[Lenon's POV] Sigurado, napansin na ni Ate Cirin ang pagkawala ko. Baka hinahanap na ako nun. Ilang oras na rin ang nagdaan simula nang makaalis ako sa hide-out. Kapag nagtagal pa ako, paniguradong hindi lang siya ang magtataka. Sisiguraduhin kong babalik din ako kaagad pagkatapos nito. Gusto ko lang malaman kung ano na ang lagay niya. Sumakay pa ako ng zone elevator para lang makarating sa kinaroroonan ko ngayon...ang Zone Argos. I hate this place. Pero kahit anong gawin kong paraan upang makalayo, alam kong sa huli, dito pa rin ang bagsak ko. Katulad ngayon. Napansin ko ang limang guard na nakabantay sa tila palasyong structure na papasukan ko mismo. Filindria Palace...it's been a long time since huli akong nakapasok sa lugar na 'to. Hindi na nakapagtataka kung bakit sobrang hi

