Pagkagising ni David, agad niyang napansin na maayos na ang mga damit na isusuot niya para sa trabaho. Nakatupi ang mga iyon at nakapatong sa upuan sa tabi ng kama. May maliit na note rin na nakalagay sa ibabaw ng mesa.
“Ready na ang breakfast mo.”
Napangiti siya ng bahagya. Mukhang maaasahan talaga ang babae—daig pa ang isang katulong. Hindi niya inaasahan na ganun kaayos at kasinop ang lahat sa loob ng bahay.
Samantala, nasa garden si Alice. Pagkatapos niyang ihanda ang lahat ng kailangan ni David, lumabas siya ng bahay upang mag-jogging saglit. Kailangan din niyang magpalipas ng oras sa labas upang maging kalmado ang isip niya.
Matapos ang maikling pagtakbo, dumiretso siya sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin. Maingat niyang binubuhusan ng tubig ang bawat paso habang hawak ang kanyang cellphone. Paminsan-minsan ay sinisilip niya ang screen, umaasang baka tumawag si Olivia anumang oras.
“Kuya—”
Napatalon si Alice sa gulat. “Nagulat po ako sa inyo!”
“Naku, pasensya na ma’am,” mahinahong sabi ng hardinero. “Kanina ko pa po kayo tinatawag, tila malalim ang iniisip. Umapaw na ang tubig sa hardin.”
“Naku, sorry po kuya. Hindi ko po sinasadya,” nahihiyang wika ni Alice agad na pinatay ng hardinero ang gripo ng tubig.
“Wala po yon maam, ,” nakangiting sagot nito. “Hindi mo na kailangang magdilig. Ako na ang bahala, naka-duty talaga ako rito.”
“Sige po, kuya. Pasensya na po ulit,” mahinang sabi ni Alice.
Tumalikod siya at pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad, napatingin siya sa orasan. Gising na kaya ang lalaki? Bulong niya sa sarili habang papasok sa loob ng bahay.
“Where have you been?” tanong ni David, bahagyang nakakunot ang noo.
“Sa labas po. Nag-jogging lang,” sagot ni Alice. “May kailangan pa po ba kayo? Kumain na po ba kayo?” Sunod-sunod na Tanong ni Alice na bahagyang kinakabahan sa mga titig ng lalaki. Hindi niya mawari kung galit ba or normal face lang ito. Pero kinakabahan siya dahil anumang oras papakulong siya nito kapag Hindi pa nagpakita si Olivia. Saan na nga ba si Olivia ngayon? Frustrated na saad ng isip ni Alice.
“Hindi na. Binaon ko na lang ang pagkain. Kakain ako sa opisina,” sabi nito. “May meeting ako ngayong umaga.”
Tumango si Alicia. “Sige po.”
“Anyway,” dugtong ni David, “magbihis ka nang maayos, mamayang alas-singko ng hapon. Ipapasundo kita sa driver. May pupuntahan tayo.”
“O-okay po,” sagot ni Alice na bahagyang nagulat.
Tahimik siyang nanatili sa kinatatayuan habang papalabas na si David. Sa loob ng dibdib niya, may halong kaba at tanong. Saan kaya sila pupunta mamaya? At bakit kailangan niyang magbihis nang maayos?
_____
Sa Party
Mabuti na lang at maayos ang napili niyang suot. Ngayon nasa party si Alice, pilit niyang pinakalma ang sarili. Dito siya hinatid ng driver, gaya ng bilin ng lalaki.
May alam naman siya tungkol sa mga party ng mayayaman dahil minsan ay sinasama siya ni Olivia. Sanay na siya sa mga magagarang ilaw, mamahaling damit, at mga ngiting may halong paghusga. Pero iba ang pakiramdam niya ngayon.
Sa gitna ng maraming tao, pakiramdam ni Alice ay wala siya sa tamang lugar. Wala siyang kakilala, at hindi rin niya alam kung nasaan ang lalaking kasama niya dapat. Tahimik siyang nakatayo sa isang gilid, hawak ang maliit na bag, habang palihim na nagmamasid sa paligid.
Sa loob-loob niya, sana hindi na lang siya pinapunta rito ng lalaki. Mas lalo lang siyang kinakabahan, at pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa mundong ito.
“The impostor is here,” malamig na sabi ng babae. “Ano ang pakiramdam ng kinatatayuan mo ngayon? Dapat si Olivia ang narito.”
Napatigil si Alice. “Kayo po pala… tita.”
“Huwag mo akong tawaging tita,” mataray nitong sagot. “Hindi kita kamag-anak.”
“Enough, Carlisle,” saway ng daddy ni Olivia.. “Huwag dito. Baka makalikha kayo ng iskandalo.”
Halatang naiinis si Carlisle. Matalim ang tingin niya kay Alice. “Bwisit talaga ako sa babaeng ’yan. Bakit ka pumunta rito? Hindi ka naman bagay sa party na ito,” pangmamaliit niya. “Isa ka lang hampaslupa.”
Napayuko si Alice, pilit nilulunok ang sakit ng mga salitang narinig.
“Mag-enjoy ka lang habang wala pa si Olivia.”may mapanuyang ngiti ng ginang.
Tahimik na nanatili si Alice sa kinatatayuan. Sa kabila ng hiya at sakit, pinilit niyang tumayo ng tuwid. Ayaw niyang ipakita na naapektuhan siya, kahit pakiramdam niya ay gusto na niyang umalis sa lugar na iyon.
“Huwag po kayong mag-alala, Mrs. Ledesa,” mahinahong sabi ni Alice. “Wala po akong balak na agawin ang anumang meron si Olivia. Tama po kayo, sa kanya dapat ang kinatatayuan ko ngayon. Mas pipiliin ko pa rin po ang dati kong buhay.”
“Come on, huwag kang magpanggap na ayaw mo ng lahat ng ito, dahil ang totoo gustong-gusto mo, kaya Hindi na ako magtataka, once mapatunayan kong ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Olivia, magtago kana sa abot ng makakaya mo, dahil kahit saan ka pupunta hahanapin kita at Habang buhay kang hihimas ng rehas na bakal ,” malamig na tugon ni Mrs. Ledesma. “Sa tingin mo ba maniniwala ako sa’yo? Alam kong naiinggit ka kay Olivia.”
“But—”
Naputol ang sasabihin sana ni Alice.
“Good evening, tita,” bati ng isang lalaki na biglang sumulpot sa tabi nila.
Napalingon si Alice sa lalaki, nakahinga siya ng maluwag dahil nabawasan ang tensyon sa pagitan nila ng ginang.
“Good evening sa’yo, iho Wilbert,” sabi ng ginang. Mula sa kanina’y galit, biglang naging malambing ang kanyang boses. “Nakita mo ba si David?”
“doon po siya, tita,” sagot ni Wilbert habang itinuturo ang isang direksyon.
“Salamat, iho. May pag-uusapan lang kami,” wika ni Mrs. Ledesa.
“Sure po,” magalang na tugon ni Wilbert.
Tahimik na umalis ang ginang, iniwan si Alice na nakatayo sa isang lugar. Habang papalayo ito, muling bumigat ang pakiramdam ni Alice, ngunit pinilit niyang huminga ng malalim at patatagin ang sarili.
“Hi, I’m Wilbert,” magalang na sabi ng lalaki. “Kaibigan ako ni David. Okay ka lang ba?”
“Bakit mo naman naitanong ’yan?” tanong ni Alice na bahagyang nagulat.
“Alam kong hindi ka komportable sa paraan ng pakikitungo ni tita sa’yo,” mahinahong sagot ni Wilbert.
“Paano mo naman nalaman ’yan? Ngayon lang naman tayo nagkita,” pagtataka ni Alice.
“Sinabi sa akin ni David ang lahat,” paliwanag ni Wilbert. “Huwag kang mag-alala. Relax kalang . Close friend ko si David, kaya safe ka.”
Bahagyang napahinga si Alice. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa sa gitna ng magarbong party.
“lahat sila, sinisisi ako sa nangyari,” mahina niyang sabi.
“Halika, umupo muna tayo,” alok ni Wilbert. “Mukhang kanina ka pa nakatayo. Pasensya na kung hindi ka agad napuntahan ng kaibigan ko. Busy siya kausap ang mga business partners niya.”
“Okay lang,” sagot ni Alicia. “Naiintindihan ko. Salamat na rin at nandito ka,” nakangiti niyang wika. Kahit papaano, may isang taong mabait sa kanya ngayong gabi.
“Kung may kailangan ka, sabihin mo lang,” dagdag ni Wilbert. “Dito muna ako habang wala pa si David para hindi ka mainip.”
“Hindi na, salamat,” sagot ni Alice. “Pwede ka nang umalis. Baka naabala pa kita. Ayos lang ako.”
“Ayos lang din,” sagot ni Wilbert. “Tapos na rin naman ako makipag-usap sa mga ka-meeting ko.”
“Okay, kung ganoon,” tugon ni Alice. “Bahala ka.”
Umupo silang dalawa, at kahit tahimik lang ang sandali, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Alicia. Sa gitna ng magarbong party, may isang taong handang makinig sa kanya.
“Iho, ang sama ng loob ko kay Alice,” pag susumbong ng ginang na halatang naiinis.
“Ano po ang nangyari, tita?” tanong ni David na concerned.
“Pinuntahan ko siya kanina, pero hindi niya ako sinagot ng maayos. Oo, naiinis ako sa kanya dahil sa pagkawala ni Olivia. Hindi ko mapigilan maging emosyonal—ina ako na nag-aalala sa anak ko. Mukhang iba ang ugali ng asawa mo ngayon. Sana bumalik na si Olivia. Miss na miss ko na siya. Tuluyan lang akong maging masaya kapag magkasama kayo bilang pamilya,” wika ng ginang na may kasamang Malungkot na mukha.
“Huwag kang mag-alala, tita. Kakausapin ko siya,” mahinahon na tugon ni David.
“Salamat, iho,” sagot ng ginang na bahagyang napangiti.
Habang nagsasalita ang ginang sa harap ni David, hinanap ng kanyang mga mata sa paligid ang babae. Natanaw niya sa di kalayuan kasama nito ang dalawang kaibigan.
Inutusan niya si Wilbert kanina na samahan si Alice upang Hindi mainip habang kausap niya ang mga business partner nito.
“Ang loko mo, Daniel,” natatawa na sabi ni Alice. Kanina pa siya panay hugot, tipong galawan ng mga babaero. Hindi naman bastos ang lalaki kaya nalibang siya. Sa totoo lang, ngayon lang siya naka-encounter ng lalaking palabiro at komportable siyang makipagkuwentuhan.
“Huwag mong patulan yan, Alice,” sabi ni Wilbert, seryoso ngunit may bahagyang ngiti.
“Bro, andito ka na pala,” biro ni Daniel. “Pasalamat ka sa amin, nilibang namin ang asawa mo habang wala ka.”
“Thanks, guys. Please excuse us,” sabi ni David habang hinawakan ang kamay ni Alice at sabay silang naglakad patungo sa isang sulok kung saan kaunti lang ang tao.
“Anong ginagawa natin dito? Uuwi na ba tayo?” Gulat na tanong ni Alice habang palinga-linga sa paligid. Binitiwan ng lalaki ang kamay nito ng makarating sila sa isang sulok na sila lamang ang tao doon.
“Anong ginawa mo kay tita?” tanong ni David na kakitaan seryoso ang mukha.
“Anong ibig mong sabihin?” Kinakabahan na sagot ni Alice
“Huwag mong ibalik sa akin ang tanong ko,” wika ni David. “Tita, feel bad, kasi hindi mo daw siya kinausap ng maayos kanina. Is that true?”
“Hindi ‘yan totoo. Maayos ko naman siyang sinagot,” sabi ni Alice sa kalmadong tinig, kahit halata ang pagpipigil sa kanyang boses. Gusto na niyang sumagot ng pabalang, ngunit naisip niya—wala rin namang silbi iyon.
“Ayusin mo ang pakikitungo sa kanya kung ayaw mong sa kulungan ang bagsak mo. Baka nakakalimutan mo, hindi pa tapos ang issue,” babala ni David.
“Again… bakit hindi mo na lang ako ipakulong ng matapos ang problemang ito? Total, kung makukulong ako baka sa kulungan ako magkakaroon ng peace of mind. Wala akong maririnig na pang-aalipusta galing sa inyo,” sagot ni Alice sa matapang ng boses.
“David, pre, hinahanap ka ng ka-meeting mo,” paalala ni Wilbert.
“Fine. Ikaw muna ang bahala sa kanya,” sagot ni David, at umalis.
Hindi napigilan ni Alice ang luha.
“Hey, why are you crying? Are you okay?” tanong ni Wilbert na concerned.
“I’m Fine, Wilbert. Aalis na ako. Pakisabi sa kaibigan mo nauna na ako,” sagot ni Alice na pinipilit ngumiti.
“Wait, saan ka pupunta?” tanong ni Wilbert.
“Sa kulungan,” biro ni Alice, sabay tawa.
“What…?” gulat ni Wilbert.
“I’m just kidding. Kahit saan, gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin. I feel suffocated here,” paliwanag ni Alice, halatang kinakapos ng hangin ang dibdib.
“Let’s go. Sasamahan kita,” alok ni Wilbert.
“Huwag na, maabala pa kita,” sabi ni Alice.
“No, I will come with you. Baka mapaano ka kapag hinayaan kitang umalis, saka malalagot ako kay David,” sagot ni Wilbert.
“Hindi iyon… Gusto niyang makulong ako”
“Of course not. Hindi magagawa iyon ng kaibigan ko. Hindi siya ganoon kasama para ipakulong ka without the full evidence,” paliwanag ni Wilbert na kalmado.
“May lead na rin sa kinaroroonan ni Olivia, if ever interested ka,” dagdag niya.
“Of course, I’m very interested. She’s my best friend at nag-aalala ako sa kanya. Saan? Please tell me, I need to know,” nagmamadali at nag-aalalang wika ni Alice.
“She’s out of the country, pero hindi pa matukoy kung saang bansa. Palipat-lipat siya ng destination kaya hindi matukoy ng private investigator,” paliwanag ni Wilbert.
Nanlumo si Alice. All this time, nasa ibang bansa pala ang kaibigan niya at hindi man lang tumawag sa kanya.
“In this issue, naniniwala akong wala kang kasalanan. Isa ka lamang biktima,” wika ni Wilbert.
“Paano mo nasabi ’yan, samantalang lahat sila ako ang sinisisi?” pagtataka ni Alice.
“Basta… that’s what I feel. Kahit hindi kita kilala, alam kong mabuti kang tao,” paliwanag ni Wilbert, tapat ang tingin.
“Salamat, Wilbert. Pinagaan mo ang damdamin ko,” nakangiting wika ni Alice.
“It’s not a big deal. Basta, kung kailangan mo ng tulong o may taong makakausap, nandito lang ako,” sagot ni Wilbert.
“Segi, ba. Hindi ko kakalimutan,” natatawa na sabi ni Alice.