Dalawampu't anim: Euphie's Awakening

1256 Words
Euphie's Awakening Malakas na kulog at kidlat ang ngayon ay nagaganap sa kapaligiran. Nagising si Euphie. Nakakaramdam siya ng takot dahil sa lakas ng kulog at kidlat. "Ganito ba talaga kalakas ang kulog at kidlat dito?" tanong ni Euphie. Isiniksik ni Euphie ang kanyang sarili kay Lawson. Napangiti si Lawson. "Natatakot ka ba o gusto mo lang ako yakapin?" tanong ni Lawson sa kanya. "Ang kapal mo naman-- ay hala!" tinakpan ni Euphie ang kanyang tainga nang muli nanamang kumulog at kumidlat. Napahawak si Euphie lalo sa sa kanyang tainga ng may kakaiba siyang ingay na naririnig. Kinabahan siya dahil ganito ang nangyayari tuwing makakabalik na siya sa mundo niya. Yumakap siya kay Lawson. Ayaw na niyang bumalik pa. Gusto niyang manatili sa tabi ni Lawson, hindi niya alam kung kailan siya makakabalik uli dito kung sakaling makabalik siya ngayon sa kanilang mundo. Mas lalong tumindi ang naririnig na ingay ni Euphie. Napasigaw siya kaya naman nag a-alalang tumingin sa kanya si Lawson. "Euphrasia?" tanong niya. "L-lawson... ang sakit ng tainga ko pati ng tiyan ko," sambit ko. Lumiwanag ang buong kapaligiran, mas naging matindi ang nararamdamang sakit ni Euphie. The sky darken. Euphie shouted because of pain. Lawson can't do anything. He did hugged Euphie tight. Ibinukas ni Euphie ang kanyang mata. Lawson was shocked on what is he seeing right now. Ang mga mata ni Euphie ay nag-bago ang kulay, ang kanyang buhok ay nag-iba rin. Ang kanyang tainga ay humaba katulad ng isang duwende. Isang malakas rin na enerhiya ang naramdaman ni Lawson mula sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab. She is a Druids. Druids were primal spellcasters of considerable power and versatility, who gained their power through being at one with nature or through a connection to a powerful deity or nature spirit. Alam ni Lawson na possibleng maging isang Druids si Euphie lalo't isa siyang Hera ng Osse pero hindi niya akalaing makakakita siya ng pag papalit anyo ng isang druids. Euphie is still beautiful in his eyes. "Kailangan niyo ng umalis sa lugar na ito, kailangan niyong maligtas ang nasa sinapupunan mo, Euphrasia. Mag-tago kayo at lumayo hanggang sa lumaki ang batang nasa sinapupunan mo ang siyang magpa-pa bago sa mundong hinahanapan niyo ng kasagutan. Ang propesiya ay mag u-umpisa na," Nawala ang babaeng nababalutan ng liwanag na nag-pakita kay Lawson at Euphie. "Euphrasia, tara na." ani ni Lawson. Tulala pa rin si Euphie. Ramdam niya ang sakit ng buong katawan niya. Hindi rin siya makatayo ng ma-ayos kaya naman binuhat siya ni Lawson. Kumapit si Euphie sa kanyang leeg. Sumakay ng kabayo si Lawson at mabilis na pinatakbo iyon. Naramdaman ni Lawson ang daming paparating sa gawi nila, nag-iba siya ng daan at saglit na sinilip kung kaninong mga kawal ang paparating-- Anchrome. "S-sino ang babaeng nag pakita kanian?" tanong ni Euphie. Tumingin sa kanya si Lawson at ngumiti. "Huwag mo ng isipin 'yon," sagot ni Lawson at muling pinatakbo ang kabayo. Nag tungo si Lawson sa Alaghon. Iyon ang unang lugar na naisip niyang puntahan sa ngayon. Alam niyang hindi rin magiging ligtas ang lugar na iyon ngunit pansalamantalang ligtas sila doon. Itinigil ni Lawson ang pag papatakbo sa kabayo. Bumaba siya habang bit-bit si Euphie. Ipinaupo niya ito sa isang bakanteng upuan. "Sabi ko namang kaya ko ng bumaba," sambit ni Euphie. Itinali ni Lawson ang kabayo sa puno at tumayo naman si Euphie ngunit muntik na itong matumba na agad namang inalalayan ni Lawson. "Kaya pala ha," ani ni Lawson. "Bat kasi ang laki-laki ng..." "Euphrasia," "Ano? Sinasabi ko lang naman," ani ni Euphie at napanguso. Muling binuhat ni Lawson si Euphie hanggang sa makapasok sila sa underground. "Ginawa mo naman akong sanggol," reklamo ni Euphie. Nang makarating sa underground ay ipinahiga ni Lawson si Euphie sa kama. "Ano bang nangyayari? Sino ang babaeng nag pakita... Bakit, bakit kanina parang may kakaiba sa akin? Sobrang init ng katawan ko at parang nag bago ang katawa ko maging ang tainga ko. Isa ba akong duwende? Talaga bang dito ako nag mula sa mundong 'to? May kakayahan rin ako ng katulad sainyo? At ano ang sinasabi ng babaeng yun na nasa sinapupunan ko?" ani ni Euphie at huminga ng malalim. "Hello! Iisang beses lang tayo nag ano, buntis ako agad?" "Ang pagdadalang tao mo ay hindi agad-agad, ngunit may basbas na nila ito kaya mas mapapabilis ang pag dadalang tao mo," sagot ni Lawson. "Mag papadala ako ng liham kay Selene na narito tayo, sa ngayon mag pa-hinga ka muna," ani ni Lawson. Euphie nodded. Lawson smiled to her bago lumabas ng kwarto. ** "Dalhin niyo sa ligtas na lugar ang mga bata, ang mga matatanda na hindi na kayang lumaban ay isama niyo rin, lahat ng hindi ko nabanggit ay sasama sa pakikipaglaban!" sigaw ni Prinsipe Wheyt. Ang buong palasyo ngayon ay napapalibutan ng mga kawal mula sa Anchrome. Nalaman na nila ang katotohanang ang Faerun ang nag tago kay Euphrasia ay ang Calimport, Faerun. Marahas ang mga Anchrome, marami na ang namatay na taga Faerun. Selene, Drix are fighting too. Hindi nila napag handaan ang pagsalakay ng Anchrome ng ganito. Ang Anchrome ang pinaka ma impluwensya at mayamang bansa sa ngayon kaya't mas marami silang armas at mas laganap ang pag gamit nila sa kanilang kakayahan kaysa sa Faerun. "Nasaan ba kasi si Lawson!" iritadong sambit ni Selene. Tumalon siya at nag palabas ng tubig sa kanyang kamay. "CLIFFTON! USO ANG USAPAN. ITIGIL MO NA 'TO!" sigaw ni Selene. Mabilis na lumapit si Drix sa kanya. "Nababaliw ka na ba Selene? Ito na rin ang tamang pag kakataon sa lahat ng kawalang hiyaang ginawa nila!" ani ni Drix. Selene greeted his teeth as she remembered it all. The truth behind Aeris death, Affiana and their mother, father's death. "Ngunit maraming madadamay, hindi tayo pwedeng maging makasarili. Maayos pa natin 'to--" "Maayos kung ibibigay natin si Euphie. Hahayaan mo ba?" "Ordinaryong tao lang si Euphie kuya Drix! Hindi niya tayo matutulungan sa sumpang--" mabilis na umiwas si Selene sa umatake sa kanya at iniharang ang espadang hawak niya. "Hindi ordinaryong tao si Euphie, Selene!" ani ni Drix. Hindi umimik si Selene. Hinanap ng mata niya kung nasaan si Cliffton, ngunit hindi niya ito makita. Drix is busy fighting and helping kids na hindi makakalaban dahil hindi pa lumalabas ang kakayahan at hindi pa nahahasa sa pag gamit ng sandata. Alam ni Drix na makasarili ngunit gusto niya ring maipaghiganti ang pag-kamatay ng mga taong importante sa kanya. Ang isa pa, matigas ang puso ni Cliffton, hindi niya hahayaang mag usap lamang gayong, inilihim nila na nasa kanila ang taong matagal na nailang hinahanap. Napaupo si Selene, nakakaramdam na siya ng pagod sa pakikipag laban. Napakaraming kawal ang sumasalakay sa kanila at mgagalimg rin sa pag gamit ng mahika. Napahawak si Selene ng masugatan ang braso niya dahil hindi ito naka iwas ka agad. Wheyt saw what happened, mabilis niyang sinaksak ang kawal na umatake kay Selene at nilapitan niya ito. "Salamat, kuya." ani ni Selene. Wheyt nodded and stayed in his back. "Kailangan na nating umatras, mauubusan tayo ng mga kasama, marami na ang nailikas. Mamamatay tayo kapag ipinag patuloy pa natin 'to," sambit ni Wheyt. Selene nodded at nang makahanap ng tiyempong makatakas at malinlang ang mga kawal ay tumakas na sila. "Asher?" gulat na sambit ni Selene. Asher smiled to him. "Sumakay na kayo sa loob," ani ni Asher sa kanila. They followed him. Gulat pa rin si Selene. Asher used his power to teleport in HIGH FOREST. Their fate is know written.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD