Hartred Iminulat ko ang aking mga mata, tanging huni ng ibon ang aking narinig sa pagmulat, isang kisame ang aking nakita. "Janna!" Napahawak ako sa aking ulo ng muling bumalik sa aking mga ala-ala ang pangyayari. Napatingin ako sa aking gilid at nakita ang lalaking tumulong sa amin. "Nasaan si Janna! Bat iniwan natin siya!" sigaw ko sa kanya. Hindi siya umimik. "Kaya naman natin siyang iligtas pero bakit ako lang iniligtas mo?! At sino ba ang mga taong 'yon. At sino ka ba?!" sigaw ko sa kanya. Nanatili siyang tahimik at nakayuko. "Babalikan ko siya," sambit ko at bababa na sana mula sa kama ng pigilan niya ako. "Sa tingin ko ay hindi mo na siya makikita pa, isang buwan ka ng nakahiga dito at walang malay." sambit niya. Kumunot ang noo ko. Tf? Isang buwan? "Seryoso ka ba jan? Ka

