CHINITO: Chapter 15 (Si Joy)

2451 Words
Dakong alas-nwebe na nang gabi nakauwi si Jeff sa kanilang bahay. Nadatnan niya sa kanyang pagpasok ang kanyang tatay at si Natalie na nanonood ng pelikula sa living room. Napansin ni William ang pagpasok ng anak sa bahay at tinawag niya ito. “Oh anak…kamusta ka? Bakit ginabi ka?” “Okay lang po” sagot nito habang nagmamano sa kanilang dalawa “may ginawa lang po sa school” “Ah ganon ba? Kumain ka na ba? Nagluluto pa si nanay mo doon sa kusina” “Tapos na po. Sige tay, pasok na po ako sa kwarto namin” paalam niya kina William at Natalie “Hindi ka ba manonood ng pelikula? Samahan mo kami ni Tita Natalie mo” alok ni William “Hindi na po ‘tay, salamat na lang. Pagod na kasi ako. Magpapahinga na ako” “Sige anak…” Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok si Joyce sa kanilang silid upang gisingin ang anak para maghapunan. “Jeffrey…anak, gising na. Kakain na tayo” sabi ng nanay sa anak pero walang imik si Jeff kasi ayaw niyang ipakita ang nagmamagang mata sa nanay. “Busog pa ako ‘nay. Mamaya na lang ako kakain” “Ano ba ang kinain mo kanina, nak?” “Nakalimutan ko na po, basta kumain kami kanina ni Jacqui” napansin ni Joyce na may problema ang anak at tila iba ang tunog ng boses nito na parang umiiyak. “May problema ba anak?” bumangon si Jeff mula sa pagkahiga at tumingin sa kanyang ina na nagmamaga ang mata. “Oh? Bakit magang-maga ang mata mo?” “Hiwalay na po kami ni Riley nanay. Niloko niya ako. May iba na pala siyang mahal” muling bumagsak ang luha ni Jeff mula sa kanyang mga mata. “Kaya pala nanlalamig na siya sa akin. Ginamit niya pang dahilan ang singsing para mag-away kami. Pero may iba na pala ang gago. Niloloko niya lang ako” Walang sinabi si Joyce at niyakap niya lamang ang anak na umiiyak “Ssshh… tahan na baby ko. Huwag ka nang umiyak Andito na si nanay” sambit niya sa anak “Alam ko na mahirap dahil na-experience ko na din yan noon. Na niloko at pinagpalit sa ibang babae. Pero ito lang ang mapapayo ko sa’yo, maging matatag ka lang anak. Makakaya mo din ‘to” Hindi pala nila alam na naiwang nakabukas ang kanilang pintuan. Nakatayo si William doon at narinig lahat ang usapan ng mag-ina ‘Patawarin mo ako, Joyce. Hindi ko naman sinadya na saktan kita noon. Hayaan mo na makabawi ako sa anak mo. Nasaktan din siya dahil nagmahal siya sa kagaya kong tao’ sabi niya sa kanyang sarili habang tinititigan silang dalawang nagyayakapan. *** Kinabukasan sa Internet Shop “Magne-net ba kayo?” tanong ng babae na nagbabantay doon sa kanilang tatlo. “Yup” sagot ni Jeff “Ilan?” “Malamang tatlo. Meron ka bang nakikita na hindi namin nakikita na kasama namin ngayon?” sarkastikong sagot ni Jeff. “Uy Jeff. Bad yan” saway ni Alvin sa kanya “E ‘to kasi eh” turo niya sa babae “alam niya na tatlo tayo, magtatanong pa kung ilan” “Kahit na. tumahimik ka na nga” saway niya ulit kay Jeff “Sorry po manang ha. May pinagdadaanan lang kasi ang kaibigan namin eh” paliwanag niya sa babae “Okay lang po yon. Sanay naman po ako kay Sir Jeffrey eh” “Sir…? Bakit may Sir?” tanong naman ni Jacqui “Opo. Siya po kasi ang may ari ng Internet Shop na ‘to” Nagulat at nagtinginan ang dalawang kaibigan ni Jeff nang marinig ang sinagot ng babae. Ngayon lang nila ito nalaman, na may-ari si Jeff ng Internet Shop na kung saan parati nilang pinupuntahan at tinatambayan. Tumingin si Jacqui kay Jeff habang naka-ngiti ito sa kanilang dalawa “Ikaw ha…Bakit hindi mo ito sinabi sa amin? Tagal na taong magkaibigan ah” sumbat niya “Oo nga Jeff. Inilihim mo ‘to sa amin. Eh, araw-araw tayo dito magkasama at tumatambay” sabat naman ni Alvin. “Ang OA ninyo pareho. Last year pa ‘to nung nasa First Year College ako” paliwanag ni Jeff “binigyan kasi ako ni Kuya Jeremy at ni Ate Jenny at ni nanay ng pampuhunan para magsimula ako ng maliit na negosyo kahit bata pa ako. At ito ang naisip ko, Internet Shop” “Hmmp. Kahit na. Hindi mo pa rin sinabi sa amin ang katotohanan” sambit ni Jacqui “Eh wala naman dapat sabihin” pangagatwiran pa ni Jeff “Haaay. Big deal talaga ‘to?” “Ewan ko sa’yo. HMP” “Hehe. Uyy. Nagtatampo na ang bata. Atleast nalaman na ninyo diba?” “Oo nga Jack. Tama na yan” pagsang-ayon ni Alvin kay Jeff at tila kinakampihan niya na ito “hindi ka ba proud sa kaibigan natin na may negosyo siya?” “Proud” sagot niya “e kasi naman e…nakakainis” “Sorry na. Aawayin mo pa ba ako, bes??” pangongonsensyiya niya pa kay Jacqui “Alam mo naman na heart-broken ako ngayon eh” “Ewan ko sa’yo… pinapatawad na kita pero sa isang kondisyon” “May kondisyon pa??” “Oo naman. Ayaw mo?” “O sige na. Ano yon?” “Libre ang pang-iinternet namin ni Alvin dito… I mean, forever” “Ganon??? Teka, malulugi ang negosyo ko nito” “So, ayaw mo??” pagtaas ng kilay ni Jacqui sa kanya “Alis na tayo, Vin. Hindi naman tayo welcome dito eh” “Teka teka. Wala naman akong sinabi na hindi ah” pagpigil ni Jeff sa kanilang dalawa na umalis. Pero kita pa din sa mukha niya na nag-aalala sa negosyo “O sige na nga. Libre na ang pag-iinternet n’yo” “Yey! Let’s go na Vin. Net na tayo” nagmamadaling pumunta sina Jacqui at Alvin sa computer upang magsimula na mag-internet. Sumunod naman si Jeff sa kanilang dalawa na nagkakamot ng kanyang ulo. Sa kanyang pag-upo sa tabi ni Jacqui, binuksan ni Jeff ang kanyang f*******: account, binuksan ang page ni Riley. Nakita niyang muli ang cute na mukha ng kanyang ex na mahal niya pa pero niloko siya nito dahil may iba na pala. Muling tumulo ang luha ni Jeff mula sa kanyang mga mata. Nasasaktan pa din kasi siya sa ginawa ng kanyang mahal. Hindi namalayan ni Jeff na nakatingin pala si Jacqui sa kanya, sa bawat punas niya ng kanyang luha na lumalabas sa mga mata. Naawa siya sa kaibigan pero pinabayaan niya lang muna ito na umiyak para mabawasan lang ng kaunti ang sakit. Pagkalipas ng ilang saglit ay pinatay na ni Jeff ang computer na kanyang ginagamit at binaling na lang ang tingin sa katabing computer na ginagamit ni Jacqui. "Oh. Bakit ka tumigil sa kaka-net?" tanong ni Jacqui. "Masakit lang kasi..." "Ang alin?" "...ang mata ko sa pagkatitig ng napakatagal sa monitor." palusot naman ni Jeff "hindi kasi ako sanay eh" "Talaga lang ha??" “Oo nga. Teka, anong oras na ba?” tanong niya habang tsinitsek ang kanyang telepono kung anong oras na “s**t. Late na ako, bes. Mauna na ako sa inyo ha” paalam niya sa dalawang kaibigan “Enjoy niyo muna yan” Hindi nakalusot si Jacqui sa pagmamadali ng kaibigan habang paalos. Tinignan niya lamang ito habang palabas ng Internet Shop at papasok na sa klase. Naalala niyang muli ang kaibigan na malungkot dahil sa heart-break niya sa ex na si Riley. Pero hindi niya alam kung papaano tutulungan ang kaibigan at bumaling ang kanyang tingin kay Alvin. “Vin…?” “Hmmmm?” sagot nito habang busy sa pag-iinternet “Itigil mo nga muna yan. May pag-uusapan tayo” Sinunod naman ito ni Alvin ang utos niya at tumingin siya sa kaibigan “Bakit Jack?” “Nag-aalala lang kasi ako sa kaibigan natin eh. Parang wala sa sarili” panimula ni Jacqui sa kanilang usapan “Tulungan mo nga akong mag-isip kung ano ang gagawin natin kay Jeff. Wrong timing pa kasi eh, sa Sabado na ang Valentine’s Day eh. Madagdagan pa lalo ang lungkot niya” “Siyempre, broken-hearted. Ganun talaga yon” sabay laro ng mouse ng computer “Pabayaan mo na lang kaya” “Huuy. Ano ka ba?? Naghihingi nga ako ng tulong kung ano ang gagawin natin para makalimutan lang naman niya pansamantala yung sakit” “E ano?? Hindi ko alam. Kahit nga ako, hindi ko nga alam kung paano mag-move-on eh” “Hugot teh???” “Hindi naman” sabay ngiti ni Alvin “Huuy. Tinatanong nga kita. Mag-isip ka nga.” utos ni Jacqui kay Alvin “Alam mo, kung hindi lang kita kilala. Mapaisip ako na hindi mo siyang totoong kaibigan” “Bakit naman?” “E ang saya-saya mo ngayon eh. Parang wala kang pakialam sa kanya. Hmmmmm??” “O bakit ka ganyang makatingin?” “Siguro naisip mo na may pag-asa ka na ngayon kay Jeff noh?? Ikaw ha” “Ganun?? Ang dumi ng isip mo. Sige na, mag-isip na tayo” *** February 14, 2009 (Araw ng mga Puso). Sabado iyon ng gabi, dinala nina Jacqui at Alvin ang kanilang kaibigan sa isang club upang sa kanilang plano. Napansin ni Jeff sa kanilang pagpasok ng club, ay may mga litratong mga seksing babae na naka-bikini lamang ang suot. "Jack...!" tawag ni Jeff sa kaibigan na naunang pumasok ng bar. "Yes bes?" "Bakit dito tayo pumunta? May mga babaeng sumasayaw na naka-h***d oh" turo niya mula sa labas ang babae na nagsasayaw sa stage "sana sa gay bar ninyo na lang ako dinala, mas gusto ko pa doon kesa sa dito." "Para maiba naman, friend" sagot ni Jacqui "C.O.E. kumbaga" "COE?...ano yon??" "Change Of Environment" "Ang arte naman. Pa uso ka talaga" sambit sa kanya ni Jeff " Maypa 'Change Of Environment' ka pa diyan...ayoko nga eh" "You said diba, na naka-experience ka na sa girl? At isa pa, Valentine's day ngayon." "Oo. Nung high-school pa ako pero ayaw ko na nga" diin niya kay Jacqui. "E ano naman ngayon kung Valentine's Day? Walang Valentines Day sa mga sawi noh" "Ang bitter mo bes ha... Mag-enjoy ka lang kaya. Ang saya-saya nila oh" “Anong masaya sa nakahubad na babae?? Palibhasa lesbiyana ka eh. Ikaw lang ang nag-eenjoy” “Ay grabe siya… ang KJ mo na. Para sa ekonomiya bes. Mag-enjoy ka lang” Umupo silang tatlo sa bandang kanan ng stage na kung saan may nagpo-pole dance na seksing babae. Umorder sila ng pagkain at inumin. Hindi masyado umiinom si Jeff ng alak pero pinipilit siya ng dalawa, lalong-lalo na si Alvin. "Sige na Jeff. Uminom ka na" pilit ni Alvin sa kanya habang nilalagyan niya ng alak ang baso ng kaibigan. "Kahit konti lang" "Okay. Sabi mo eh" sabi ni Jeff at inubos niya agad ang laman ng baso. "Woooaahh!!...Dahan-dahan lang, bes" gulat na reaksyon ni Jacqui dahil sa pag-ubos agad ni Jeff ang basong may alak. Humingi pa si Jeff ng isa pang baso. Hindi nila namalayan na lasing na pala si Jeff at nagsimula na namang magdrama. "Bakit ganito? Bakit niya ginawa sa akin 'to?" iyak ni Jeff habang umiinom. Muling bumalik ang pagdadrama dahil lasing na ito "Ano ba ang nagawa ko sa kanya?" "Simple lang friend" sagot ni Jacqui "Nagsawa na siya sa'yo at hindi ka na niya mahal" "Araaayyy!! Ang sakit naman..." sabat niya "Yup. That's the main reason why he left you, Jeff"sabi ni Jacqui na tila seryoso ang mukha "He's not worth it at madami pa diyan na lalake na mas worthy at deserving sa pagmamahal mo" "But I still LOVE him!!" sigaw ni Jeff. Napatingin ang mga katabing tao sa kanilang direksyon na malapit sa kanilang inuupuan. Tumingin si Jacqui sa mga taong nakatingin at ngumiti lamang at bumalik siya uli sa naputol na usapan "Oo. Mahal mo siya. Pero ang tanong...mahal ka pa rin ba niya?" "I really don't know" iyak ni Jeff "NO! alam mo ang sagot pero dinedeny mo pa din ang katotohanan" pahayag sa kanya ni Jacqui na tila pinapagalitan ang kausap "...ang katotohanan na hindi ka na niya mahal. At kung mahal ka niya, bakit ginawa niya sa'yo yon in the first place? Bakit naghanap siya ng bago? It’s simple. Nagsawa na siya sa’yo… at tanggapin mo yan” hindi makapagsalita si Jeff at patuloy pa din ang pag-iyak. Hinawakan ni Jacqui ang kamay niya "Please...mag move-on ka na. Andito lang kami ni Alvin na tulungan ka. And stop crying, baka nasisiyahan na siya dahil alam niya na mahina ka kasi iniwan ka niya. Please friend. Stop it." Tumango lang si Jeff bilang kumpirmasyon sa narinig mula kay Jacqui "Be strong. Let's enjoy this night. Okay?" "Okay Jack" tanging sagot ni Jeff. Tuluyan nang nalasing si Jeff dahil sa dalawang bote ng alak. Hindi niyang magawang makatayo nang dahil dito at nagdesisyon na lamang sina Jacqui at Alvin na umuwi na at pinasakay na lang nila si Jeff sa taxi. Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Jeff dahil may humahalik sa kanyang dibdib. Nasarapan siya sa ginagawa sa kanya at alam niya na si Riley lang ang makagawa ng ganyang sensasyon sa kanyang katawan. Napakagat siya ng labi at umulong ng malakas. "Oooohh...yeah babe. Sige pa. ang sarap" sambit nito pero walang imik ang tao na gumagawa sa kanya. Nilalaro niya gamit ng kanyang dila ang n*****s ni Jeff at napaliyad ito dahil sa sobrang sarap. "aahh..shhiit. Saraap yan babe. Lick it hard..." patuloy pa din ang p*****a at pagsipsip na pinaniniwalaan niya na si Riley. At siguradong-sigurado siya na si Riley talaga ito. Bakit nasasarapan pa din siya sa ginagawa ni Riley kahit niloko siya nito? Unti-unting binubuksan niya ang pantalon ni Jeff. Hinugot athinimas ang ari niya. Napanganga lamang si Jeff sa dinadamang sarap. "s**t. Laki talaga ng batuta mo sir..." landing sabi ng babae. Nagulat si Jeff at dinalat niya ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. Hindi pala si Riley ang gumagawa sa kanya kundi ang isa sa mga dancer na babae sa club na pinasukan nila kagabi. "Oh s**t!!" tumayo kaagad si Jeff habang tinatakpan ang kanyang dibdib gamit ang kanang braso "What are you doing at sino ka?" "Ahhmm. Ako pala si Joy, ang magpapaLIGAYA ng gabi mo..." sagot ng h***d na babae. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD