Dalawampu't tatlo: Aeris death

1361 Words
Aeris death Balik normal ang lahat. Ngayon ay nasa eskwelahan kami at muling nakikinig sa mga aralin at sa mga dapat naming matutunan. Walang napasok sa isip ko ngayon. Nakatulala lamang ako sa gurong nag tuturo. Sana naman ay hindi niya mahalatang hindi ako nakikinig, dahil kung sa kaling mahalata niya ay wala akong maisasagot sa tanong niya. Napaka swerte ko, dahil natapos ang klase namin kay ma'am Farah ay hindi niya ako natawag. Napatingin ako ng matumba ang upuan ni Lia, mabilis siyang lumabas at hinayaan ang upuan na nakatumba sa baba. Tumingin ako kay Selene. Obvious naman kasi, na kaya ganoon si Lia dahil kay Selene. "Labas lang din kami ni Heidie," sambit ni Gwen at sumunod silang dalawa kay Lia. Lumapit ako kay Selene. She remained silent. "Tara sa kantina?" aya ko sa kanya. She looked at me and nodded. Inayos niya ang gamit niya at tumayo. Isinukbit ko ang aking kamay sa kanyang braso at nag salita. "Ang hirap ng subject natin kay Ma'am Farah, hindi ko talaga maintindihan," sambit ko. "Hindi ka naman kasi nakikinig kanina, ang layo ng nararating ng isip mo," sagot niya. "Kita mo yun?" natatawang sambit ko. "Halatang halata ka Euphie," sambit niya. I laughed hanggang sa makarating kami sa kantina. Nahagio ng mata ko si Heidie, Gwen at Lia sa isang table, saglit silang napatingin sa amin at nag iwas rin ng tingin. As I expected na mabubuwag ang pagkakaibigan na meron sila. Sabay kaming nag order ni Selene ng pag kain sa kantina, naglakad kami sa pwesto na madalas naming upuan, halos lahat ng studyante alam na nilang dito madalas umupo si Selene kasama sina Lia kaya't wala ng nag tatangka pang umupo sa pwestong ito. Inilapag ko ang biniling pag kain. Nag umpisa kaming kumain ni Selene, minsan minsan ay napapatingin ako sa kanya dahil kanina ko pa gusto mag tanong, gusto ko marinig ang panig niya at malaman ang katotohanan galing sa kanya, dahil pakiramdam ko hindi iyon magagawa ni Selene. She's bad and heartless outside, pero mabait siya. "Gusto mo bang malaman kung ako nga ang pumatay kay Aeris?" tanong niya. Napatango ako sa kanya. "Hindi ko siya pinatay, Euphie. Oo galit ako sa kanya. Galit ako sa kanya dahil itinago niya sa akin ang totoo na matagal na siyang may gusto sa kasintahan ko, nagkaroon sila ng pataging relasyon. Itinago nila iyon sa akin, lalo na si Aeris. Akala ko mag kaibigan kami pero ito ang ginawa niya sa akin. Pinahirapan ko siya, tuwing mag kakasama kami lagi ko siyang ginagawang katulong ko. Hindi siya nag rereklamo dahil alam niyang may sala siya sa akin. Pero hindi ko siya magagawang patayin, may ibang pumatay sa kanya Euphie." paliwanag niya. "Hindi ko alam kung sino ang pumatay sa kanya, hangga't nasa akin parin ang atensyon nila, tuluyan ng makakatakas ang totoong pumatay sa kanya," ani ni Selene. "Nag i-imbestiga rin ako ng patago Euphie," dugtong pa niya. Nakatitig lamang ako aa mata niya the whole time she's speaking. Kita ko sa mga mata niya na totoo lahat ang sinasabi niya. Alam ko na hindi talaga siya masamang tao. Masungit at palaban si Selene, she can kill. But she won't kill people dahil lang sa mababaw na dahilan. Alam ko ay nasa batas din nila na tuwing may digmaan o may kusang umatake at mag s-self defense ka sa iyong sarili ay hindi nila pinaparusahan ang mga taong napatay mo. "Naniniwala ako sa'yo Selene," sambit ko. She hold my hand. "Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin, pero salamat at naniniwala ka," sambit niya at ngumiti. Natapos ang pag kain naming dalawa at bumalik na kami sa classroom upang ipag patuloy ang pag a-aral. After ng klase namin ay may meeting sa club ng ASH para mag ensayo, last na meeting kasi namin ay dapat next week, kaso na moved dahil sa dami ng pangyayari nitong nakaraang linggo. Sir Ronald is our teacher now, maayos akong nakikinig ngayon sa kanya sa mga tecniques na dapat naming malaman lali na sa pag gamit ng sandata. Big advantage narin na pinag aral ako noon ng self defense at taekwondo. Magagamit ko siya sa mundong ito. "Maraming salamat," sambit ni Sir Ronald at nag pa alam na sa amin. Lalapit na sana ako kay Lia ng mabilis silang lumabas nila Heidie at Gwen. Napahinto tuloy sa ere ang kamay ko na gagamitin ko sanang pang tap sa kanila. "Mag e-ensayo ba ngayon?" tanong ko kay Lawson. He look at me and nodded. "Hindi pwedeng libre ka sa pag e-ensayo," "Luh? Kala mo sa'kin. Mapang abuso?" He laughed. Sabay na kaming tatlong lumabas, di namin kasabay si Drix kasi lumabas narin siya ng mag isa and also Rey. "Akala ko kasi 'yon ang gusto mong sabihin," "Wag ka ng mag paliwanag jan, sakalin kita?" sambit ko at napairap. He laughed. Nakita ko ang pag irap ni Selene. "Nakakapanibago ang kilos mo kuya! Ihh!" ani ni Selene at mabilis na nag lakad upang maka punta ng club room. Natawa ako sa ikinilos ni Selene. Napatingin ako kay Lawson. He smirked. I pinch his cheek at sumunod kay Selene. Pag pasok sa loob ng room at ng sandaling makapasok narin si Lawson ay nag umpisa na ang meeting at kung ano ang mga dapat naming unpisahan. Ngayon ay mag e-ensayo kami ng isang oras sa pag gamit ng bow and arrow. May sekretong daan din pala sa loob ng room na ito papunta sa underground. Namamangha ako sa dami ng kagamitan. "Kunin niyo na ang kanya kanya niyong pana, nakahanda na ang mga manikin na patatamaan ninyo. Bawat puntos ay kasama sa grado natin kay Sir, Ronald." Kumuha sila ng kani-kanilang pana, kumuha rin ako ng sa akin ng makitang nakakuha na sila ng pana nila. Hindi ito ang first time ko na makahawak ng pana pero hindi ako ganoon kagaling sa pag gamit nito. Sana lamang ay maka tsyamba ako kahit papaano no? "Ako na ang mauuna," ani ni Lia. Pumwesto siya sa tapat ng isang manikin at ipinuwesto ang kanyang kamay habang hawak ang pana. Mukhang confident si Lia na ma b-bulls eye na ito dahil nag volunteer pa siya na siya ang mauuna. At hindi nga ako nag kamali. She really did! I was amazed. Walang kahirap hirap niya iyong nagawa. Tumingin siya kay Selene ng masama. Umirap si Selene sa kanya at lumapit ito sa pwesto ni Lia at tinaasan ng kilay. Ipinuwesto ni Selene ang kanyang kamay na ngayon ay handa ng paliparin ang pana sa manikin. Nanlaki ang mga mata ko ng ma bull's eye rin ni Selene. "Hindi ko pinatay si Aeris," ani ni Selene at malakas na ipinatong ang pana sa isang desk. "Nakakairita," dugtong ni Selene at mabilis na lumabas ng room. "Ako na ang susunod," ani ni Rey. Mabilis siyang pumwesto at mabilis na pinakawalan ang pana. Hindi na kataka-taka. It was a bull's eye too. Mukhang sanay na sanay na sila sa pag gamit ng pana. Bigla tuloy akong kinabahan, ako lang ang hindi makaka- bull's eye dito! Sumunod sina Heidei at Gwen. Ako na ang susunod. Kinuga ko ang pana at ipinuwesto ko ang aking kamay at tinignan ng mabuti ang manikin sa aking harapan, nang makita kong naka sentro na ng mabuti ang aking pana sa target ay mabilis ko iyong pinakawalan at napa pikit dahil kinakabahan ako sa resulta. "Constance, natamaan mo." mabilis kong iminulat ang aking mata. Nakita kong natamaan ko ang target. Napatalon ako sa tuwa. Fck! Natamaan ko. "Akala ko hindi ko matatamaan, hindi kasi ako gano'n kagaling sa pag gamit nito," sambit ko. Lawson nodded. "Talaga, parang sanay ka nga." aniya. "Hindi talaga," sambit ko at nag abot sa kanya ng pana. "Ikaw na ang susuno-- Wow!" ilang beses pa akong napapikit-pikit dahil natamaan niya ka agad ang target sa ganoong kabilis na segundo. "Pa-paanong--" "Wala ba akong premyo jan?" tanong niya. "Anong premyo?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at napa atras ako. Mabilis ko siyang tinulak dahil nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin. "Tumigil ka nga!" singhal ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. His hug, warmed my whole body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD