Dakong alas-siyete ng gabi na nakauwi na ng bahay si Jeff. Nakaupo siya sa kanyang kama habang hawak-hawak ang binili niyang singsing habang tinititigan niya ito ng mabutii. Abot-tenga ang ngiti niya dahil may ibibigay na siya sa kanyang minamahal.
Nilalaro niya ang dalawang singsing gamit ng mga daliri at hinalikan niya ito at nagsabi na ‘I love you, babe’. Sakto din na bumukas ang pintuan ng kwaeto. Nakatayo ang nanay niya na nakatingin sa kanya.
“Anak, ano iyan?” tanong ni Joyce
“Singsing po nay” at biglang pumasok ng kwarto ang nanay, isinara ang pintuan at lumapit sa anak.
“Ibibigay mo ba yan kay Riley?”
“Opo. Ito lang po kasi ang maibibigay ko sa kanya sa lahat ng nagawa niya sa akin”
“Mahal mo talaga si Riley noh?” tanging ngiti lang ang sagot ni Jeff sa sinabi ng kanyang nanay. “sana tumagal kayo anak”
“Sana nga po ‘nay. Siya lang po kasi ang nagmahal sa akin ng ganito kahit na lalake din siya”
“Wala namang pinipili na kasarian ang pagmamahal anak diba? Basta ang importante, nagmamahalan kayo” pahayag ng nanay. Napansin niya na hindi mapakali ang anak dahil panay ang tingin niya sa telepono nito.
“May hinihintay ka ba na tawag, ‘nak?”
“Si Riley po kasi nanay eh. Hindi niya sinasagot ang tawag o text ko” sagot ni Jeff “Ipapaalam ko sa kanya na 4th monthsary na namin bukas”
“Anong oras na ba?”
“Alas-diyes na po nay”
“O.. baka nasa trabaho niya na, nak. Huwag mo na siyang istorbohin. Alam mo naman na nagtatrabaho siya diba? Alam niya naman siguro na mag-aapat na buwan na kayo bukas” hindi nakasagot si Jeff at inilagay na lamang ang telepono sa ilalim ng unan “Matulog ka na anak. Maaga ka pa bukas”
***
Samatala ay nakaupo naman si Riley sa may sofa, nakatitig sa kanyang telepono. Kanina pa kasi tumatawag at nagtetext si Jeff sa kanya pero hindi niya ito sinasagot. Hindi niya kasi kung ano ang gagawin nang nalaman niya na kapatid niya sa ama si Jeff.
“Bakit hindi ka pumasok sa trabaho?” sambit ng taong pumasok ng kanilang bahay.
Tumingin din siya sa taong iyon para malaman kung sino at bumalik muli siya kaagad sa pagkatitig sa telepono “Tinatamad ako” sagot nito
“Bakit??” lapit ni Fred at umupo sa kanyang tabi “May problema ka na naman ba?”
“No. I’m okay”
“Alam ko hindi ka okay” paniniguro niya kay Riley “Tumawag si tita sa akin. Sinabi niya sa akin ang lahat. Ang tungkol sa inyong dalawa na magkapatid kayo”
“So, alam mo naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?” sabay pagkunot ng noo.
“Gusto ko kasi na manggaling sa’yo ang problema mo. Andito ako para sa’yo”
Tumayo si Riley na naiinis sa pangungulet ni Fred “Hindi kita kailangan, okay? So, please. Leave me alone”
“Matapos sa heartbreak mong yan? Iiwan kita? Ayoko.”
“Ano ba ang gusto mo, Fred? Bakit ka andito?!”
“Nandito lang ako para sa’yo. Gusto kita maging okay. Masakit sa akin na nasasaktan ka”
“Well. Salamat sa concern pero makakaalis ka na. I don’t need you”
“Maniwala ka, Riley. Kailangan mo ako. Andito ako para mawala ang problema mo ngayon” sambit ni Fred habang nilalapit niya ang muka kay Riley na tila nilalandi ito “Para maging masaya kang muli. Handa ako na ialay sa’yo ang sarili ko, Riley”
“Sorry. But I’m taken”
“Taken?? Kapatid mo siya diba? Wala naman siguro masama kung may mangyayari sa atin diba?”
Parang nahulog ito sa pang-aakit sa kanya ni Fred dahil nakadama siya ng init sa kanyang katawan habang lumalapit ang labi nito sa kanya. ‘Hindi naman siguro masama kung papatulan ko si Fred. Sa katunayan, tama siya dahil wala naman ako pananagutan kay Jeff dahil magkapatid kami’ sabi ni Riley sa kanyang sarili.Sinunggaban kaagad ni Riley na mainit na halik si Fred at nagtungo sila kaagad sa kanyang kuwarto.
Pagkalipas ng isang oras ay natagpuan nila ang kanilang sarili na nakahiga sa kama at pagod na pagod sa kanilang ginawa.
“Tama ba ‘to?” tanong ni Riley kay Fred.
“Oo naman. Wala ka namang ginawang masama dahil magkapatid kayo.”
“Pero mahal ko si Jeff eh. Mahal na mahal. Ayokong lokohin siya”
“Hindi pa ba panloloko ang ginagawa mo ngayon?”
Napabangon si Riley sa sinabi sa kanya. “Ano?? Ikaw ang umakit sa akin diba??”
“Hindi yan ang ibig kong sabihin” pagtatama naman ni Fred “…kundi yung hindi pa pagsabi ng katotohanan sa kanya”
“Ayoko. Hindi ko sasabihin sa kanya na magkapatid kami, Fred” paninigas ni Riley “Ayaw kong mawala siya sa akin. Natatakot ako kapag nalaman niya, mawawala ang pagmamahal niya sa akin. Ayokong mangyari yon, Fred”
“So, ano ang plano mo?”
***
Kinabukasan sa kanilang 4th Monthsary
Mag-aalas-sais na nang gabi pero hindi pa nadidismiss ang huling klase ni Jeff sa araw na iyon. Samantala ay naghihintay si Riley sa bench at parang naiinip na sa kahihintay sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na din ang klase. Sabik na sabik si Jeff na lumabas sa kanilang silid-aralan at agad niyang pinuntahan si Riley.
“Hello babe. Kamusta ka na?” bati niya kay Riley na walang imik “Okay ka lang babe?”
“Yeah. I’m okay”
“Happy Fourth Monthsary” bati ni Jeff sa kanya at inabot niya ang maliit na pulang kahon at agad naman itong kinuha at binuksan. Bumungad kay Riley ang dalawang umiinggat na singsing na binili ni Jeff kahapon sa mall.
“Ano ‘to?”
“Singsing babe. Bakit? Ayaw mo ba?” sagot ni Jeff “Bumili ako ng singsing kasi iyan ang magiging simbolo natin ng ating Forever. Hehe. Corny lang…”
Hindi makasagot si Riley sa sinabi sa kanya ni Jeff. Naantig ang kanyang puso sa regalo sa kanya ni Jeff “Oo. Alam ko na singsing ito. Diba mahal ito? JEFF NAMAN! Nag-aksaya ka nang pera dahil lang sa walang kwentang bagay?” patuloy pa din ang galit ni Riley at tila sinisigawan niya na si Jeff “Akala ko ba matalino ka sa paghawak ng pera?”
Natahimik lang si Jeff sa mga galit sa kanya. Mali pala ang paniwala niya na magugustuhan ito ni Riley.
“Bumili lang kasi ako para sa Monthsary natin ngayon kasi sabi ni Jacqui– ”
“AYON! ‘sabi ni Jacqui’” ulit niya “Siya ba ang nagdesisyon sa atin? Siya ba ang gumagastos? At kung siya nga, edi kayo na lang! MAGSAMA KAYO!!”
“Bakit ang init ng ulo mo ha? Nung Biyernes ka pa ha. May problema ka ba?”
“Wala akong problema Jeff” sagot ni Riley “Ikaw ang may problema kasi gumagastos ka sa walang kwentang bagay”
“May kwenta naman ‘to ah. Bumili lang naman ako kasi naalala ko noon na gusto mong bilhin sa atin”
“Ganon?! Hindi ka makapaghintay?!” sigaw ni Riley at nakatingin ang mga tao sa kanila “So, pinangungunahan mo ako? Ano na naman ang ibig mong sabihin nito? Na wala akong pera na ipambili ng ganitong kamahal na gamit?” dugtong niya kay Jeff “Ang problema sa’yo…MATAPOBRE KA!!”
Nagulat si Jeff sa sinabi sa kanya ni Riley. Hindi niya ito napghandaan at napa-nganga na lang ito “Ang sakit naman nun. Ano ba ang nagawa ko? Bumili lang naman ako nito para iregalo ko sa’yo…para sa atin. Tapos ako pa ang lumalabas na mali? Ang unfair mo, Riley” kinuha niya ang maliit na kahon na hawak-hawak ni Riley na may lamang singsing “Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Salamat na lang sa paghintay. Uwi na ako”
Naunang umalis si Jeff at naiwan si Riley na nakatayo pa din na mukhang malayo ang tingin. Umiiyak na pala siya at tila naiinis sa kanyang ginawa at sinabi sa kanyang mahal.
‘Sorry babe, kailangan ko ‘tong gawin. Hindi ako ang tao na para sa’yo. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang makakaalam ng katotohanan at hindi ikaw. At mas gugustuhin ko pa na mainis ka sa akin kesa sa mawala ang pagmamahal mo dahil nalaman mo na magkapatid tayo.’ Sabi nito sa sarili. Umupo ulit si Riley sa bench at doon na lang humagolhol sa pag-iyak.
***
Nasaktan talaga si Jeff dahil hindi nakita ni Riley ang ginawa niyang effort. Nakauwi siya sa bahay ng kanyang tatay mga dakong 6:40 na ng gabi.
Nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niya si Jean na nakatayo. Nakakrus ang dalawang braso sa dibdib at natingin sa kanya.
“Oh. Bakit ngayon ka lang??” pagtataray niya kay Jeff “…at saan ka galing?” napansin niya ang namumulang ilong ni Jeff na parang galing sa pag-iyak “Teka, umiyak ka ba?”
“Wala. May sipon lang” sagot ni Jeff
“Talaga? Pero hindi mo ako maloloko. Alam ko na umiyak ka” paniniguro ni Jean “Nag-away naman ba kayo ng babe mo?”
“Wala ka na dun. Okay? Problema na namin yun. Wala kang pakialam”
“Of course. May pakialam ako. Dito kayo nakatira sa pamamahay namin” balik ni Jean “… at kung may mangyari man sa inyo. Pananagutan namin dahil dito kayo ng nanay mo. Kasalanan ko pa kung ano ang mangyari sa’yo dahil sa sakit mo sa puso ngayon. Hindi kita kilala, baka kunin mo ang mga gamit dito sa bahay, ibenta at ibigay ang pera sa lalake mo” patuloy pa din ang pagtatalak niya pero hindi naman ito pinapansin ni Jeff dahil wala siyang gana at masama pa ang kanyang loob sa ginawa sa kanya ni Riley “Alam ko ang galawan ninyong mga bakla. Desperedo kayo sa mga lalake.Hindi mo ba alam na pinapatulan ka lang niya dahil pera lang ang habol niya sa’yo”
Ngumiti na lamang si Jeff sa kabila ng kanyang nararamdaman. “Sorry. Iba si Riley. Hindi siya katulad ng mga naging nobyo mo na pera ang habol sa’yo” At dumerecho kaagad si Jeff sa kanilang silid ng nanay.
Pagpasok ni Jeff sa kuwarto ay nakita niya si Joyce na nagtutupi ng kanilang damit.
“Good evening po, nay” bati ni Jeff sa nanay at sabay nagmano.
“Good evening din, anak” ganti ni Joyce “Kumain ka na ba?”
“Busog pa ako nay. Matutulog na siguro ako”
“Sigurado ka ba na busog ka?”
“Opo nay. Sigurado po”
“Okay ka lang ba anak?” tanong muli ni Joyce sa kanyang anak. Napansin ng ina na mabigat ang mukha ni Jeff at tila umiyak.
“Okay naman po ako nanay. Bakit mo po naitanong?”
“Namumula kasi ang ilong mo Jeff” pansin ni Joyce “Umiyak ka ba kanina?”
“Wala po ‘to” patuloy ang kanyang pagsisinungaling sa nanay “
“Jeffrey… magsabi ka nang totoo. Ano ang problema?”
“Wala nga po, nay. Ayos lang ako”
“Huwag mo akong lokohin. Nanay mo ako. Kilala kita” paalala ni Joyce sa anak “Alam ko ang mukhang yan. Si Riley na naman ba?”
Hindi napigilin ni Jeff at niyakap niya ang ina “Inaway niya po ako nanay eh. Hindi ko siya maiintindihan”
“Bakit? Ano ba ang sinabi niya?”
“Gumagastos daw ako ng walang kwnetang bagay at pinangungunahan ko daw siya”
“Ganuin ba? May point naman siya eh. Tama din naman na gumagastos ka sa hindi tama. Sana pinag-usapan ninyo yan”
“E gusto ko nga siyang sorpresahin nanay. Hindi niya ba na appreciate yun?”
“Na appreciate niya naman siguro pero intindihin mo na lang si Riley, nak. Tama din naman ang point niya”
“Haaaay. Sige nanay. Sa sususnod, hindi ko na gagawin yun. Tatanungin ko muna siya” sambit ni Jeff “Salamat sa payo mo. Napagaan mo ang loob ko” ngiti ni Jeff “Da best ka talaga nanay”
***
Araw ng Huwebes
Tinetext at tinatawagan ni Jeff si Riley nung pagkatapos ng huling klase niya pero hindi pa ito sumasagot ‘Babe naman. Sagutin mo naman ang tawag at text ko oh. Naiistress na ako eh’ sambit niya sa kanyang sarili.
Sa pagkalipas ng isang oras ay nagdesisyon na lamang si Jeff na umuwi na lamang dahil gumagabi na. Sa kanyang pag-uwi ay naalala niya na Huwebes na pala. Ang araw na kung saan uuwi sina Natalie at William galing Manila mula sa mga negosyo nila na nakadestino doon.
Biglang nakabahan si Jeff habang nakasakay pauwi ng bahay dahil baka hindi siya tatanggapin ni William sa isusumbong sa kanya ni Jean.
Habang palapit na siya sa pintuan ay tila nadagdagan ang kanyang kaba sa kanyang dibdib. Inihanda niya ang sarili sa anumang sasabihin ng kanyang ama patungkol sa kanyang kasarian.
Kung hindi man siya tatanggapin ng ama at kung itatakwil siya nito ay okay lang sa kanya dahil sanay naman siya sa mga tao na nakapalibot na makikitid ang mga utak at hindi na rin siya magugulat kung isa ang kanyang ama sa kanila na sikat sa pambabae. Pero kung tatanggapin naman siya ng ama, at kung mangyayari yan, ay pinapangako niya sa kanyang sarili na papatawarin niya ang tatay sa mga kasalanan na nagawa nito sa kanilang pamilya, lalong-lalo na sa kanyang nanay.
Sa kanyang pagpihit ng kawakan ng pintuan, lalo pang nadagdagan ang kaba sa dibdib ni Jeff. Pumasok siya sa loob at nakita niya na nandoon nga ang tatay na si William at si Natalie na kanyang bagong asawa. Naka-upo silang dalawa sa sofa na nakatingin sa kanyang pagpasok. Habang si Jean naman ay nakaupo sa hagdanan na ngumingisi na parang demonyo sa kanya. Pumunta si Jeff patungo kina Natalie at William at nagmano ito.
Itutuloy…