Nararamdaman niya na may gusto sabihin sa kanya si Nhovie. Kanina pa kasi niya napupuna na panay ang tingin nito sa kanya at mangungunot ang noo. Pagkaraan ng family dinner nila sa Baguio naman niya dinala ang dalaga. Ngayon nga ay magkatabi sila nito sa may salas habang nakaharap sa chimney na sinindihan niya. "Malakas ang pakiramdam namin mga lobo kaya alam kong may gusto kang sabihin?" untag niya sa dalaga. Bumuntong-hininga ito. Pumihit ito paharap sa kanya habang siya abala sa paglalagay ng gatong sa chimineya. "Mayroon nga," pag-amin nito. Pinagpagpagan niya ang mga kamay at pumihit din paharap dito. "What is it?" Tila nagtalo ang isip nito kung sasabihin ba nito sa kanya o hindi. Marahas ito bumuga ng hangin. "Ano yung ritual?" maya-maya bulalas nito. Natigilan siya at na

