Saktong natapos ang meeting ko with investor ay lumapit naman sa akin si Anna. “Sir, nasangkot si Doktora Cherry sa gulo sa mall.” Pinakita nito sa akin ang video online. Umalsa ang dugo ko. Hindi ko na tinapos ang video, agad akong lumabas sa function room at mabilis naglakad. Tinawagan ko rin ang aking mga koneksyon, inutusan silang linisin ang kumakalat na video, at kunin ang footage sa mall. Ako na rin mismo ang nagmamaneho, at si Anna naman ay hinihintay ang resulta ng pinapagawa ko. “Sir, natanggap ko na ang footage sa mall,” sabi ni Anna. Saglit ko lang siyang nilingon. Ngayon ay papunta na kami sa presento. Unang kita ko pa lang sa video, alam kong hindi si Cherry ang nagsimula ng kaya ang unang pumasok sa aking utak ay ang pumunta sa presento at i-report ang totoong nangyari.

