Dalawangpu't walo: Who killed Aeris?

1327 Words
Who killed Aeris? "Gusto ko rin na mas lalong matuto sa pag-gamit ng sandata--" napatigil ako sa pag sa-salita ng putulin iyon ni Lawson. Tumingin siya sa akin at nag salita. "Hindi pwede, makakasama yan sa anak natin," napasimangot ako sa sinabi ni Lawson. It's been a week since ganyan siya sa akin. Ayaw niyang kumikilos ako ng kumikilos, ayaw niyang sumama ako sa training nila. Duh! "Edi wag. Bahala ka nga jan!" singhal ko at padabog na lumabas sa training room. "Nakakainis na, ang boring-boring na ng buhay ko! Daig ko pa ang bilanggo--" "Makakasama yan sa anak mo," rinig kong ani ni Drix at sumabay sa pag la-lakad ko. "Isa ka pa," ani ko at umirap. He laughed a bit. Nang malaman ni Drix na buntis ako hindi niya ako kinausap ng halos tatlong araw. Naiitidihan ko, he's still have feelings to me. Hindi 'yon ganoon kadaling mawala but then, kinausapin niya rin ako. He supported us. I appreciated his support. "Tara lumabas?" aya ko sa kanya. "May nakita akong lagusan malapit sa hardin, gusto kong pumunta ng perya. Ayaw akong samahan ni Lawson," sambit ko at napasimangot. "May katwiran naman siya--" "Pakiusap, hmm?" sambit ko. Bumuntong hininga siya at napailing. "Sandali lang tayo doon ha?" aniya. Masaya akong tumango sa kanya. Tahimik kaming punta sa hardin at dumaan sa lagusang nakita ko doon. Finally! Matagal ko ng gustong pumunta sa perya. Ewan ko ba gustong-gusto ko talaga. Napahawak ako sa noo ko ng tumama iyon sa kung saan. Napatingin ako kay Drix at maging siya ay napahawak rin sa noo niya. "May panangga ang daan na tinatahak natin Constance," ani ni Drix. Mas napasimangot ako. Talaga bang hindi na ako makakalabas? "Mas kailangan kasi natin mag ingat ngayon Constance, hindi kung sino lang ang kalaban natin, malamang sa paligid ay nanjan lamang sila. At hindi ka pwedeng mapahamak," ani ni Drix. Inirapan ko siya at nag madaling nag lakad palayo sa kanya. Naramdaman ko ang pag sunod niya sa akin at pag tawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Wala na ako sa mood. Nakakainis lang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mamatay ata ako kapag hindi ako nakapunta ng perya! "Euphrasia--" inirapan ko si Lawson at nilagpasan hanggang sa makarating ako ng kwarto at i-lock iyon. "Euphrasia, buksan mo ang pinto." ani ni Lawson. "Bat ka andito? Mag ensayo na kayo, ayaw mo naman na sumama ako edi wag!" singhal ko. "Alam mo naman ang dahilan," "Kaya nga hayaan mo nalang ako dito, naiinis lang ako sa'yo." sambit ko. He sighed. Hindi ko na siya narinig na umimik pa. Umalis siya? Bakit siya umalis? I waited for a minute, pero hindi na siya bumalik pa. Napanguso ako at lumabas ng kwarto, pumunta ako ng training room at nakitang mag kalaban si Asher at Lawson. Napatingin sa akin si Lawson kaya nawala siya sa focus at natalo siya ni Asher. I smirked. Buti nga. "Gusto ko ng gatas," sambit ko ng makalapit sa akin si Lawson. Nakita ko ang pagtulo ng pawis niya. Kumuha siya ng pamunas at pinunasan ang kanyang pawis. "Mamaya na ako mag e-ensayo, sasamahan ko muna si Euphrasia," ani ni Lawson. Selene smiled. "Talaga lang kuya ha. Euphie, pahirapan mo si kuya ha? Babaero yan katulad nitong si Asher at halata namang baliw na baliw sayo si Kuya kaya lubusin mo na--" "Manahimik ka Selene," ani ni Lawson. Selene laughed. "Ay, pikon?" ani ni Selene. Hinapit ni Lawson ang bewang ko at ngumiti na lamang ako kay selene at kumaway sa kanya na aalis na kami sa training room. "Nagtatampo ka pa rin ba?" tanong niya. "Mukha ba akong nagtatampo?" tanong ko sa kanya. He chuckled and hold my tummy. "Epekto ba yan nag pag bu-buntis mo? Patagal ng patagal, mas nagiging masungit ka." ani ni Lawson. "Ewan ko sa'yo," sambit ko. Nakarating kami sa kusina. Umupo ako sa upuan at siya ang nagtimpla ng mainit na gatas sa akin. "Salamat," sambit ko ng inilapag niya ang tinimplang gatas sa lamesa. Kinuha ko iyon at ininom. Mabilis ko siyang naubos. Ewan ko ba, hindi naman ako mahilig sa gatas dati pero ngayon gusto ko palaging umiinom ng gatas ayoko na nga ng ibang pag kain e, gusto ko gatas lang. Tumingin sa akin si Lawson at inilapit ang upuan niya sa akin. "Ang ganda mo, Euphrasia." aniya sa malambing na tono. Hindi ako umimik at hinayaan siyang halikan ako sa noo pababa sa aking ilong hanggang sa aking labi. He kissed me gently. "Mas masarap pala ang gatas kapag ganito," ani ni Lawson at humiwalay sa akin. "Mag pahinga ka na, hatid na kita sa kwarto mo," aniya. Napasimangot ako at sumunod sa kanya pa-akyat sa kwarto ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nag pa-alam na rin siyang baba at tutulong kanila Selene. I closed my eyes and sleep. "Constance..." "Constance..." Nasaan ako? Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko ang babaeng nagpakita sa amin ni Lawson noong nasa Alaghon kami. "I-ikaw. Ikaw yung babaeng nag pakita sa amin. Totoo nga bang isa kang bathala?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. "Nabubuhay na ang iyong kakayahan, sa susunod na linggo ay ang paglaki na ng iyong sinapupunan. Huwag ka ng mag-taka dahil ang batang nasa iyong sinapupunan ay kabilang sa ating lahi. Iminumungkahi kong pag aralan mong gamitin ang iyong kakayahan, ng sa ganoon ay maipasa mo iyon sa iyong anak upang ma-protektahan siya. Maraming mag tatangkang kunin ang iyong anak sa oras na maisilang mo siya, dahil ang enerhiya ng itinakda ay matutuklasan ni Arranghagan." Ngumiti siya sa akin at biglang nag-laho sa aking paningin. Mabilis akong napabangon, isa iyong panaginip ngunit iyon ay makatotohanan. Nag pakita siya ulit sa akin. Naniniwala na akong isa nga siyang bathala dahil nararamdaman ko iyon. Ang mga sinabi niya ay muling nag pagulo sa aking isip. Sino ba talaga ako? Anong klaseng nilalang ba talaga ako? Napatingin ako sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natatakot ako. Kinabukasan ay dala-dala ko parin sa isip ko ang sinabi ng bathalang nag pakita sa akin. Nasa hardin lamang akong mag-isa. Nag u-usap usap sila at ayoko namang makinig dahil wala ako sa mood. Nalaman na rin nila kung sino ang pumatay kay Aeris. Taga Maztica ang pumatay sa kanya. Ang kapanlig bansa ng Anchrome. Sinabi ni Selene na maaring may nalaman si Aeris kaya nila ito pinatay. Napatingin ako sa aking likuran ng maramdaman ang presensya ni Lawson doon. Umupo siya sa tabi ko. "Aalis ako bukas, mag pupunta ako ng Zakhara, hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon," aniya. Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong gagawin mo don?" tanong ko. Kahit hindi ko alam kung saan yon o kung gaano kalayo. "Kakausapin ang hari, malayo ang lugar na iyon. Wala akong kapangyarihang mag-laho. Hindi din naman kayang makapunta doon ka agad kahit may kakayahan pa akong mag laho," paliwanag niya. I nodded. "Hmm," "Hmm?" "Ingat ka," sambit ko. "Utusan mo si Drix kapag may kailangan ka, nariyan naman din si Selene at maraming kasambahay, babalik rin ako ka agad basta matapos ko lang ang mission ko," sabi ni Lawson. "Di mo ako kailangan alalahanin, ikaw ang mag ingat." sambit ko. He smiled. I placed my head on his shoulder. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok. Nalulungkot ako. Iniisip ko pa lang na ilang araw siyang mawawala sa tabi ko ay mas lalong nagpa palungkot sa akin. "Lawson... Natatakot ako para sa anak natin," sambit ko. "Nagpakita sa akin ang bathalang nag pakita sa atin noong nasa Alaghon tayo, sinabi niya sa aking maraming magtatangkang kunin ang anak natin kapag na isilang ko na siya," dugtong ko. "Ano pa ang sinabi niya?" gulat na usal ni Lawson. "Hindi ko na matandaan at hindi ko maunawaan ang iba, yun lang ang malinaw sa akin na sinabi niya," sagot ko. Napatango tango siya at muling hinaplos ang aking buhok. "Wala kang dapat ikatakot, p-protekhan ko siya pati ikaw," ani ni Lawson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD