Nanginginig ang buong katawan ni Jeff habang patungo kay William.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni William sa anak na habang nakatingin sa orasan “Gabi na ah”
“May pinuntahan lang po ako” paliwanag niya sa kanyang tatay na kinakabahan.
“Saan? At sino ang kasama mo?”
“Ako lang po” sagot naman niya na parang namumutla na ito “Tumambay lang po ako sa Internet Shop”
“Ah. Ganon ba?” huminga ng malalim ang tatay “umupo ka” utos nito kay Jeff at mas lalo itong kinabahan at namumutla na sa takot.
“Bakit po?” sabi ni Jeff na nangangatog ang mga tuhod habang naka-upo sa tabi ng kanyang ama.
“Jeff. May isinumbong sa akin si Jean kanina” sambit ni William at napa lunok si Jeff. Ito na ang kanyang kinatatakutan. Ano kaya ang magiging reaksyon ng tatay niya? Sumulyap siya sa may hagdanan at nakita niya na nalilisik pa din ang mga mata ng kapatid at tila nagugustuhan nito ang nangyayari sa kanya. “Sabi niya na may ka-relasyon ka daw na lalake. Totoo ba ang sinasabi niya, Jeff?”
‘Jeff lang ang tawag niya sa akin? Walang anak? O ano mang lambing sa kanyang pananalita? Baka galit talaga siya sa akin at sa kasarian ko.’ wika niya sa kanyang sarili.
“Oh… bakit hindi ka makasagot diyan?”
“Op-po” pautal-utal na sagot ni Jeff sa kanyang tatay. Pero ngumiti lang si William sa anak na walang halong galit sa mukha.
“Sino siya?...Gusto ko sana siyang makilala” sambit ni William at nagulat ang anak sa kanyang sinabi. Bakit gusto niyang makilala at makita si Riley?
“Po?” tanging sagot ni Jeff
“Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko– ”
“Opo. Narinig ko, pero bakit gusto mo siyang makilala?”
“Gusto ko lang…Masama ba?” sabi niya na ngumingiti na tila interesado talaga sa ka-relasyon ng anak. “Gusto ko lang makilala ang maswerteng lalake na minamahal ngayon ng anak ko. At sasabihin ko sa kanya na iingatan ka niya at mamahalin ng totoo dahil ayaw na ayaw kitang nakikita na nasasaktan”
Lumiwanag ang mukha ni Jeff sa naging reaksyon ng ama sa kanya. Niyakap na lamang niya ito ng mahigpit at doon na bumagsak ang mga luha. “Salamat po…” tanging sagot ni Jeff dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanyang tatay.
“Hindi ako galit o kontra sa kasarian mo, Jeff” sambit ni William “ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. Sa tingin ko naman ay wala kang inaapakan na tao. Mahal kita anak…”
“Thank you uli, tatay” sabi ni Jeff habang umiiyak at niyakap ang tatay ng mahigpit.
Ginantihan din ng mainit na yakap ni William ang anak na matagal niyang hindi nakita at may galit sa kanya“Ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang anak na nawalay ng ilang taon at lalo na ang masabihan na ‘tatay’ ” napaiyak din sa kaligayahan sa mga sandaling iyon “Okay na sa akin ito anak. Kahit na hindi mo pa napapatawad ang tatay basta naranasan ko na ang init ng yakap mo, anak”
“Salamat sa pagtanggap sa akin, tatay” iyak ni Jeff
“Wala iyon anak. Tanggap kita kasi mahal kita… dahil anak kita” ngumiti si Jeff na tumutulo ang kanyang luha. Sa wakas. Nakahinga na siya ng maluwag na parang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib
“Dad! What’s this?” sigaw ni Jean pababa sa hagdanan
“Anong ‘what’s this’, Jean?”
“ITO. Sa pagtanggap mo sa anak mong BAKLA” pang-iinsulto niya sa kapatid “Diba hindi pwede sa lahi natin ang nasa THIRD s*x?”
“Wala naman akong narinig na bawal ang isang bisexual sa pamilya natin ah” tanggol ni Jeff sa sarili at sumang-ayon naman ang tatay sa sinabi ng anak.
“Shut up!! Hindi ikaw ang kinakausap ko!!” sigaw ni Jean kay Jeff
“Jean! Wag kang bastos. Magbigay ka naman nang respeto sa kuya mo” suway ni Natalie sa malditang anak.
“Mom?? Pati ikaw?? Kinakampihan niyo pa yan?!” panduduro niya sa kapatid “Kuya?? O baka naman ATE. At hinding-hindi ako magbibigay ng respeto sa isang abnormal na tao tulad niya!!” insulto niya uli sa kapatid pero tumahimik lang si Jeff na pinipigilan lang ang galit dahil nandoon ang tatay niya.
“That’s it! Go to your room! At hindi ka lalabas hanggang sa hindi ko sinasabi!” utos ni William sa babaeng anak.
“But Dad…”
“I said go to your room!!”
“Fine! Gusto niyo ‘to?? Pagsisihan ninyo ito na tinanggap niyo siya sa pamilyang ito” pagbabanta ni Jean sa kanyang mga magulang “Tignan lang natin kung ano ang masasabi at magiging reaksyon ni Ama at ni Angkong sa pagtanggap ninyo sa taong yan!” Umalis si Jean na nanlilisik ang mga mata kay Jeff pero ngumiti lang siya sa malditang kapatid “you won this round, Jeff. But I’ll be in the next”
Nagpabuntong-hininga na lamang si William sa anak na babae. Hindi niya akalain na ganun na lamang ang naging reaksyon niya sa nakakatandang kapatid.
“Kausapin mo nga yang anak mo…” utos ni William sa asawa. “Lumalaking bastos na eh”
“Sige. Kakausapin ko mamaya” sagot naman ni Natalie. Humarap siya kay Jeff at napangiti “Oo nga pala, Jeff. Nasaan na siya?”
“Si Riley po?” balik na tanong ni Jeff sa kanya “ewan ko po. Hindi kami nag-uusap na kahit sa text o tawag lang man”
“Oh bakit? Nag-away kayo?”
“Siguro” muling bumalik ang lungkot sa mukha ni Jeff.
“Hay. Okay lang yan anak” dugtong ni William sa usapan “Parte lang yan ng relasyon ang away-bati. Kami nga nung nanay mo noon, ganun din eh”
“Talaga po??”
“Oo anak. Bigyan mo lamang siya ng panahon para lumamig ang ulo. Intindihin mo lang siya”
“Okay po, tay. Salamat po sa payo ninyo”
“Hay. Sayang. Gusto ko na sana siyang makita at makilala”
“Don’t worry, tay. Makikilala mo din si Riley sa lalong madaling panahon” paniniguro niya sa tatay na gumanti naman ng pag-ngiti sa anak.
“Hmmm. Anak? Pwede bang humingi ng pabor?”
“Ano yon tay?”
“Pwede bang manatili pa kayo dito ng nanay mo ng mga ilang araw?” pagmamakaawa ni William sa anak “Gusto ko lang kasi na makasama kita anak eh. Okay lang ba?”
“Sige po… pwede din naman” ngiti ni Jeff sa ama.
“Salamat ulit anak” yakap muli ni William
“Salamat din tatay”
***
Araw na ng Sabado pero hindi pa din sumasagot si Riley sa text at tawag ni Jeff sa kanya. Nag-aalala na talaga siya kung ano na ang nangyari kay Riley bakit hindi siya nagpaparamdam.
Natagpuan ni Joyce ang anak na nakaupo lamang sa gilid ng kanyang kama na nakatulala at nakatitig sa pader.
“Anak…” kibo ni Joyce sa kanya. Tumingin naman si Jeff sa ina pero malungkot pa din ito “Bakit ang lungkot mo?? Ikaw lang yata ang nakilala kong tao na hindi masaya kahit tinanggap na siya ng tatay niya”
“Si Riley po kasi nay. Hindi pa din nagpaparamdam”
“Baka naman busy sa trabaho… o baka may sakit”
“Ewan ko po. Baka naman nagalit siya sa akin”
“Bakit naman siya magagalit sa’yo?”
“Hindi ko po alam eh”
Hindi talaga maalis ang lungkot sa mukha ng kanyang anak. Bigla niya itong hinila patayo at parang may naisip na magandang paraan para maalis ang lungkot ni Jeff.
“Tumayo ka at magbihis. Lalabas tayo”
“Saan nay?”
“Sa mall siyempre. Ipagsha-shopping kita”
“Shopping? May pera ka ba nay?”
“Oo naman. Binigyan ako ng tatay mo ng pera” sabay pakita ng isang bigkis na tig-iisang libong pera “P100,000 ito. Sabi niya kasi ipagsha-shopping daw kita ngayon dahil alam niya na nalulungkot ka daw”
“Ang daming pera nanay. Isauli mo yan. May pera naman ako dito. Hindi ko kailangan yan” pagtanggi ni Jeff sa pera “Baka makita naman yan ng bruhilda kong kapatid. Ano pa ang sasabihin niya”
“Yun nga ang sabi ko, pero nagpumilit ang tatay mo na kunin natin ‘to. Kulang pa daw ‘to sa mga marami niyang pagkukulang sa’yo”
Ngumiti na lang si Jeff at pumayag na umalis silang dalawa. Umalis sila ng bahay dakong alas-onse ng umaga. Umalis din sina Natalie at William patungo sa trabaho habang si Jean naman ay nandoon sa kanyang silid.
Marami ang kanilang pinamili sa mall katulad ng mga grocery items, mga damit, mga sapatos, gadgets at marami pang iba.
Nakauwi sila ng bahay ng mga bandang alas-siyete na ng gabi. Sa pagpasok nila ng bahay ay nakita nila na naka-upo sa sofa si Jean, nanonood ng palabas sa TV. Bigla siyang tumayo at lumakad patungo sa mag-ina.
“Well. Andito na pala ang LEGAL daw na pamilya at ume-epal kay Daddy” sambit ni Jean sa dalawa. “Saan ba kayong nanggaling?”
“Nag mall lang po kami…may binili lang” sagot ni Joyce sa malditang bata
“Talaga? Ang dami ha” sabay tingin sa mga bag na dala-dala nila “Binili niyo yan?”
“Oo naman” sagot ni Jeff
“Kaninong pera?? For sure wala kayong ganong kalaking pera na bilhin ang buong laman ng mall diba?” pagtataray ni Jean sa kanila “So, anong ginawa niyo diyan? Ninakaw n’yo?”
“What’s your point ba, Jean?”
“Wala. Nagtataka lang ako” patuloy pa din ang pagtataray niya kay Jeff “So, sabihin mo nga, saan nanggaling ang perang pinambili ng mga luho ninyo? Kay Daddy?”
“Oo. Sa kanya galing ang pera na pambili ng mga gamit ko. May angal?” sabat ni Jeff
Tumalikod si Jeff sa kanyang kinakausap at dumerecho ang mag-ina sa silid. Pero hindi pa din tapos si Jean “Ang kakapal din ng mga ninyo! Ngayon lang kayo sumulpot sa bahay at sa buhay namin pero ninakaw niyo agad ang pera ni Daddy!!” pagwawala ni Jean.
Uminit ang tenga ni Jeff sa kanyang mga narinig at pinapasok niya kaagad ang kanyang nanay sa kanilang kwarto at hinarap si Jean. Ito na ang kanyang pinaka-hihintay na pagkakataon na patulan ang kapatid. “Ninakaw?? Kung tutuusin pa nga, kayo ng nanay mo ang nagnakaw sa tatay. Ninakaw ninyong dalawa atensyon at pagmamahal na dapat sa amin. So pwede ba Jean, don’t act as if ikaw ang biktima sa pangyayaring ‘to”
“How dare you to insult my mother” sabat ni Jean “PERA namin ang ginamit ninyo at ni katiting na kayamanan ni Daddy, wala kayong karapatan na gamitin”
“Pera ninyo? Wow. at sino naman ang nagsabi?”
“Ako. Kami. Dahil kami ang totoong pamilya ni Daddy..” patuloy pa rin ang kanyang pagsigaw “mga SAMPID lang kayo!!”
Natawa lang si Jeff sa mga pahayag ni Jean. “Oo nga. Tama ka. Kayo nga ang pamilya niya ngayon na kinakasama at inuuwian. At dala din ninyo ang apelyedo ng Tatay pero ito ang tandaan mo, Jean. Kami pa din ang LEGAL na pamilya, ang legal na pamilyang DY, at ni katiting na pera ni Tatay, wala kayong karapatan na galawin o gamitin man lang” tinignan niya si Jean mula ulo hanggang paa “mula sa mga gadgets na ginagamit mo, sa mga damit na sinusuot ninyo, at hanggang sa bahay na ito. Lahat ng nakikita mo dito. AMIN lang. KAYO ang sampid sa pamamahay at sa pamilyang ito. ISAKSAK MO YAN SA UTAK MONG MAKITID!!” sigaw ni Jeff habang dinuduro niya sa ulo si Jean.
Bigla siyang sinampal ng malakas ni Jean at sa sobrang lakas nito ay napatumba si Jeff sa sahig. Tumayo siya agad at ngumiti lang na parang nag-iinis at pumasok na siya sa kanyang silid ng ina.
“Ano?! Matapang ka na dahil tinanggap ka ni Daddy kahit na bakla ka??! Tandaan mo yan, walang matatanggap sa’yo dahil walang lugar ang mga katulad mo dito!!” sigaw nito kay Jeff na nasa loob na ng kanyang kwarto at itinapon niya ang vase sa pintuan ng silid. Tila namumula na siya. May halong galit at takot ang kanyang pakiramdam. Gusto niya nang palayasin sa kanilang pamamahay ang mag-ina.
Bumukas muli ang pintuan at lumabas si Jeff na parang pinipigilan siya ng kanyang nanay na huwag na lang itong patulan pero sinuway niya ito at tuluyan nang lumabas. Papatulan niya na talaga si Jean.
“Anong sabi mo?” tanong ni Jeff na parang hindi niya narinig ang sinigaw ni Jean sa kanya “Paki-ulit nga?”
“Bingi ka lang ba o bobo ka lang talaga? Ang sabi ko…BAKLA KA kasi pumapatol ka sa babae” sigaw niya ulit kay Jeff.
“Bakla pala ha. Ito ang bakla” sabi nito at bigla niyang sinampal si Jean ng malakas. Bumakat ng husto ang kamay niya sa kanan na pisngi ng malditang kapatid “makinig kang mabuti, babae ka” habang pinipisa ni Jeff ng kanyang hinlalaki at hintuturo sa magkabilang pisngi ni Jean na mukhang takot na takot sa mga ginagawa sa kanya ni Jeff “may mga babae na nirerespeto ng mga lalake. Minamahal at pinapakasalan…at meron ding babae na dapat patulan dahil sa kademonyohan ng pag-uugali at sa katabilan ng dila…at ikaw yon!” sambit ni Jeff at patuloy pa din ang pampipisa niya sa pisngi sa kapatid “Matagal na akong nagtitimpi sa kamalditahan mo Jean pero punong-puno na ako sa iyo!”
Hindi makapag-salita si Jean sa nagawa sa kanya at umakyat na lang sa silid na habang umiiyak na parang bata. Samantala si Jeff naman ay pinaupo sa sofa at pinakalma ng kanyang nanay.
Itutuloy…