Dalawangpu't siyam: Zakhara

1315 Words
Zakhara Nakahiga pa rin si Euphie at hindi bumabangon kahit alam nitong ngayon aalis si Lawson papuntang Zakhara. Naramdaman ni Euphie ang presensya ni Lawson na pumasok sa loob ng kwarto. Umupo si Lawson sa kama at hindi pa rin siya gumalaw. Lawson placed his hand on her hair at hinaplos iyon ng marahan. "A-alis na ako, babalik ako ka-agad," aniya. Hindi umimik si Euphie at nanatiling nag tutulog-tulugan. Tumayo si Lawson at lumabas ng kwarto ni Euphie. Pag kalabas ni Lawson ay tumayo si Euphie at bumuntong hininga. Hinintay pa niya ang ilang minuto bago lumabas ng kwarto. Napatalon si Euphie ng makitang naroon si Drix. "Bakit gulat na gulat ka?" tanong niya sa akin. Napairap ako at hinampas siya. "Syempre. Hindi ko alam na anjan ka, kaya magugulat talaga ako diba?" inis na sagot ni Euphie sa kanya. Drix laughed. "Aalis din ako, si Selene utusan mo kapag may gusto ka." ani ni Drix. Kumunot ang noo ni Euphie at nagtatakang tumingin kay Drix. Napansin ni Drix ang pag tataka sa mukha ni Euphie kaya ngumisi ito. "Pupunta ako sa Silverymoon," ani ni Drix. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Gusto akong makausap ni Wanna," sagot ni Drix. Napatango-tango naman si Euphie at ngumiti kay Drix. "Alam mo napansin ko lang na may gusto sa'yo si Wanna, alam mo ba yun?" tanong ni Euphie. Drix nodded slightly. "Hmm," "Wala ka bang gusto sa kanya?" tanong ni Euphie kay Drix. Hindi nakasagot si Drix agad. Nakita ni Euphie ang kalituhan sa mga mata nito. "Nalilito ka sa tunay mong nararamdaman Drix, hindi ko alam pero kung ano man ang pangakong pinanghawakan natin noon, ayos lang kahit hindi matupad," ani ni Euphie. Hindi umimik si Drix at umiwas ng tingin kay Euphie. "Mag i-ingat ka dito at huwag ka masyadong mag papagod ha? Babalik din ako agad para may kasama ka dito." ani ni Drix sa kanya. Euphie hugged Drix. "Palayain mo ang sarili mo at ibukas ang mga mata mo. Ang kahulugan at kalituhan ay malalaman mo lamang kapag nagpakatotoo ka sa iyong sarili, marahil ay hindi pa sa ngayon, ngunit ang bagay na iyan ang siyang mag papaligaya sa'yo. Hindi mo na ako kailangan pang alalahanin sapagkat kaya ko ang aking sarili," ani ni Euphie at ikinagulat ni Drix ang biglaang pagbabago ng boses ni Euphie kaya kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at nakita ang kakaibang anyo nito at ang kanyang mga mata. "I-isa... Isa kang bathala?" gulat na usal ni Drix. Mabilis na nawalan ng malay si Euphie. Nasalo naman siya ni Drix at dinala sa kanyang kwarto at inihiga sa kama. Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Drix sa kanyang nasaksihan. Tulala siyang lumabas ng kwarto ni Euphie at nag punta sa sala. Na abutan niyang nandoon si Selene at Asher. Ngunit sa unang pag kakataon ay nilagpasan niya ang dalawa. Nagtatakang tumingin si Selene sa kuya niyang tulalang nag lalakad palayo. "Ano nangyari don?" takang tanong ni Selene. "Bat sakin mo tinatanong? Aray!" malakas na binatukan ni Selene si Asher. Napanguso lang si Asher. Nakalabas si Drix at mabilis na sumakay ng kabayo palabas ng Highforest sa tulong ni Ashton. Hindi kasi basta-basta ang makalabas pasok sa Highforest dahil napapalibutan ito ng mahika. Mabilis na pinatakbo ni Drix ang kanyang kabayo at nakarating ito sa Silverymoon, mabilis siyang ng punta ng Luruar at dumaan sa sekretong daan upang hindi makita ng mga ibang kawal na nagbabantay sa harapan. Sumalubong sa kanya si Wanna na nakaupo habang nag hihintay sa kanya. Napatitig sakanya si Drix. Lumingon si Wanna sa kanyang likuran at agad napangiti ng makita si Drix. Lumapit si Wanna sa kanya at nag salita "Kanina ka pa ba jan?" tanong ni Wanna. Umiling si Drix. "Upo muna tayo?" ani ni Wanna. Tumango ai Drix sa kanya at sabay silang naupo na dalawa. Napakagat sa kanyang labi si Wanna. She can't resist how handsome Drix infront of her. Pakiramdam niya sasabog ang kanyang puso sa tuwa. "Ano ang sasabihin mo?" tanong ni Drix. Napakapit siya sa kanyang damit. "D-drix... Binabalak nilang ipagkasundo tayo. Sinasabi ko ito sayo ngayon para mapag planuhan mo pa ang pag tanggi. Alam ko na hindi mo ako gusto kaya hindi kita pipilitin sa bagay na ito. Hindi ko alam ngunit ang inyong amang hari ay matagal ng nakausap ang kuya ko sa bagay na ito, ngayon ay inuutusan siya ng mga opisyal na ipatupad na ang ating kasal," ani ni Wanna. "Sinabi ko na kay kuya na hindi pwedeng matuloy ang kasal na ito--" "Bakit hindi pwede?" Napatigil si Wanna sa pagsasalita. Kumunot ang noo niya at mas lalong idiniin ang kanyang kuko sa kanyang damit. "Dahil hindi mo ako gusto, at ayaw kong ikakasal tayong iba ang gusto mo." sagot ni Wanna. Drix slightly nodded. "Hayaan mo sila sa gusto nilang mangyari," ani ni Drix at tumayo. "Aalis na ako," dugtong ni Drix. Aalis na sana si Drix ng magsalita si Wanna. "Gagawin mo ba akong panakip butas para makalimutan si Constance? Bakit ba baliw na baliw kayo sa kanya? Dahil ba sobrang ganda niya?" tanong ni Wanna. "Mas nauuna tayong nagkakilala kaysa sainyong dalawa. Hindi mo ba ako nagustuhan kahit kaunti? Ano bang meron sa kanya na wala sa akin?" muling tanong ni Wanna. "Ang labo mo rin no? Minsan ang lambing mo sa akin, minsan ang cold mo. Alam mo na may gusto ako sayo pero nag bibigay ka ng mga tanda na dapat bigyang kahulugan. Sinubukan kitang layuan pero anong ginawa mo? Pinupuntahan mo pa rin ako, ano bang gusto mong gawin ko? Mag paka-tanga pa rin sa'yo?" Hindi umimik si Drix at nag deretsyo sa pag labas. Napa padyak si Wanna sa inis at tumulo ang luha sa kanyang mata. Mabilis niyang pinahid iyon at pinakalma ang sarili. Sa kabilang destinasyon naman ay nakarating ng payapa si Lawson sa dalawang araw na kanyang paglalakbay. Isang patag na lupain lamang ang bumungad sa kanya. Nasa tahanan siya ngayon ng mga diyos at diyosa. Hindi niya alam ang daan kung paani makakapasok o makakausap ang mga ito. Ibinaba ni Lawson ang dala nitong alay sa kung saang bahagi at lumuhod sa lupa. "Ako'y naririto upang kayo'y makausap at maliwanagan sa lahat ng bagay, pakiusap ako'y inyong pagbigyan!" ani ni Lawson, ngunit wala siyang narinig na sumagot sa kanya. Nanatili siya sa ganoong katayuan hanggang sa muli ng nagdilim at wala man lang bathalang nagpakita sa kanya. "Batid ko na ako'y inyong naririnig. Ako ay manantili dito hanggang sa ako'y inyong mapagbigyan," Tinupad ni Lawson ang kanyang sinabi. Tatlong araw na siya'y ngayon ay naroon lamang at nalaluhod. Namumutla na rin siya at hindi pa kumakain sa tatlong araw na iyon. Muling nakiusap si Lawson at sa pagkakataong iyon ay may isang bathala na ang nag pakita sa kanya. "Ano ang iyong pakay, alam mo bang delikado dito ang kagaya mo?" tanong sa kanya. Ngumiti si Lawson. "Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Alam ko na kayo'y instrumento sa pag gabay sa aming kapalaran. Nais kong humiling ng tulong. Gusto kong mabuhay ng payapa kasama ang aking mag ina na walang mabigat na tungkuling naka atas sa kanila," "Ang iyong mungkahi ay hindi ko maipapahintulot, sapagkat gaya ng iyong tinuran kami'y isa lamg instrumentong gabay sa inyong kapalaran. Ang bawat kapalarang inyong tinatahak ay kapwa kayo lang rin ang gumagawa, isang basbas mula sa pinakamataas na bathala ang siyang tutuling sainyong makamit ang tagumpay. Ang iyong kasintahan at ang inyong anak ay hindi karaniwang nilalang lamang dito sa Toril. Nais kong ipayo na marami pang kaganapan ang mangyayari, kaya't mag i-ingat kayo." Naglaho ang bathala. Natumba si Lawson at nawalan ng malay dahil sa pagod at gutom. Muling bumalik ang bathala at nag laan ng maraming pagkain, tubig at panibagong damit sa kanya. "Ang daang tinahak ninyo ay malubak, subalit sa daang iyan kapalit ay kaginhawaan basta't huwag lamang maliligaw ng landas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD