"Royal flush! Paano ba 'yan?" pahayag ng isang boses na nagmula sa isang napakagandang babae. Naka-braids ang kaniyang buhok at nakasuot ng isang pormal na blue dress. "Putcha. Panalo ka na naman?!" reklamo ng isa sa mga kalaro nito. "Unbelievable na yang luck mo ha! Sunod-sunod ba naman ang royal flush! May tricks ka ano? Share mo naman!" ang pangungulit pa ng isa. Napangiti lang ang babae habang muling inaayos ang pile ng baraha. Naglaro sila ng poker, isang sikat na card game. Yun nga lang, walang pustahan o bayaran ang nagaganap. Isa lang itong libangan para sa kanila. Mayayaman na ang mga taong ito. May mga pera na, makapangyarihan pa. Kahit ano man ang gustuhin, nakukuha nila. "Walang tricks. Mas lalo ng walang daya." sagot ng babae na nagpakunot ng noo ng kaniyang kasamahan

