CHINITO: Chapter 11 (Monthsary Gift)

2447 Words
Hindi makagalaw si Riley sa kanyang kinatatayuan. Nakatulala at hindi ito makapaniwala sa nalaman. Kapatid niya si Jeff? Ang taong tumanggap sa kanyang pagkatao ng buong-buo at nagmahal sa kanya ng ganito kalalim at kaseryoso. “Imposible…” sambit nito na nanghihina ang tono ng boses. Lumuhod si Lorena sa harap ng kanyang anak na hindi makagalaw na parang istatwa sa kanyang pagkakatayo na habang umiiyak siya at nakayakap sa binti ni Riley. “Anak, patawarin mo ako. Hindi ako agad nasabi ito sa iyo” iyak ni Lorena “Hindi. Nagbibiro ka lang, Ma. Sinasabi mo lang yan para mapahiwalay mo kami” “Totoo ang sinabi ko sa’yo. Maniwala ka naman, Rai-Rai” “Napaka-unfair mo, Ma. Ayaw mo lang na maging masaya ako kaya gumagawa ka ng kuwento” “Patawarin mo ako, anak. Pero hindi ako gumagawa ng kuwento” pagmamakaawa niya sa anak “Ngayon ko lang din naman nalaman na magkapatid kayo nung nagkausap kami ni Jeff” Patuloy pa din ang pagbagsak ng luha ni Riley at nanginginig ito. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Ma” sabat ni Riley “yung pakiramdam na gusto kong umiyak na gusto kong tumakbo ng napaka-bilis, sumigaw at sumabog dahil sa nararamdaman ko? Ang sakit, Ma. Ang sakit-sakit dahil mahal ko si Jeffrey. Imposible ang sinasabi mo” “Alam ko iyon na mahal mo talaga siya, anak. Pasensiya na talaga pero kailangan niyo na ‘to tigilan…ang pagmamahalan ninyo dahil mali” pagmamakaawa ni Lorena sa anak “…at kailangan na malaman na din ito ni Jeff” “Hindi…” sabi niya na umiiling ang ulo na parang bata na inagawan ng kendi “Hindi pwede. Hindi niya ito dapat malaman” “Pero Riley…” “Hindi nga pwede, Ma! Nagmamahalan kami ni Jeff at walang makapipigil sa amin” “Diyos ko naman! Magkapatid kayo ni Jeff. Mali ang ginagawa ninyo! Napaka-IMORAL!” “Bakit? Hindi ba imoral ang ginagawa mo noon?” balik niya sa kanyang ina “Nagbebenta ka ng aliw sa mga iba’t-ibang lalake..?!” tumayo si Lorena at sinampal ng malakas ang anak. “Hindi ako ang isyu dito, Riley. Ikaw at ang kapatid mo sa ama na si Jeff!” sigaw ng galit na ina “kung mahal mo nga talaga si Jeff, sabihin mo sa kanya ang buong katotohanan para hindi na siya masaktan” “Ayoko… at sa tingin mo, Ma. Hindi ba siya masasaktan kapag malaman niya na magkapatid kami sa ama?” pagmamatigas ni Riley sa ina “Pero– ” “Pwede ba Ma! Ayaw ko ngang sabihin sa kanya. TAPOS!” sigaw niya at pumasok sa kanyang silid. *** Araw ng Lunes Nakatambay silang magkaibigan sa bench ng paaralan. “Bes…” kibo ni Jacqui kay Jeff “Bakit Jack?” “When nga pala ang monthsary ninyo ni Riley?” “Bukas na…” sagot niya “Really? So, ano ang gagawin ninyong dalawa?” “Ewan ko nga eh” “Ha? Bakit ewan mo? Wala ba kayong plano?” “Hindi ko alam eh. Depende sa kanya, siya naman parati ang nagpaplano at gumagastos eh” “Wow. Ganun? Magshare ka kaya ng gastos. Ang unfair kaya sa part niya” “Yun din nga ang sabi ko sa kanya pero ayaw niya. Gusto niya kasi na siya parati ang gumagastos” “Ganon? Hmmm. Why not ikaw na lang kaya ang magbigay ng regalo sa kanya?” suhestiyon ni Jacqui “Siguro ito na yung time na ikaw na naman ang gumastos, diba” “Pwede… pero tulad nang ano?” “Ewan ko sa’yo. Ikaw ang mag-isip kung ano ang ibibigay mo sa kanya. Hindi ko naman boyfriend yan” “Ay grabe siya..” sambit ni Jeff “Nagsa-suggest ka nga, pero palaisipan pa” “Pangit kasi kapag ako ang mag-isip, bes. Mas maganda at mas sweet kapag galing mismo sa’yo, diba?” “Hmp! Sige. Pag-iisipan ko” Nagpasama nga si Jeff sa kanilang dalawa sa mall nang pagkatapos ng kanilang mga klase, upang tulungan siyang pumili ng ireregalo para sa kanyang mahal. Lumibot sila sa mall na halos isang oras subalit wala pa siyang napili. “Oh. Kanina pa tayo nag-iikot ah” pansin ni Jacqui “Wala ka pa bang may napili?” “Wala pa eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya” paliwanag ni Jeff “pero meron akong nakitang wallet at bag kanina pero hindi ko alam kung okay sa kanya yon” “Pano mo naman nasabi?” “Kakabili niya lang kasi ng wallet at hindi siya mahilig magdala ng bag” “Ah. Ganon ba? So ano?” tanong ng kaibigan sa kanya. “Hindi ko rin alam, Jack. Siguro hindi na lang ako bibili” “Hay naku. Ano pa ang rason mo kung bakit mo kami isinama?” “Ano nga ba?” “Edi tumulong sa’yo. At ikaw kaya ang nagpasama sa amin dito” paalala sa kanya “Ahh. Sorry. Nakalimutan ko eh” “Ikaw talaga. oh. Ito ang isipin mo ha” sabi ni Jacqui sa kanya “Ano ba ang hindi niya ini-expect na galing sa’yo?” napaisip ito ng matagal pero wala talagang pumapasok sa utak niya. “Ano nga ba? hhmmm. Ewan ko” “Ano ka ba? mag-cooperate ka nga. Pag-isipan mo ng maigi” utos ni Jacqui “Wala talaga eh. Sorry. Blangko talaga ang utak ko ngayon” “Wow. Ganon? Teka, pahinga muna tayo. Napagod din ako sa paglalakad eh” Umupo silang tatlo sa may bakanteng upuan sa foodcourt at doon sila naghintay kay Jeff habang nag-iisip sa ibibigay kay Riley. “Oh… magpahinga muna tayo dito” sambit ni Jacqui “…at ikaw, mag-isip ka na diyan ng mabuti habang nagpapahinga ka” “Grabe ka naman. Pagod din ako eh” “Hindi tayo aalis dito hangga’t wala ka pang naiisip na ireregalo mo sa kanya” pahiwatig ni Jacqui “Wow. Ang strikto mo naman” reklamo naman ni Jeff “sakit na nga ng ulo ko oh” “Sige na. huwag nang magreklamo. KAYA MO YAN” Tumahimik na lang si Jeff at nagsimula nang umisip ng malalim. ‘hmmm. Ano kaya ang magandang iregalo ko kay Riley?’ tanong nito sa sarili. Binalikan niya ang kanilang unang pagkikita noong October 03, 2008, araw ng Biyernes na kung saan naging opisyal na sila. Naka-lavender na t-shirt at naka-jeans noon si Riley, na nakatingin sa kanya habang nakangiti at patungo sa kanyang direksyon na litaw na litaw ang lalim ng kanyang dimple. Hindi makagalaw si Jeff at tila bumagal ang kanyang paligid habang palapit ng palapit sa kanya ang lalake. “Hi…” bati ni Riley “Ikaw ba si Jeff?” “Yup. Ako nga. Nice to meet you. Riley? Right?” “Yup” sagot ni Riley “Kumain ka na ba?” “Wala pa nga eh, pero busog pa ako” “Ganon ba? Ahmm. Gusto mo ba muna mag-ikot-ikot dito sa mall?” “Sure..” “Are you? Baka mapagod ka ha” “I’m fine. Don’t worry” ngiti ni Jeff na tila kinikilig ito. “Sige tayo na” paanyaya ni Riley habang nakalapat ang kanyang kamay sa likod ni Jeff “Ang cute mo pala sa personal, Jeff” “Salamat. Ikaw din kaya. Para ka ngang artista” pambobola ni Jeff “Ganon? Hindi naman masyado” sagot ni Riley “Uyy…parang gusto niya din na pinupuri siya oh” “Hindi naman. Siguro humble lang ako” “Wehh??” sambit niya habang nakatitig sa kanya si Riley habang nakatawa siya “Ang cute mo pala tumawa, nawawala ang singkit mong mata” “Cute ka diyan. Ikaw kaya ang cute” “Oh sige. Pareho na tayong cute. I love you” “I love you too” sagot naman niya kay Riley habang nalalakad sila sa loob ng mall. “So, tayo na talaga?” “Ha? Kala ko tayo na nung kahapon pa?” “Oo. Pero mas maganda kapag naging tayo kapag nagkita tayo sa personal diba?” pahayag ni Riley “Tulad nito…” “Bakit naman?” “Para mas maging memorable ang unang araw natin na naging tayo” “Hmmm. Kung sa bagay” at inabot ni Riley ang kamay ni Jeff para hawakan ito. “I love you, babe” sabi ulit niya kay Jeff. “I love you more babe” Pagkatapos ng mahabang paglalakad sa mall ay nagdesisyon na ang dalawa na kumain na lang. Luminya sila sa isang sikat na fast-food chain para bumili ng kanilang pananghalian. “Babe, ako na dito” sabi ni Riley “maghanap ka na lang doon sa loob ng bakanteng upuan. Ano ba gusto mo?” “Hmm. Yung fried chicken na lang babe. Yung maanghang ha” “Sige” ngiti ulit ni Riley na parang nagpapakyut sa kanya Gumanti naman ng ngiti si Jeff sa kanya “Bayaran lang kita mamaya kapag tapos na tayo kumain” pahawatig ni Jeff sa kanyang kasama. “Anong bayad? Libre ko ‘to sa iyo noh.” “Pero…” “Haist. Huwag na magreklamo. Okay? Maghanap ka na doon ng bakanteng upuan” utos sa kanya ni Riley “Hmp. Sige. Ikaw ang bahala” “I love you” sabi ng mahinang boses ni Riley at gumanti din si Jeff ng ‘I Love You Too’ na bibig niya lang ang gumagalaw. Naghanap ng bakanteng upuan si Jeff at umupo at hinintay doon si Riley. Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na siya na may dala-dalang tray ng pagkain: Spaghetti at softdrinks para kay Riley at ang order ni Jeff na friend chicken na maanghang at softdrinks. “Let’s eat na babe” paanyaya niya kay Jeff “gutom na ako eh” “Sige. Gutom na din ako eh” “Pero sabi mo kanina na busog ka pa?” “Kanina pa yon. Napagod kasi ako sa kakalakad eh” “Ah okay.” Sabi niya habang tinitignan niya ang detalye ng mukha ni Jeff habang kumakain at napansin naman ito ng isa. “Bakit? Panget ba ako kumain?” “Hindi” sagot niya “Tintignan lang kita kasi ang cute mo talaga” “Ganon? Hindi kaya. Ang pangit ko noh. At ako ang pinaka-pangit sa aming magkakapatid” “Hindi naman siguro. Oo nga pala, ilan ba kayong magkakapatid?” “Apat kami. Ako ang bunso” “Ilan ang lalake at babae?” “One girl and three boys” sagot ni Jeff “Mga chinito at chinita din ba sila katulad mo?” “Yup. May dugo kaming Intsik eh” “Talaga? kaya pala…” “Bakit naman?” “Wala” sagot ni Riley “Mga ilang percent ang dugo niyong Intsik?” “Percent talaga? hmmm. Mga 50%. Tatay ko kasi ang Chinese eh. Pero patay na siya” “Sorry” “Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan” sambit ni Jeff “Kasama siya sa namatay sa plain crash na papunta dito sa Iloilo, 18 years ago” “Diba 18 ka na? so ibig sabihin na hindi mo naabutan ang tatay mo?” “Nope” “Sad naman ‘yon” sabi ni Riley na tila nalungkot sa kwento ni Jeff “Alam mo, babe. Parang pareho pala tayo noh? Hindi ko rin nakilala ang tatay ko eh. Siguro patay na din siya” “Talaga? ang lungkot talaga kapag wala ka nang ama noh? Walang gagabay sa’yo. Naiingit nga ako sa mga classmates ko na may mga ama.” “Don’t be sad, babe. Naiintindihan talaga kita, pero mag-move-on na tayo sa life. Wala na naman tayo magagawa diba?” payo niya kay Jeff “Magpasalamat na lang tayo na binuhay na lang tayo. Iyon ang importante” “Kung sa bagay…” “Tama na nga yan babe. Tapusin na kaya natin itong pagkain” “Sige” sagot ni Riley at pagkatapos nilang kumain ay nagdesisyon muna sila na huwag muna umalis agad sa kanilang inu-upuan. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumayo at umikot sila uli sa loob ng mall. Sa kanilang pag-iikot ay napansin ni Jeff ang na hindi maalis ang mata ni Riley sa kumiskislap na singsing. “Babe? Ang ganda oh” turo ni Riley kay Jeff “Balang araw. Ibibili ko yan para sa atin” “Alam ko na.” dugtong ni Jeff sa usapan nina Alvin at Jacqui. “Hay. Sa wakas. May naisip ka na din” buntong-hininga ni Jacqui “Oh ano na?” “Singsing” “Ha?” tanong ulit niya na tila hindi niya narinig ang unang sabi ni Jeff. “Singsing…” ulit niya “bibili ako ng couple ring. Yun kasi ang pinaka-una na gusto niyang bilhin eh” kuwento ni Jeff “Sabi niya na balang araw, bibili siya ng ring para sa amin pero hanggang ngayon, wala pa din eh. So, ako na lang bibili para sa amin” “Wow. Sweet naman. Mabuti kung naisip mo yan, bes. Sgurado ako na matutuwa si Riley sa regalo mo sa kanya” “Oo naman.” Kaagad silang nagtungo sa bilihan ng singsing upang bumili ng couple ring. Pinalagyan din ito ni Jeff ng kanilang pangalan nilang dalawa ni Riley sa bandang loob ng singsing. “Wow. Bumili ka agad ha” sambit ni Jacqui “Yaman talaga oh” “Yaman? Hindi kaya” “Sus. Magdedeny ka pa ba??” sabat ni Alvin “Ano ba nga naman kung ang Daddy mo ang pinakamayaman na negosyante” “Huy. Hindi noh. Hindi ko ‘to hiningi sa kanya. Sariling pera ko ‘to” pagtatama ni Jeff sa kanila “Pwede ba, huwag niyong isali ang taong yan sa usapan natin” “Sorry na, Jeff. Nagbibiro lang eh” sabay himas ni Alvin sa likod ng kaibigan “Oo na. Okay na. Hindi na ako galit” “Oo pala Jeff, sure ka ba sa sukat ng daliri ni Riley?” “Oo Vin. Pina-check na namin ito nung unang pagkita namin” sagot niya “Wow. Handa pala kayong dalawa ha” sambit ni Jacqui Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD