Ilang sandali ang nakalipas ay bumalik si Riley sa sala. Nadatnan niya na tahimik na nakaupo doon si Jeff.
“Sorry babe ha” sambit ni Riley. “Nagbihis kasi ako para sa trabaho ko mamaya”
“Okay lang yun babe.”
“So kamusta ang kuwentuhan ninyo ni Mama?”
“Ayos lang naman babe”
Nagulat silang dalawa dahil may biglang nagsalita sa kanilang likuran “Mabuti naman na andiyan ka na, Riley”
“Opo Ma. Katatapos ko lang kasi magbihis”
“Mabuti” sagot nito sa anak “Ihatid mo na siya sa labas. Gabi na”
“Pero Ma, mamaya pa siya kas—”
“—ang sabi ko, ihatid mo na siya” at tumingin siya sa direksyon ni Jeff “salamat na lang sa pagpunta dito, Jeff. Pero hindi kita matatanggap na maging nobyo ng anak ko. Sorry and Goodnight.” Isinara niya ng malakas ang pintuan ng kanyang kwarto.
Napa-nganga na lang si Jeff at si Riley sa pag-iba ng mood ng nanay.“Ano ba ang nagawa ko sa kanya, babe?” tanong ni Jeff kay Riley “Maganda naman kanina ang usapan namin.”
“Ewan ko din, babe…Baka may naalala lang na problema kaya intindihin mo na lang siya.” sagot niya
“Okay babe. Sana hindi galit ang mama mo sa akin”
“Ano ka ba. Hindi nga siya galit sa’yo noh. Mahal ka niya dahil alam niya na nagmamahalan tayo” sabay akbay niya kay Jeff pero ngumiti na lamang siya na parang pilit. “Tara. Hatid na kita sa inyo, babe. Gabi na talaga. May pasok pa ako eh”
Inihatid na kaagad ni Riley si Jeff sa bahay ng tatay niya. Habang papasok si Jeff ng bahay ay nakatayo si Jean malapit sa pintuan, na naka-krus ang dalawang braso at naka-taas ang isang kilay niya.
“So…san ka galing? At nasaan na si Kuya Riley?”
“Sa kanilang bahay…Bakit?” sagot naman ni Jeff
“Sa ganitong dis-oras ng gabi” sambit ni Jean na parang tumataas ang tono ng boses “talagang pinapayagan ka pa ng nanay mo na umalis at pumunta sa bahay nila para mag-harot lang?” patuloy pa din ang kanyang putak pero tahimik lang si Jeff “Kinokonsente niya talaga ang KABAKLAAN mo noh?...VERY GOOD MOTHER” *clap clap* “mag-ingat ka lang ha…baka ma-r**e ka ng mga adik sa labas”
“Thank you sa concern, Jean…pero kaya ko na ang sarili ko.. at 9 pm pa lang. huwag kang OA”
“HAHA..at talagang sineryoso mo? OW.EM…Feel mo talaga na babae ka noh” subalit napangiti lang si Jeff sa kanya.
Hindi na lamang pinansin ni Jeff ang kanyang kapatid at pumasok na lang nang bahay at dumerecho sa kanilang silid sa itaas.
Itutuloy…