Resort
Almost 1 week. Sa isang linggong lumipas puro assignments at pag p-practice sa ASH ang ginawa namin. Nababaliw na ako sa totoo lang.
Sobrang sakit kaya sa katawan at the same time pati sa utak ko! Sa loob ng isang linggo rin ay walang naging progress sa pag kamata ni Aeris.
Minsan tuwing gabi ay sumasama ako kay Selene palabas upang tulungan siya sa pag hahanap sa taong hinahanap niya kahit hindi ko alam kung sino ba. I don't have any idea.
Palagi kaming nag a-akyat palasyo sa tirahan nila Aeris, mga dalawang beses namin yun ginawa sa loob ng isang linggo para maka kuha ng kahit ano, pero wala kaming makita na makakapag-sasabi na hindi si Selene ang pumatay.
"Mahal na Hera, hinahanap na po kayo ni prinsipe Lawson." ani ng kasambahay sa akin.
"Maya-maya na lang ako baba," sambit ko. Itinaklob ko ang kumot sa akin mukha, naramdaman ko ang pag-labas niya.
Sobrang sakit talaga ng katawan ko!
"Euphie! Papasok pa tayo. Gumising ka na jan." sigaw ni Selene.
"Pwede bang hindi muna pumasok? Tinatamad ako!" sigaw ko pabalik sa kanya. Naramdaman ko ang pag upo niya sa aking kama at pag-alis niya ng aking kumot.
Nagulat ako ng makitang hindi iyon si Selene. Mabilis nitong inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako sa noo.
He smiled to me.
"Magandang umaga sa aking binibini," aniya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at dahan-dahang itinaas ang kumit upang matakpan muli ang aking mukha.
Pucha! Ang aga naman akong pakiligin nito!
"Umalis ka nga jan," sambit ko. Mahina siyang tumawa at muling ibinaba ang kumot upang makita niya ako. Inirapan ko siya at iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Alis na jan babangon na ako,"
"Arte ha, gusto mo pa talaga ng halik para gumising ka?" napatingin ako sa pintuan at nakita si Selene na nasa pintuan habang nakataas ang kilay sa akin. Napanguso ako.
"Babangon naman na talaga ako!" sambit ko at mabilis na bumaba ng kama at nagtungo sa banyo.
Narinig ko pa ang tawa ni Selene at ang pag u-usap nilang mag kapatid tungkol sa akin.
Ewan ko ba jan sa dalawang yan. Minsan mag kasundo, madalas hindi.
Natapos akong maligo at mag ayos ng sarili, sobrang sakit talaga ng katawan ko pero kailangan ko makipag participate lalo na sa ASH.
Pumasok sa loob ng kwarto ang kasambahay, inabot niya sa akin ang uniporme at ang pinakuha kong palamuti sa buhok.
Nang makuntento na ako sa aking sarili ay humarap ako sa kasamabahay na nakatayo sa may pintuan.
"Okay ba, Denise?" tanong ko sa kanya. Ipinakilala siya sa akin ni Selene, bilang magiging personal na kasama ko. Personal assistant ganon?
Noong una sabi ko ay huwag na pero ipinilit pa rin ni Selene. Halos ka edadan ko lang itong si Denise as in bagong pasok lang siya dito sa palasyo.
Hindi ko nga alam kung paano naging katulong ang gaya niya gayong sobrang ganda niya!
"Napakaganda niyo na po, Mahal na Hera," aniya.
"Naku, bolera. Mas maganda ka nga sa akin!" sambit ko na agad niyang inilingan.
"Hindi ho Mahal na Hera," aniya. Bigla ko tuloy naalala si Denim. Ano na kayang nangyari sa kanya?
"Paayos na lang ng gamit ko, ma huhuli na kami sa klase kaya hindi ko na maayos, pasensya ka na ha." sambit ko.
"Kasama ho ito aa trabaho ko Mahal na Hera, mag i-ingat po kayo," sambit niya. I smiled to her at lumabas ng palasyo. Hindi ko na na abutan pa sila sa ibaba. Kaya naman lumabas na ako ng palasyo at nakitang nasa kalesa na si Lawson na nag hihintay sa akin, mukhang hindi na ako nahintay pa ni Selene at nauna na siya sa paaralan.
"Si Selene? Nauna na?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.
Sumakay ako ng kalesa at sumunod din siya sa pag-sakay. Nag umpisa ng umandar ang kalesa nakatingin lamang ako sa dinaraanan.
"Masakit ba ang katawan mo?" tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Sunod sunod kasi ang naging ensayo natin, hindi ako sanay." sagot ko. Hindi siya umimik kaya muli na lang akong tumingin sa labas ng mapansing ibang daan ang tinatahak namin.
"Saan tayo pupunta? Hindi 'to ang daan papuntang Silverymoon diba?" tanong ko sa kanya.
"Mamamasyal tayo," aniya.
"Ha?" tanong ko sa kanya. He just smiled and pat my head.
Nakarating kami sa hindi ko alam na lugar pero para itong isang resort sa mundo ko.
"Tara sa loob?" he put his hand on my waist. Nakaramdam ako ng kakaibang elektrisidad sa pag lapat ng kanyang kamay sa aking bewan.
Napatingin ako sa kanya habang nag lalakad kami papasok at siya ay deretsyo lamang ang tingin.
Napaka gwapo niya talaga.
May lumapit sa aming babae. Nag usap silang dalawa ni Lawson at ini-abot sa amin ang isang papel na sa tingin ko ay room number?
Ini- abot niya sa akin ang susi at tinignan ko ang susing hawak.
"Tig isa tayo ng kwarto?" sambit ko at medyo may tunog dismayado sa boses ko.
Kinagat ko ang ibabang labi. Napaka tanga naman Euphie. Malamang magka bukod kayo!
"Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko no! Mabuti na lang talaga at mag-kabukod tayo ng kwarto!" singhal ko at nag lakad papuntang dagat na nasa likuran.
Pag karating ko ay halos malaglag ang panga ko sa ganda ng dagat!
Mga mare! Ang ganda ng dagat sobra! Napakalinaw ng tubig at maraming mga puno. May mga bahay kubo rin na sa tingin ko ay cottage.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya. Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
"Grabe, ang ganda." sambit ko at itinaas ang aking kamay para mas malasap ko ang simoy ng hangin.
"Paano tayo makakaligo? Wala akong dalang damit?" tanong ko sa kanya.
"Binilhan na kita," aniya. Tumaas ang kilay ko.
"Ha?"
"Hmm," sagot niya.
"Pati?"
"Pati?"
Napailing ako. Paano ko ba sasabihin kung binilhan niya rin ba ako ng underware?!
"Yung ano..." sambit ko at napahawak sa batok ko.
"Yung?"
"Hayst! Underware! Yung damit panloob?" sigaw ko dahil sa frustration.
Napatingin sa amin ang mangi-ilan ilan na tao. Napakagat ako sa aking labi. He look at me. Medyo kinabahan ako sa tingin niya.
"Binilhan kita," sagot niya. At hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.
"Maliit na sukat na damit panloob," ani niya using his sexy voice. Fvck!
"H-ha?..."
"Maliit na sukat lamang ang iyong panloob hindi ba?"
"Ano bang sinasabi mo jan?" sambit ko at mahina siyang itinulak.
I heard him laughed. Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya.
Pa'no kaya nito nalaman ang sukat ng underware ko?
"Kain muna tayo, bago lumangoy sa dagat?" tanong niya sa akin. I nodded at sabay kaming lumabas upang pumunta sa restaurant, o kainan na nandito sa resort.
Ang bongga ng resort na 'to. Sa tingin ko ay mahal ang resort na 'to.
Pag pasok namin sa loob ng isang restaurant ay muli akong namangha sa ganda pati narin sa ambiance.
May lumapit sa aming babae. Ngumiti siya kay Lawson at hindi siya ngumiti sa akin.
Wow ha?
"Dito po ang pinareserba ninyong lamesa," sambit ng babae. Hinapit ni Lawson ang bewan ko papakapit sa kanya. Napatingin doon ang babaeng waitress. Tumingin sa akin ang babae kaya malambing akong ngumiti sa kanya at sumunod kay Lawson papunta sa table na inipareserba niya para sa amin.
Nag tingin si Lawson sa isang papel ng mga mabibiling pagkain.
"May gusto ka ba?" tanong niya.
"Meron," sambit ko at ngumiti.
"Ano 'yon?" tanong niya.
"Ikaw."
Napatikhik siya kaya mahina akong natawa dahil ngayon ay hindi na siya makatingin ng tuwid sa akin.
"Ikaw na ang pumili ng bibilhin, kahit ano." sambit ko sa kanya. He nodded at nag sabi sa babaeng waitress ng order niya.
Umalis ang waitress at ngayon ay hinuhuli ko ang tingin ni Lawson. I was smiling while teasing him. Ang gwapo na nga niya tas ang cute pa niya ngayon.
"Bakit ka namumula?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman."
"Sus! Namumula ka oh!" sambit ko. "Kinikilig ka?" dugtong ko pa at tumawa.
"Kinikilig?"
"Oo, kinikilig ka nga?" tanong ko sa kanya ulit.
"Hindi," sagot niya at uminom ng tubig. Nakita ko ang pag taas baba ng adams apple niya while drinking water. Grabe. Pati pag inom ng tubig, gwapo pa rin?
"Talaga? Hindi nga?"
"Oo hindi nga," sagot niya. Tumayo ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Kitang kita ko ang pag hinto niya at mas lalong namula.
"Ngayon... Kinikilig ka na ba?" tanong ko sa kanya. Napahawak siya sa batok niya at mahinang hinaplos ang kanyang batok. Umiwas siya ng tingin sa akin at nag salita.
"Oo na. Kinikilig na," aniya. I laughed.
"Yiee, ikaw ha!" sambit ko at humaglpak sa tawa dahil ramdam kong hiyang-hiya na siya.
Inayos ko ang buhok ko ng maramdamang nahuhulog na ang palamuti sa akung buhok. Inalis ko muna yun saglit at ginamit ang kamay ko upang masuklayan ang aking buhok kahit papaano.
Maya-maya pa ay dumating na ang in-order ni Lawson. Ang dami niyang binili! At lahat mukhang masasarap. Bigla akong nakaramdam ng gutom kasi pati ang amoy ulam na!
"Ang dami mo namang binili, tayong dalawa lang naman kakain," sambit ko.
"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya binili ko yung mga posibleng magugustuhan mo," aniya.
"Hmm," sambit ko.
"Anong gusto mong tikman?"
"Ikaw," sambit ko at napahinto siya kaya malakas akong tumawa.
"Biro lang, ito na lang muna." sambit ko at itinuro ang isang putahe. Napailing siya at kinuha iyon at inilagay sa plato ko.
"Salamat, Lawson." sambit ko at ngumiti. Nag lagay narin siya sa plato niya. Kung ano ang nilagay niya sa plato ko ay iyon din ang inilagay niya sakanya.
Tinikman ko ang putaheng iyon na iniluto sa baboy.
"Hmm, ang sarap." sambit ko at nag patuloy sa pag-kain. Alam niyo naman. Mahilig ako sa pag-kain pero hindi ako nataba. Ewan ko ba.
Nang maubos ko ang nasa plato ay ako na ang kusang kumuha pa ng ibang putahe, halos hindi ko nga alam kung anong uunahin ko sa dami pero gusto kong ma-make sure na lahat matitikman ko.
"Grabe, ang sarap nito." sambit ko at napatingin kay Lawson ng nakatitig lamang siya sa akin.
"Tapos ka na kumain? Kain ka pa," sambit ko. Umiling siya.
"Tapos na ako kumain, sige lang kumain ka lang." aniya.
"Pasensya ka na ha, ang sarap kasi nito. Pero mas masarap ka." sambit ko at kinindatan siya.
Muli akong nag patuloy sa pagkain. Hindi ko na nakita reaction niya sa sinabi ko pero hindi siya umimik.
Naging busy ako sa pagkain. Naramdaman ko lang na nabusog ako noong uminom ako ng tubig kaya naman huminto na ako sa pag-kain.
"Bat ganyan ka makatingin?" tanong ko sakanya.
"Nakakatuwa kang panoorin habang kumakain," sagot niya sa tanong ko.
"Eh? Nagutom lang siguro ako. Lalangoy na ba tayo?" tanong ko sa kanya.
"Kapag hindi ka na busog," sagot niya. Nag kibit-balikat ako.
"Pwede bang mag palit muna ako ng damit?" tanong ko sa kanya. He nodded at tumayo. Sumunod ako sa kanya at lumabas na kami ng restaurant.
Nag punta kami sa kwarto. Binuksan ko ang kwarto na para sa akin at pumasok sa loob. Dahil nga mag ka-bukod kami ng kwarto ay pumasok siya sa kanyang kwarto. Okay lang naman, magkatabi lang naman ang kwarto naming dalawa.
Binuksan ko ang kabinet at nakita kong may mga kaunting damit doon ay may mga underware, kinuha ko 'yon at nakitang tamang tama ang sukat sa akin pati ang mga damit ay tamang-tama ang sukat.
Edi wow. Siya na!
Nag palit ako ng damit. Nang makapag palit ako ay lumabas ako at nakitang nasa labas si Lawson. Nag palit rin siya ng damit, bumagay lalo sa kanya ang damit na suot niya ngayon.
Fck! I want to kiss him.
Kaso ang clingy ko naman masyado. Bat ba kasi ang attractive niya?
"Uh, tara na ba?" tanong ko sa kanya. He nodded. Ang hold my waist.
"Ang ganda mo, palagi."