The birth
Isang linggo at tatlong araw bago nakabalik si Lawson sa Highforest. Nakaupo lamang si Euphie habang hawak-hawak ang tiyan niya na ngayon ay malaki na.
Pagkarating ni Lawson sa palasyo ng Highforest ay agad siyang dumeretsyo sa kwarto ni Euphie, ngunit bago naman siya magtungo roon ay ipina alam niya sa isang kasambahay na ipaalam na naririto na siya.
Binuksan ni Lawson ang pinto, nakita niyang nakaupo si Euphie at nakaharap sa salamin.
Nakita ni Euphie si Lawson dahil sa salamin. Hindi siya gumalaw at nanatili sa kanyang posisyon.
Lumapit si Lawson sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Nang makalapit si Lawson kay Euphie ay doon lamang niya mas napansin ang nagbago sa itsura ni Lawson.
"A-yos ka lang ba?" tanong ni Euphie. Nakita ni Lawson ang tiyan ni Euphie, nagtatakang tumingin si Lawson kay Euphie at kumalas ng pagkakayakap.
"Nagulat rin ako, ganito na siya ka agad kalaki." ani ni Euphie. Hinawakan ni Lawson ang tiyan ni Euphie. Naramdaman ni Lawson ang pagsipa ng bata sakanyang sinapupunan.
Lawson smiled.
"Nagagalak na akong makasama siya," sambit ni Lawson.
"Mag pahinga ka muna, itsurang pagod na pagod ka." ani ni Euphie.
"Ikaw ang pahinga ko, Euphie." aniya. Euphie giggled.
"Ewan ko sayo"
"Na miss kita," ani ni Lawson. He kissed Euphie on his lips. Tumugon naman si Euphie sa halik ni Lawson. Malumanay ang mga halik ni Lawson sa kanya na para bang dinadamdam nito ang labi ng dalaga.
"Mararamdaman ka ng anak natin, masyado kang mahalay." ani ni Euphie at itinulak si Lawson.
"Ha?" ani ni Lawson na hindi makapaniwala.
"Totoo naman, mag pahinga ka muna. Tatabihan kita," ani ni Euphie. Tumango si Lawson, sabay silang humiga sa kama, yumakap si Euphie sa kanya.
Naramdaman ni Euphie ang pag haplos ni Lawson sa kanyang buhok. Mas lalong isiniksik ni Euphie ang kanyang sarili kay Lawson. She really miss him.
Simula nang umalis si Lawson ay palaging nasa kwarto si Euphie. Nawawalan siya ng gana at palaging masakit ang kanyang katawan. Now that Lawson is in her side, she can't feel anything of that.
Kinabukasan ay nagising si Euphie dahil sa mga kakaibang ingay na kanyang naririnig. Mabilis siyang napahawak sa kanyang tiyan ng maramdaman ang pagsakit no'n.
Napasigaw si Euphie. Gumising siya na wala na si Lawson sa kwarto, kaya naman ng marinig ni Lawson ang pag sigaw ni Euphie ay agas siyang tumakbo at pumasok ng kwarto. Lumapit siya kay Euphie at mabilis na inalalayan.
"L-lawson... Manga-nganak na ata ako! Ah!" sigaw ni Euphie.
"Tumawag kayo ng babaylan!" sigaw ni Lawson. Mabilis na sumunod ang mga kasambahay sa utos ni Lawson.
Muling sumigaw si Euphie dahil sa sakit na nararamdaman niya. Dumating din ka agad ang mga babaylang pinatawag. Nalaman narin nila Selene at Drix ang pangyayari kaya hindi na rin sila mapakali.
"Ayoko na!" sigaw ni Euphie habang umiiyak. Hawak-hawak ni Lawson ang kamay ni Euphie at paminsan-minsang hinahalikan ito.
"Andito lang ako, Euphrasia." ani ni Lawson sa kanya. Muling sumigaw si Euphie. Pawisan na siya dahil sa patuloy na pag-sigaw hanggang sa marinig niya ang pag iyak ng kanyang anak.
"Maari ho bang lumabas muna kayo mahal na prinsipe? Kami na ang bahala rito." ani ng babaylan. Tumango si Lawson at muli munang tinignan si Euphie na nawalan ng malay at saka lumabas ng kwarto.
Pag labas ni Lawson ay naka abang pala sa may pintuan sina Selene at Drix, maging sina Wheyt at Asher.
"Kumusta si Euphie? Okay lang naman siya diba?" tanong ni Selene. Lawson nodded as an answer.
Nakahinga sila ng maluwag sa ibinalita ni Lawson.
"Nasasabik na akong makita ang kanyang anak," ani ni Selene.
"Gawa tayo?" tanong ni Asher sa kanya. Mabilis na napatingin si Drix at Lawson kay Asher. Nagkibit balikat si Asher sa masamang titig ni Drix at Lawson sa kanya.
"Bakit? Nasasabik daw siya. Hindi ba dapat bigyan ko?" tanong ni Asher. Malakas na hinampas ni Selene si Asher kaya naman napasigaw si Asher sa sakit.
"Aray naman!"
"Siraulo ka," singhal ni Selene at ngumiti sa mga kuya niya.
"Ano ba kayo, nagbibiro lang si Asher. Alam niyo namang ganto ugali nito." ani ni Selene at hinila na si Asher palayo sa mga kuya niya.
Halos isang oras ding naghintay si Lawson sa labas ng kwarto ni Euphie. Paikot-ikot ito at hindi mapakali. Napapailing na lamang sina Selene sa kanya.
"Nakakahilo ka kuya!" suway ni Selene sa kanya.
Mabilis na napatingin si Lawson sa pinto ng magbukas iyon, hindi pa nag sasalita ang babaylan ay mabilis na siyang pumasok sa looob. Nakita niyang hawak-hawak ni Euphie ang kanilang anak.
Hindi maunawaan ngayon ni Lawson ang dapat maramdaman. Euphie smiled to him at ibinigay sa kanya ang kanilang anak.
"May naibigay ka na bang pangalan sa kanya?" tanong ni Lawson.
"Alexandria,"
"Alexandria Bridget Durchevillé" banggit ni Lawson. Tumango si Euphie.
"Iyon na ang ipapangalan natin sa kanya," ani ni Euphie ng nakangiti. "Napakaganda, kasing ganda niya." dugtong pa ni Euphie.
Nakatitig lamang si Lawson habang nakatingin sa kanilang anak na umiiyak habang hinihele niya ito at pinapatahan.
Hinawakan ni Selene ang paa ni Bridget.
"Ang haba naman ng name niya, tawagin nalang nating Bri?" suhestiyon ni Selene. "Okay lang ba Euphie?" dugtong pa ni Selene at tumingin sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang paa ni Bri.
"Oo naman," sagot ni Euphie.
Lumabas ang mga babaylan at inilagay sa isang kuna si Bri na nakatulog na sa braso ni Lawson.
"Ang ganda ni Bri," sambit ni Drix. Tumango si Selene.
"Maganda ang nanay," sagot ni Selene.
"Syempre," confident na sagot ni Euphie. Selene laughed at agad naman siyang sinuway ni Asher.
"Baka magising si Bri," ani ni Asher.
"Labas muna kaya tayo no? Hayaan muna natin silang makapag pahinga." ani ni Selene. Tumango naman si Drix.
"Labas muna kami Euphie, maligayang pagsilang sa anak mo," ani ni Asher.
"Salamat sa inyo," sagot ni Euphie.
Lumabas sila ng kwarto at naiwan si Lawson sa loob.
"Babantayan ko kayo, pahinga ka muna." tumango si Euphie at dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata.
Euphie's P.O.V
Nagising ako ng may malakas na pag sabog akong narinig. Agad akong tumingin sa crib ni Bri at nakitang bitbit siya ni Lawson.
"Sumama kayo sa akin. Mukhang nakapasok na at natunton na tayo ng Anchrome." sambit ni Lawson. Kumuha ako ng kaunting gamit at inilagay iyon sa isang lalagyan.
Patong-patong na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Ngunit kailangan kong maging matatag at ma protektahan ang aming anak.
Mas lumakas ang naririnig kong pag sabog. Hiniwakan ni Lawson ang kamay ko at dumaan sa sekretong daan palabas sa kwarto ko.
Hindi ko na inexpect na wala kaming makakalaban dito. Iniabot sa akin ni Lawson si Bri at hinarangan niya ako sa mga papalapit na kawal na nag mula sa Anchrome.
Sinipa ko ang kawal na papalapit sa akin. Hindi ko masyado magamit ang kamay ko dahil bitbit ko si Bri. Hindi rin ako ganoon kagaling makipag-laban. Kaya hindi ko alam kung hanggang saan kami tatagal ng magkasama.
Tuluyan kaming nakalabas ng palasyo. Marami kaming nakakasalubong at pinoprotektahan kami ni Lawson.
Umiiyak na rin si Bri dahil sa ingay. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin.
"Lawson saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Trust me, Euphrasia Constance Madrigal." ani ni Lawson na nagpagulat sa akin.
Gulat man at maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko ngayon ay isinantabi ko ang lahat ng iyon.
Patuloy paring may humahabol sa amin.
Ginawa narin lahat ni Lawson ang makakayan niya uoang mailigaw ang mga kawal na sumusunod sa amin pero hindi parin niya ito mailigaw.
"Iikot mo doon at ideretsyo sa kanan. Sa kanang bahagi may daan doon na maliit mas bilisan mo ang pagpapatakbo Lawson para hindi nila makita kung saan tayo dumaan dahil matataas ang damo sa gawing iyon," sambit ko.
Tumango siya at mahigpit kong hinawakan si Bri. Mabilis na pinatakbo ni Lawson ang kabayo. Napakapit ako ng mahigpit at nagawa naming mailigaw ang mga sumusunod sa amin hanggang sa nagpatuloy ang pag papatakbo ni Lawson papunta sa lugar na hindi ko alam.
"Alam ko ang daan papunta sa mundo mo Euphrasia. Galing ka sa mundo ng tao, matagal ko ng alam ang bagay na ito. Hindi ko na maipapaliwanag ang buong detalye. Kailangan mong makabalik sa mundo mo at alagaan si Bri. Mamuhay kayo ng mapayapa sa mundo mo, Euphrasia. Huwag na huwag na kayong babalik sa mundong ito. Patawad at hindi na ako makakasama pa sa inyo." ani ni Lawson at inihinto ang kabayo. Nakita ko ang isang lagusan na biglang nag bukas sa kawalan.
"Hindi ko alam ngunit, noong huling punta ko rito hindi yan nagbubukas. Pero noong unang mapadpad ako rito ay, nagbukas ang lagusang iyan." ani ni Lawson.
"Natatandaan ko na lahat Euphrasia mula umpisa.. "
"Lawsom sumama ka sa'min. Pwede ba yun?"
"Susunod ako Euphie, sa ngayon ay kailangan mo niyo ng umalis ni Bri. Nararamdaman ko na ang presensya nila." ani ni Lawson. Mabilis niya akong niyakap at tumulo ang luha ko. Hinalikan niya sa noo si Bri at inilagay ang isang kwintas sa kanyang leeg.
"Mahal na mahal ko kayo," ani ni Lawson. Naramdaman ko ang pagtulak sa akin ni Lawson.
Isang kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman. Mahigpit kong hinawakan si Bri at napapikit ng makarinig ako ng ingay ng mga sasakyan sa paligid.
Nasaan ako? Saang lugar ako dinala?
Tumingin ako sa paligid. Nasa Mindoro ako?!
Fvck! Anong gagawin ko. Bat naman dito? Wala akong pera at wala kamung bahay sa mindoro.
Napatingin ako kay Bri na ngayon ay muli ng natutulog.
Saan ako pupunta nito ngayon? Ano ang dapat kong gawin?
Naglakad-lakad ako hanggang sa makapunta sa isang parke. Umupo ako sa isang upuan at pinakain si Bri gamit ang breast feeding.
Kailangan ko ng matitirhan, ngunit hindi ko alam kung paano ako makakuha ng matitirhan at kung saan ako kukuha ng pera.
"Uy pre, ganda oh. Kaso may anak na." dinig kong sambit ng isanv lalaki. "Hi miss," sambit muli noong lalaki. Ibinaba ko ang damit ko at pinatigil muna ang pag b-breast feed kay Bri. Hinawakan ako sa kamay ng lalaki at sasapakin ko na sana ito ng bigla itong bumulagta sa sahig.
Napatingin ako sa lalaking sumuntok sa kanya. Kumunot ang noo ko ng makita kung sino iyon.
"I-ikaw. Nakikilala kita, ikaw yung lalaki sa museum!" sambit ko. Kumunot ang noo nung lalaki sa akin. Napatingin siya sa tatlong lalaki na sinuntok niya na agad kumarimpas ng takbo.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
"Ikaw nga iyon tama?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Miss, ngayon lang kita nakilala," sagot niya.
"Wala kang kasama? Ihahatid na kita sainyo, delikado na ng ganitong oras miss, saan ang bahay niyo?" tankng niya sa akin. Napabuntong hininga ako.
"Wala akong bahay dito, taga manila ako," sagot ko sa kanya.
"Ang layo naman ng napuntahan mo. Gusto mo bang mag stay muna sa isang bakanteng kwarto na pinauupahan ko?" tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango dahil mukhang mapag kakatiwalaan siya. Siguro ay sadyang kahawig lang siya noong lalaki sa museum.
"Maraming salamat!" sambit ko. Sumunod ako sa kanya at sumakay sa kotse niya. Ang tagal na rin simula ng makasakay ako sa kotse, nakakapanibago ang mundong ito para sa akin ngayon.
"Single mom?" tanong niya.
"Hindi, hindi ko alam." sagot ko sa kanya.
"Ang ganda ng iyong anak. Anong pangalan niya if you don't mind askin' you?" tanong niya uli sa akin.
"Alexandria Bridget Durchevillé," sagot ko sa kanya.
"Maganda ang pangalan niya. Masyadong mahaba lang,"
"Call her Bri," sagot ko sa kanya. Tumango siya.
"Ikaw pala? Anong pangalan mo?" muling tanong niya.
"Constance Madrigal," sagot ko. "Ikaw?" dugtong ko.
"Lorence Sanchez pangalan ko," sagot niya sa akin.
I smiles back to him. Huminto ang kotse niya sa isang bahay. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.
"Salamat..." muling pag papasalamat ko sa kanya.
"Ang isang bahay na yun ay wala pang umu-upa. Okay kang ba sayo na doon kayo magpapalipas ng gabi?" tanong niya at agad akong tumango.
"Wala pong problema. Sobra sobra na po ito. Maraming salamat po talaga.
"Walang problema." aniya. Sinamahan niya ako papasok sa bahay na yon. Binuksan niya ang ilaw at nakita kong may mga gamit na sa loob ng bahay. Totoo ngang maliit lamang ito ngunit mas okay na ito.
"Paano, maiwan na kita, ito ang susi, yang tapat lang na yan ang bahay ko. Punta ka nalang bukas kung gusto mo nag almusal ibibilin ko sa mga kasambahay dahil maaga akong aalis bukas," aniya. Muli akong nag pasalamat sa kanya at ngumiti naman siya sa akin bago lumabas ng bahay.