Dalawangpu't pito: Chaos

1597 Words
Chaos Pumasok si Lawson sa kwarto. Lawson look at Euphie, nakatulog na ang dalaga. Ibinaba ni Lawson sa side table ang dalang pag-kain at naupo sa kama at tinitigan ang dalaga. Isinukbit ni Lawson ang takas na buhok ni Euphie. Gumalaw si Euphie at ibinukas nito ang kanyang mata. "Nakatulog pala ako," ani ni Euphie. "Pasensya na, nagising pa kita." ani ni Lawson. Tumingin si Euphie sa side table at nakita niyang may pag-kain. "Masama pa ba pakiramdam mo?" tanong ni Lawson. Umiling si Euphie at itinuro ang pag kain. "Kain na tayo, gutom na ako." ani ni Euphie at napanguso. Napailing si Lawson sa kanya. Tumango siya at inilapit ni Lawson ang side table sa kanila para mas maka-kain sila ng maayos. Euphie started to eat. She's now enjoying her food asussual. Sabay silang kumain na dalawa na hindi umiimik. Mabilis rin silang natapos sa pag-kain. Euphie burped. Nahihiyang tumingin si Euphie kay Lawson. Lawson smirked. "Lawson, buntis ba talaga ako?" tanong ni Euphie sa kanya. "Ibig kong sabihin... totoo ba ang sinabi noong babaeng nag pakita sa atin na may bata sa sinapupunanan ko?" "Gustuhin ko man na hindi maniwala sa kanya Euphie ngunit isa siyang bathala," sambit ni Lawson. Nanlaki ang mga mata ni Euphie. "Isa nga siyang bathala?" gulat na tanong ni Lawson. Tumango si Lawson sa kanya. "Kaya... Wag kang mag papagod, makakasama yan sa magiging anak natin." ani ni Lawson at hinawakan ang tiyan ni Euphie. "Masayang-masaya ako Euphie. Hindi ko kayo pababayaan. Isusugal ko ang buhay ko ma protektahan ko lang kayong dalawa." sambit ni Lawson. Nanlambot ang puso ni Euphie, dahan-dahang tumulo ang luha sa kanyang mata habang nakayakap sa kanyang tiyan si Lawson. Mula ng marinig ni Euphie na buntis siya ay may pag a-agam agam siya. Hindi pa siya handang mag-karoon ng anak. Pero habang nakikita niya ngayon si Lawson at sa mga sinabi nito, ay handa na siyang harapin ang lahat, kasama ang taong minamahal niya. "Ewan ko s-sayo!" singhal ni Euphie at mahinang itinulak si Lawson palayo. Lawson laughed. "Busog na busog ka no?" Kumunot ang noo ni Euphie at napatingin sa tiyan niya. "Halata ba?" tanong ni Euphie. "Hmm," sagot ni Lawson at tumango-tango. "Epal," sambit ni Euphie at napairap. Mabilis na lumipas ang oras, napatingin si Selene kay Asher at napairap ng ngumisi lamang ang binata sa kanya. "Ginagawa ko ang tulong na ito para kay Selene. Wala kaming planong makigulo sa inyo, hanggat hindi pa namin nahahanap ang itinakda." sambit ni Asher. "Akala mo naman kailangan namin ng tulong mo?" ani ni Selene. "Kuya, tara na. Hindi natin kailangan manatili dito--" "Kakaunti na ang mga tauhan niyo at wasak na rin ang palasyo niyo. Mas makapangyarihan ang Anchrome sa inaakala niyo. Oras na lumabas kayo dito, kamatayan ang naka-abang sa inyo." wika ni Asher. Napakuyom si Selene at malakas na sinampal si Asher. "Nakaka-inis ka! Napaka babaero mo! Palibhasa alam mo kung paano ako pa amuhin ulit!" ani ni Selene. "Magandang hapon, nais kayong makausap ng hari," sambit ng nakakatandang kapatid ni Asher. Tumingin sa kanya si Selene. Sumunod naman si Drix at Wheyt sa nakakatandang kapatid ni Asher na si Anton. Naiwan si Selene at Asher. Lumapit si Asher kay Selene at lumayo naman ang dalaga sa kanya. "Hayaan mo muna akong mag paliwanag sa'yo Selene..." Napairap si Selene, at natawa. "Mag paliwanag? Kitang-kita ko na mag kayakap kayo ni Aeris!" "Ako ba ang yumakap sa kanya?" "Paano ko malalaman, hindi ko naman nakita ng buo--" "Tama, hindi mo nakita ng buo kaya pakinggan mo muna ako para malaman mo, hmm?" ani ni Lawson. "Tang*na mo talaga," Selene cursed. Asher laughed at niyakap si Selene. "Ang sungit mo naman," "Babaero ka. Tang*na mo." Malakas na tumawa si Asher at hinalikan si Selene sa kanyang labi. "Kinausap ako ni Aeris, alam mong matagal na kaming mag kaibigan kaya hindi ko matatangihan na paunlakan ang nais niyang makausap ako. Yumakap siya sa akin dahil nais nitong mag pa-alam. Hindi niya nasabi sa akin ang buong dahilan kung bakit siya a-alis o saan pupunta... Mukhang balisa rin siya noong mga araw na iyon kaya niyakap ko siya pabalik," "Balisa siya ng mga araw na yon?" ani ni Euphie. "Sa tingin ko ay may kinalaman ang pagpa-paalam niya sa pag kamatay niya." ani ni Asher. Tumango si Selene. "Hindi ba at nakatakda si Aeris ikasal? Nasabi sa akin ni Aeris na hindi niya mahal ang taong iyon, na may iba siyang minamahal at ikaw 'yon. Maaring balak niyang takasan ang kasal na 'yon kaya siya nag pa-pa alam sayo?" ani ni Selene. "Posible," sagot ni Asher sa kanya and Selene nodded. Sumunod si Wheyt at Drix kay Anton. Nagbigay galang sila sa hari ng High forest. "Maligay pag dating sa Highforest. Hindi na ako magpapaligoy pa. Maaring dito kayo manatili upang muling magpalakas at mag plano sa inyong susunod na hakbang. Hindi tayo maaring mag-padalos. Malakas ang pwersa ng Anchrome dahil hindi lamang sila ang kalaban natin dito. Ibinilin na ito sa akin ng inyong ama na si Haring Arth, hindi niyo naman siguro nanaising suwayin ang kanyang bilin." "Ibinilin ito ng amang hari?" "Kakaiba ang talinong taglay ng inyong ama, kakaiba rin ang lakas na mayroon siya. Ngunit nabago ang lahat ng iyon sa pagmamahal niya sa anchrome. Alam kong alam niyo na ang tungkol doon. Alam niya kung gaano kalupit ang anchrome at ang bathalang tumutulong sa kanila, kaya't batid na niyang may mangyayaring ganito," ani ng hari. "Narito ang liham ng inyong ama," ani ni nang hari. Kinuha ni Anton ang liham at ini-abot kay Prinsipe Wheyt. Binasa iyin ni Wheyt at nakibasa rin si Drix. Muling yumuko si Drix at Wheyt ng matapos mabasa ang liham. "Maraming salamat, Mahal na hari." sabay na sambit nila. Tumango ang hari at sabay sumunod si Anton sa kanilang pag-labas ng silid ng hari. Pag kalabas ay naroon si Selene at Asher na nag-tatawanan at mag-kayakap. Agad lumapit si Drix at inilayo si Selene kay Asher. "Kuya naman!" inis na sambit ni Selene. "Hindi porket dito tayo mananatili pansamantala ay hahayaan ko na magsama kayo," ani ni Drix. "Drix." ani ni Wheyt. "Kuya Wheyt, diba? Hindi natin hahayaang magsama sila," ani ni Drix. Lumapit si Wheyt kay Asher at tinapik ang balikat nito. "Ibininigay ko ang tiwala ko sayo na hindi mo pababayan si Selene. Oras na mabalitaan ko na may mangyaring masama sa kanya o paiyak mo siya. Umpisahan mo ng mag hukay." aniya at matalim na tinitigan si Asher. "Kuya nababaliw ka na ba?" tanong ni Drix at napahilamos sa kanyang mukha. Ngumisi si Selene kay Drix. "Masyado mo akong pino-protektahan, hindi na ako bata!" ani ni Selene at tumingin kay Wheyt. "Salamat kuya," dugtong niya at hinila na si Asher para makalayo na sa kanila. Hahabol pa sana si Drix ng pigilan siya ni Wheyt. "Magtiis ka, dahil pare-parehas tayong hindi gustong nakikita ang isa't isa." ani ni Anton. Napangiwi si Drix at pinigilan naman siya ni Wheyt sa anumang gagawin niya. Sinamahan ni Anton si Wheyt at Drix aa kanilang magiging kwarto. Nang maituro na iyon ni Anton ay agad din siyang umalis at pumasok ang dalawa sa kani-kanilang kwarto. Si Selene naman ay kasama si Asher papunta sa Alaghon. Alam ni Selene na posibleng naroon si Lawson at Euphie. Kasama niyang naglalakbay si Asher, kung maari lamang silang gumamit ng kapangyarihang mag laho ay ginawa na ni Asher ngunit hindi na iyon abot ng kanyang kakayahan, ang ganoong kalayong lugar. "Mas makakapag desisyon kami ng maayos kapag magkakasama kami. At isa pa hindi na ligtas si Lawson at Euphie sa Alaghon, anumamg oras ay maari silang matunton doon." ani ni Selene kay Asher. Ilang oras din ang ginawa nilang pag lalakbay hanggang sa makarating sila sa Alaghon. "Sabi na nga ba at narito sila," ani ni Selene at pumasok sa loob. Sumunod si Asher sa kanya. May hinila si Selene pababa at tumambad sa kanila ang lagusan pababa sa underground. "Ginawa niyo ang lugar na ito?" tanong ni Asher kay Selene. Selene nodded. "Oo," "Kuya, si Selene 'to," sambit ni Selene. Nang marinig iyon ni Lawson ay ibinaba niya ang hawak na sandata. Napatingin si Lawson sa lalaking kasama ni Selene at tinignan niya iyon ng masama. "Bakit mo kasama ang lalaking yan?" "Tinulungan kami ng High forest kaya buhay pa ang kapatid mo, kuya. Oh tatlo na ba kayong uuwi ngayon?" tanong ni Selene kay Lawson at tumingin kay Euphie. Selene smiled to Euphie. "Ano bang sinasabi mo jan?" tanong ni Euphie. "Kilala ko si Kuya, malamang may nangyari na sainyo. Tara na sa High forest. Kailangan nanatin mag isip ng susunod na hakbang," ani ni Selene at tunalikod na at lumabas ng kwarto. Pinigilan ni Lawson si Asher kaya napatigil si Asher sa pagsunod kay Selene. "Wala pa rin akong tiwala sa'yo. Huwag mong pababayaan si Selene. Papatayin kita sa oras na may mangyaring masama sa kanya." ani ni Lawson kay Asher. Asher smirked at tumingin kay Euphie. "Napakaganda ng dalagang nasa likuran mo..." ani ni Asher. "Wag moko titigan ng ganyan, mahal ko si Selene." dugtong pa niya at sumunod na kay Selene palabas ng kwarto. "Iyon ba ang kasintahan ni Selene? Akala ko maliliit ang duwende? Bakit matangkad yon. Pero tama ngang mahaba ang tenga ng mga duwende?" tanong ni Euphie na gulat na gulat pa rin sa nakita. "Kapag naroon na tayo huwag kang lalapit sa kanila. Mapanlinlang sila at hindi dapat lubusang pagkatiwalaan," "Mukhang may alitan kayo?" Euphie asked. Lawson didn't answer at hinawakan ang kamay ni Euphie at sabay na lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD