CHINITO: Chapter 16 (Plano ni Jean)

2298 Words
Tumayo ang mga balahibo ni Jeff nang makita niya ang babae, na akala niya si Riley ang kasama sa kama. “What’s wrong, sir?? Ayaw mo ba sa akin?” “Sorry. Pero hindi kita type” habang hinahanap niya ang kanyang damit "Okay lang yan sir" landing pagkakasabi ng babae "gagawin ko ang lahat para maging type mo ako. Hindi na ako siguro mahihirapan kasi nasarapan ka na sa ginawa ko eh. Napa-ungol ka pa nga ng malakas" napakunot ng kanyang noo si Jeff habang nilalaro ng babae ang kanyang dibdib na tila inaakit siya nito. "Wag kang assuming girl. Akala ko lang kasi na ikaw ang tao na dapat gumawa sa akin yon" tanggol ni Jeff sa sarili. “Pwede ba? Huwag mo akong tignan ng ganyan?? Inaakit mo ako eh. Nandidiri ako” “Yan nga gusto ko eh. Na maakit kita” "Ganon? Teka, paano tayo nakapasok dito? At anong oras na ba?" "Alas-Tres na nang madaling-araw" sagot ni Joy "at sa tanong mo kung paano tayo nakapunta; Pinasakay tayo ng dalawa mong kaibigan at ang sabi nila sa akin ay paliligayahin kita" lalong lumalapit ang babae sa kanya "ang gwapo mo talaga. Kahit walang bayad. Patikim ng saging mo" sambit ni Joy habang sinusubo ang dalawang daliri niya. "Saging pa ka'mo?" ulit ni Jeff "doon ka sa tindahan bumili...madaming saging dun" Tumawa lang ang babae habang lumalapit kay Jeff. Bigla niya hinuli at hinimas ang nasa baba "Ito ang saging na gusto ko..." "Oooowwww...." sabi niya na parang nanginginig ang boses na tila sinabuyan ng malamig na tubig ang boung katawan. "Bakit? Masarap ba tuwing hinihimas ko 'to?" landing tanong ni Joy habang binibilisan niya pa sa paghimas. "Hindi!" tinanggal ni Jeff ang kamay ng babae sa kanyang ari at itinulak ito na ang sanhi ay napatumba ang babae. Pumasok si Jeff sa banyo ng kwarto dala ang kanyang gamit na nakapatong sa maliit na mesa at doon na siya nagbihis. Sa kanyang pagkalabas ng banyo, nakatambad sa kanyang harap ang nakahigang babae na nakabukaka. Bumangon ito at pumunta sa kanya. "Sige...lumapit ka..." habang winawasiwas ni Jeff ang kanyang kaliwang kamay upang hindi makalapit sa kanya si Joy. "Sige...para malaman mo ang tunay na sarap." Patuloy pa din ito sa kanyang ginagawa habang lumalapit sa kanya ang babae na tila hindi natatakot sa pagbabanta ni Jeff. "Alam mo, gusto ko yan..." sambit ni Joy "...ang pinahihirapan muna ako bago ko makuha ang gusto ko...Gusto kita..." at napakagat siya ng kanyang labi. "Ganon? Sorry pero hindi kita type..." sagot ni Jeff at binuksan niya ang pintuan at lumabas agad ng silid. Sa kanyang pagkalabas ng kwarto ay nalaman niya na nasa pension house pala siya dinala ng babae. Lumakad siya palabas ng building at nakita niya na madilim pa pala ang kalangitan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinignan kung ano oras na. 4:30 pa lang ng madaling araw.Nagdesisyon na lang si Jeff na pumasok muli sa pension house at nag check-in kahit ilang oras lang, para magpalipas na lang doon ng gabi. Naka-idlip siya ngtatlong oras mahigit na parang sarap na sarap sa kanyang pagtulog. Nagising lang si Jeff ng dahil sa tumunog na telepono niya. Tinignan niya ito kung sino ang tumatawag, at ito pala ang kanyang nanay. Jeff: Hello po 'nay...Good morning po. Joyce: Good morning din anak. Kamusta ang lakad ninyo kagabi? Nag-enjoy ka ba? Jeff: Okay lang naman po. Pauwi na po ako ngayon Joyce: Oh sige... Mag-iingat ka ha... Jeff: Okay po 'nay Pinatay kaagad ni Jeff ang telepono at naligo na ito sa banyo. Pagkatapos nito ay nagbihis na siya kaagad at umuwi sa bahay ng kanyang tatay. *** Naabutan ni Jeff si Jacqui na nakaupo na sa kanilang pwesto sa silid-aralan habang naghihintay ng kanilang Professor sa Marketing12 na subject nung araw ng Lunes. Linapitan niya si Jacqui at kinurot sa magkabilang pisngi. “Aawwww!!” “Sama talaga ng ugali ninyo ni Alvin. Akala ko pa naman kaibigan ko kayo” “Wag ka nang magalit sa amin, bes. Para din sa’yo yan eh” “Anong para sa akin? E muntik na ako ma-r**e ng babae na yon…” “Atleast babae diba? Hehe” dugtong ng kaibigan “so, kamusta nga pala? May nangyari ba?” “Wala nga…umalis kaagad ako nung pagkagising ko. And please, tama na. napaka-sagwang isipin eh…” “Haha. Ganon?” “Oo. Ang sama n’yo talaga. Muntik pa ako mapahamak” “Sorry na nga, bes” habang nilalaro ni Jacqui ng kanyang daliri ang tenga ni Jeff “Ano ba yan? Nakikiliti ako eh.” “Sorry na nga bes” “Oo na. Pinapatawad na kita, basta tigilan mo lang yan” “Mwah! Thank you. hehe” at hinalikan niya si Jeff sa pisngi. “Oh?! Akala ko ba, hindi ka na galit sa akin? Bakit nakakunot pa din ang noo mo?” “Wala ‘to. Mawawala din ‘to ang inis ko” “Sus. Nagtatampo pa eh. Sorry na nga. Atleast masaya ka na diba?” “Masaya?? Oo. Masayang-masaya talaga ako sa babaeng yon” sambit ni Jeff na naiinis pa din *** Nang pagkauwi ni Jeff sa bahay ng kanyang tatay galing sa paaralan ay nagulat siya sa kanyang nakita. Napatunganga lang siya sa nasaksihan na pagpalo ng kanyang tatay sa maldita niyang kapatid sa ama. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya, kung matutuwa siya o maaawa sa pagpalo sa kapatid. Ngayon niya lang kasi nakita na nagagalit ng husto ang tatay. Nanlilisik ang mga mata at namumula ang mukha sa ginawa ni Jean. Ano na naman kaya ang ginawa ng malditang kapatid at ganito lang ang galit ng tatay? “Bakit mo iyon ginawa ha?! Ganyan ka ba namin pinalaki ng Mommy mo?!” sigaw ni William at patuloy pa din ang kanyang pagpalo sa bandang tagiliran ni Jean “You’re a dissapointment to this family!!” “Bakit?!! Ano ba ang pinamamalaki ng pamilyang ‘to ha?!” sigaw ni Jean habang umiiyak ito “…ang maraming asawa at anak? Mas mabuti pa ang ginawa kong ito kesa sa ginawa mong IMORAL!!” Sinampal ni William ng napakalakas ang kanyang anak na babae. Nagalit na ito ng husto dahil sa narinig niyang pambabastos ng anak sa kanya. “Tay! Tama na po!!” utos ni Jeff sa tatay. Napahinto si William at napatingin siya kay Jeff. Lumayo si William sa natumbang anak at nagmamadaling lumabas ng bahay para magpahangin. Naawa si Jeff sa kanyang kapatid at nilapitan niya kaagad si Jean na nakaupo pa din sa sahig na hawak-hawak ang nasampal niyang pisngi. Nag-alok si Jeff na tulungan siyang tumayo pero hindi ito pinansin ni Jean at siya na mismo tumayong mag-isa. “Don’t touch me!!” sigaw niya sa kapatid “This is all your fault!!... Oh ano?! Masaya ka na?” “Ha? Bakit ako? E kakarating ko lang kaya…” pangangatwiran ni Jeff. Ngumiti si Jean na tila naiinis. “Pwede ba? Hindi bagay sa’yo ang umarte. Magsabi ka na lang ng totoo na ginawa mo yon para makaganti ka sa akin…” “Hindi ko talaga alam ang mga pinagsasabi mo. Sorry” “Sinunggaling…!” “Hindi ko nga alam. Ano nga yon?” “Isinumbong mo’ko kay Daddy na pinauwi ko si Manang Beth at inaapi ko kayo ng nanay mo” “Ha? Okay ka lang? Hindi ako ganong tao, dear. At hindi ko ugali ang magsumbong sa mga kagagahan na ginawa mo sa amin” tanggol ni Jeff sa kanyang sarili “at kung sino man ang nagsumbong sa Daddy mo. He deserves to know it” “Talaga? So paano nalaman ni Daddy? Sino nagsumbong?...Ang hangin?” “Aba ewan ko! And please, huwang mo akong idamay sa kasalanan na ikaw mismo ang gumawa” “Yeah right. Ikaw lang naman at ang nanay mo ang rason kung bakit ko ginawa yon” sumbat ni Jean kay Jeff “O baka naman ang nanay mo talaga ang nagsumbong kay Daddy? Ano ‘to? PUMAPAPEL LANG?” “Bahala ka nga sa buhay mo. Isipin mo ang gusto mong isipin” iniwan niya si Jean sa sala at pumasok sa kanilang kwarto ng nanay. Nadatnan ni Jeff ang kanyang Nanay Joyce na nakaupo sa kama at nagtutupi ng kanilang damit. “Good Evening ‘nay” bati ni Jeff sa nanay habang nagmamano ito. “Magandang gabi din, anak” sagot nito “Nakakunot na naman ang noo mo…may problema naman ba?” “E si Jean po kasi nay. Sinisisi niya ako, na ako daw ang nagsumbong kay tatay na pinauwi niya si Manang Beth” “Ba’t ka ba niya sinisisi?” “Ewan ko nga po. Nadatnan ko lang sila ni tatay sa sala na pinapagalitan at pinapalo siya nito. Hindi mo ba narinig kanina ‘nay?” “Oo. Narinig ko lahat. At alam ko kung paano nalaman ng tatay mo…” pahayag ni Joyce “Paano nay? Isinumbong mo?” “Ha? Hindi. Si Beth mismo ang nagsumbong kanina” “So, andito pala siya kanina?” muling tanong ng anak na may halong pagtataka. “Oo. Bumalik siya kanina pero pinalayas din kaagad ni William kasi sinunod niya si Jean” “Alam ba din ‘to ni Jean?” “Oo naman…” “E bakit ako ang sinisisi niya?” “Ewan ko anak. Alam mo naman ang ugali ng kapatid mo diba?” paalala ni Joyce sa anak. “Huwag mo na siyang pansinin, ‘nak. Ikaw ang mas nakakatanda. Ikaw ang umitindi sa kanya. Okay?” “Okay po nay” “Sige na. Magbihis ka na para makakain na tayo ng hapunan” *** Oras na ng hapunan, lumabas ng kwarto si Jeff habang nag-aayos ng lamesa ang kanyang nanay. “Anak, pakitawag naman sina Tita Natalie mo at si Jean na kakain na” “Opo nay. Teka po, Saan po ba si tatay?” “Umalis siya Jeff. Dala ang kanyang sasakyan…” “Saan siya pumunta?” “Ewan ko pero ang sabi niya kanina sa akin na magpapalamig lang siya daw ng kanyang ulo” Nagtungo kaagad si Jeff sa second floor ng bahay upang ipaalam kay Natalie at Jean na kakain na. Unang pinuntahan niya si Natalie sa kwarto ng kanyang tatay at bumalik agad sa baba. At hindi niya tinawag si Jean. Sa kanyang tangkang pababa ng hagdanan ay may narinig siyang boses mula sa silid ni Jean na tila may kinakausap sa telepono. Bumalik siya at inilapat niya ang kaliwang tenga sa pintuan ng silid para marinig niya ng maayos ang pag-uusap ni Jean at nasa kabilang linya. “Ama? Kelan ba kayo babalik dito sa Pilipinas kasama ni Angkong?” iyak niya sa kausap sa telepono. “…wala na kasi akong kakampi dito. Kasi mas kinakampihan pa nila ang anak niyang BAKLA kesa sa akin. Hindi na nila ako mahal, Ama. Kayo na lang ni Angkong ang tanging nagmamahal sa akin…please…umuwi na kayo dito…” Patuloy pa din ang pag-iyak ni Jean sa kanyang kinakausap. Napa-isip si Jeff kung sino na naman ba ang hinihingian niya ng tulong at kakampi. Pumasok sa kanyang isipan ang Lola at Lolo niya pala, na Mama at Papa ng kanyang tatay na nakatira sa China. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha na tila may narinig siyang magandang balita “Yey!! Thank you, Ama. Thank You, Thank You talaga. See you nextweek…” at binaba agad ni Jean ang telepono at nagmamadaling lumabas ng silid. Bago pa lumayo si Jeff sa pintuan ay bumukas ito mula sa loob. Nakita ni Jean si Jeff na nasa harapan ng pintuan na tila nakikinig sa usapan ng kanyang lola sa telepono. “What are you doing here? Nakikinig ka ba sa usapan namin? Napaka-chismoso mo din pala noh? Usapan ng may usapan, pinakikinggan mo? Kung sa bagay. Hindi naman ako nabigla dahil alam ko ganyan ka sa inyo. Diba? Galing kayo sa swater?? Mga Chismoso at mga sumbongero” insulto ni Jean sa kanya. Pero walang sagot si Jeff at tinititigan niya lamang ito “Oh?? Ang tahimik mo ata?? Haaay naku, Jeff. May I remind you pala na babalik na dito sa Pilipinas ang Lola at Lolo ko” wika ni Jean habang palapit sa kanya “You’re going to lose, my dear half-brother. At sisiguraduhin ko na talaga na mawala na kayo ng tuluyan kasama ng mukhang pera mong pamilya” Biglang tumawa ng malakas si Jeff sa mga pagbabanta sa kanya ng kapatid. “BLAH. BLAH. BLAH…Sa totoo lang, Jean? Nababagot na ako. Paki-text mo lang ako kapag ready ka na talaga. Okay?” sabay alis niya at bumaba papunta sa lamesa para kumain. Sakto din na lumabas si Natalie sa kanilang silid ng kanyang asawa at binati si Jean na nakatayo sa labas ng kanyang silid. “O Jean? What’s wrong?” tanong niya sa anak “Nothing Mom.” “Ahh. Okay. Bumaba na tayo at kakain na” “By the way, Mom. Tumawag sina Ama sa akin na magbabakasyon daw sila dito. Mga nextweek daw” “Talaga? Bakit agad-agad? Wala namang special event ha” “Meron Mom.” sabay ngiti ni Jean na parang demonyo “There will be a very special event. And for sure, everyone will be happy including me” “Wow. Ano yan, Jean? Sounds exciting” “Malalam mo din yan Mom kapag andito na sila” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD