Puno ng pagkamangha na tinitigan ni Gian ang kasintahan. Manghang-mangha ito nakatanaw sa naggagandahan paligid ng sagradong-gubat mula sa kinaroroonan nilang ituktok ng talon. "Pakiramdam ko nasa isang libro lang ako.." anito na bumaling sa kanya. Agad na pumaikot ang kanya braso sa beywang nito at masuyo niyang pinatakan ng halik ang noo nito. "Pero hindi fictional ang nararamdaman natin para sa isa't-isa.." usal niya. Tumingala sa kanya ang dalaga. "Oo naman noh," anito. Nginitian niya ito. "Ang ganda dito parang ayoko ng umuwi sa bahay! Dito makakalimutan mo ang problema at stress sa trabaho," anang ng dalaga. "Gusto mo ba dito tumira?" aniya. Natigilan ito sa sinabi niya. "Bakit? Pakakasalan mo ba ko at tinatanong mo yan?" ganti-tanong nito sa kanya. Sinapo niya ang magkabi

