[Tyrone’s POV] Sinabihan ako ni Shun na sundan na lang daw sila kung gusto ko talagang makita sa huling pagkakataon si Cirin. Mag ingat daw ako. Dapat ko raw iwasan na magpakita lalong-lalo na doon sa maputlang lalaki na pumatay ng ilang daang tao noong isang araw lang. Gagawa raw siya ng paraan para mapagtakpan ang presensiya ko. Kahit na hindi ko maintindihan kung bakit, pumayag na lang ako. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makita si Cirin. Hindi pinaniniwalaan ng utak at puso ko na patay na siya. Parang kelan lang nang huli ko siyang nakita. Hindi ko yata kayang tanggapin kung ngayon eh wala na siya. Hindi yun pwede. Hinding hindi. Nang paalis na sana, sakto namang nagpumilit na sumama sa akin itong si Ilya. Kahit anong gawin ko, hindi siya pumayag na paiwan. Kaya ayan, nagmumukha na

