Pumasok na ulit si Jeff pagdating ng araw na Martes dahil kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay sa kabila sa trauma na nangyari sa kanya kahapon na pagpasok sa kulungan. . “Bes,kamusta ka?” tanong ni Jacqui na habang tinatapik ang likuran nito. “Hindi okay, pero pinipilit ko na maging maayos” “Sige lang Jeff. Kaya mo yan. Andito kami ni Jacqui para sa’yo, lalung-lalo na ako” paniniguro ni Alvin sa kanya. “Salamat guys. Pano niyo pala nalaman ang nangyari sa akin…??” “Tinawagan kami ng nanay mo nang gabing iyon at ang sabi namin sa kanya na ipagpabukas na lang ang pagbisita namin dahil na gabi na talaga. Pero kinabukasan sa pagdating namin, nandoon na ang tatay mo at ang pamilya niya.” Paliwanag ni Alvin “Nahihiya naman kasi kami na pumasok eh. Sory ha?” “Hindi

