Kabanata 30

1155 Words

Naikuyom ko ang aking mga kamay. Paulit-ulit ring nag-play sa aking isip ang salitang may malubhang sakit. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo, wala akong anak!” “Reynan…” “Umalis ka na Grace, bago ko makalimutan na anak ng taong nirerespeto ko.” Agad ko na siyang iniwan matapos magsalita, at hindi na muling lumingon kahit ilang ulit niya akong tinawag. Inaamin kong nakaramdam ako ng awa sa bata. Apat na taon, sinubaybayan ko ang kanyang paglaki. Naging mabuting ama ako sa kanya, kaya lang, ayaw ko nang makialam sa kanila ng nanay niya. Kung totoong may sakit siya, kasama naman niya ang tunay niyang mga magulang. May mag-aalaga sa kanya. Sila ang may obligasyon sa kanya. Paulit-ulit kong nahagod ang aking buhok. Hindi rin ako mapirme. Kanina pa ako nagpalakad-lakad sa living area.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD