"Nakapasok na po ako sa Dark Hand Order ni Kuya Rivaille. Nakita ko na rin ang dalawa niyo pang kaibigan. Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin. Yun nga lang, talagang magkakaiba sila ng ugali. Lahat sila, mahirap pakisamahan lalo na si Kuya Rivaille." kwento ko sa kaniya, Mayamaya ay nagulat ako nang mapansin na ngayon eh nakatingin siya sa akin. Mas nagulat din ako na makita na bahagya siyang nakangiti. "I see. Good job. Natatanggap ko ng maayos ang mga impormasyon na pinapadala mo. Pero ang inpormasyon na sinabi mo ngayon..I think they are more important than those." sagot niya, Pagkatapos niya itong sabihin, kaagad na nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at muli niyang itinuon ang attensyon sa binabasa. Si A-Ate..she took notice of me! Pinansin niya ako! Ningitian niya ako!

