Bri's Decision "Bri!" sigaw ni Janna sa akin. Lumingon ako sa kanya at napasimangot. Malakas niya akong hinampas sa likod kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Iniiwan mo na ako ha!" singhal niya. I laughed. "Ang bagal mo kasi," sagot ko sa kanya. She smirked. "May chika ako sa'yo. Alam mo ba?..." Nagpatuloy siya sa pagsasalita. About sa mga kalandian niya. Wala namang bago kay Janna. She's always like that. Ewan ko ba sakanya. Hindi siya seryoso pag dating sa ganyang pag ibig. While me? NBSB. "Hay, basta nakakairita talaga!" aniya. Hudyat na tapos na siya sa kanyang chika. "Tapos, ang dami pang quizess at activities next week! Mamatay na ata ako," "Teka huwag." pigil ko sa kanya. Napasimangot naman ito at natawa ako. "Ang plastic mo ha." "Atleast concern," I said and smirk

