“Reynan…” Tinulak niya ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. Akmang lalayo din siya, pero hindi ko siya hinayaan. “Let’s go home!” ma-awtoridad kong sabi at hinila siya, pero bago pa man kami makalabas ng emergency room ay natanaw pa namin si George na mainit ang mga matang nakatingin sa amin. Umangat naman ang sulok ng aking labing tinugon ang mas mainit na tingin sabay ang paghapit sa baywang ni Cherry na nagpatiim sa bagang ni George. Mayabang ko siyang nginitian at nagpatuloy sa paglalakad habang hapit-hapit pa rin ang baywang ni Cherry. “Reynan, bitiwan mo na ako!” sabi niya. Sinusubukan niyang kalasin ang aking kamay, pero matalim na tingin lang ang sagot ko sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. “Dala ko ang aking kotse—” “Si Anna na ang bahala sa kotse mo,”

