[Zerija’s POV] Para kaming mga lumang kasangkapan na basta-bastang itinapon na lang. Hindi ko alam kung dapat ba kaming maging masaya o ano. Magsaya dahil sa wakas wala ng kokontrol sa mga galaw namin. Pero sa lagay kasi naming ito, parang napakadali lang ng lahat. Sa sobrang dali niya, hindi namin alam kung paano ba magsisimula. Hindi namin alam kung paano ba haharapin ang mundo…. na kami mismo ang sumira. Napatingin ako sa lalaking nasa aking tagiliran. Kung may mas nahihirapan man sa aming lima, sigurado akong siya. Sino ba naman ang taong halos ilang taon ring ikinulong sa loob ng building na ‘to? Noong kelan lang, gustong-gusto niyang makalabas. Pero ngayon, buo pa rin kaya ang loob niya? Siguro nararamdaman din niya na sa oras na lumabas kami sa building na ‘to, lahat ng kapangyar

