Dinala si Jeff sa presinto at ikinulong doon ng mga pulis. Umupo siya sa sahig ng selda atumiyakngtododahilsanangyarisakanya. Pero sa kabila nito, hindi niya pinagsisihan ang pagsugod sa bahay ng matandang bruhang lola ni Jean. “Ang ingay naman…” sambit ng isang preso. Kaagad siyang tumayo at nagtungo kay Jeff “Hoy!! Ano ang iniiyak mo diyan?! Hindi mo ba nakikita na may natutulog dito” “Sorry po” sambit ni Jeff habang pinupunas ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay. Nagpabuntong-hininga na lamang ang lalake sa sobrang inis “Gawa-gawa ng krimen at kung makukulong. Iiyak” habang umupo sa tabi ni Jeff “Teka, ano ba kaso mo?” “Hindi ko po alam eh” sagot ni Jeff habang nakatingin lamang sa sahig. “Ha?? Bakit hindi mo alam?? May nakukulong ba na hindi alam ang kaso niya??” dugto

