[Rivaille’s POV] Biglaan na lang kaming pinatawag upang magkaroon ng isang Round Table discussion. Medyo matagal na rin nang huli kaming nagsama-sama sa loob ng kwartong ‘to. Honestly, I hate to be inside this room. Sa tuwing narito kasi kami, wala kaming ginawa kung hindi mag isip ng plano para maisakatuparan ang mga utos na ibinibigay sa amin ng Demonyo. Ang mga utos na yan, iba-iba man pero nagkakaisa sa isang layunin…ang pumatay. Ang demonyong ‘yun, hindi talaga siya dapat pagkatiwalaan. Kahit na sinasabi niyang kakampi raw namin siya, sometimes it feels as if that person is on nobody’s side. That person is a demon, and I shouldn’t expect any sign of goodness within that wicked soul. Ngayon naisip ko na baka mamaya eh may kinalaman pa siya sa pagkamatay ni Cirin. Pero medyo impossibl

